Votes and comments will be highly appreciated!!!
"MUKHANG nagmamadali kayong umalis ah," nakangiting sabi ni Wayne.Nagkatinginan naman kami ni Bhea. Ganoon ba kami kahalata?
"May gagawin kasi kami." si Bhea na ang sumagot.
"Pwede ko ba'ng malaman?"
Naglalakad na kaming tatlo palabas. Paano ba kami magpapalusot kay Wayne?
"May isa kasi kaming subject kung saan partners kami ni Bhea," naisip kong palusot.
"Oo nga!" segunda naman ng kaibigan ko. "Mag-aaral kami sa kanila."
Tumango naman si Wayne. "Kailangan n'yo ba ng tulong?"
"Hindi!" mabilis kong sagot. Pati boses ko ay tumaas. Siniko naman ako ni Bhea sabay dilat ng mata.
"Baka may gagawin ka pa. Ayaw naming makaistorbo," si Bhea na ang nagpalusot.
Hindi na namin hinintay na sumagot si Wayne. Mabilis na kaming naglakad palayo.
"Hindi ko maintindihan si Wayne. Parang sobrang bait n'ya sa'yo." ani Bhea nang makalayo na kami.
"Mabait talaga s'ya. Ilang beses na din n'ya ako tinulungan sa pag-aaral." nakangiti kong sagot.
"Kaya pala lately ang tataas ng scores mo sa mga subjects natin! Ikaw ha, may nililihim ka pa din pala!"
"Bakit? Ikaw din naman ah. Tumataas na din ang grades mo. Mukhang may nagtututor din sa'yo."
Napansin ko na bahagyang namula ang mukha ni Bhea. May napunto yata ako.
"Uuuyyy!" sinundot ko pa s'ya. "May sikreto ang kaibigan ko."
"W-wala 'no! Nagaaral lang talaga ako para makapasa this semester para hindi matuloy ang balak nina Daddy na ipadala ako sa probinsya."
Bigla ko naman naalala ang sinabi ni Mama. Hindi ko alam kung dapat ko ba'ng sabihin kay Bhea ang nalalaman ko.
"Galingan mo ha?" iyon na lang ang nasabi ko. Hindi ko nga siguro dapat pakialaman ang issue ng pamilya nila.
"Naks! Supportive friend talaga!"
Tumawa naman ako. "Syempre, ayoko kayang mapalayo ka sa akin. Dapat sabay tayong ga-graduate dito."
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa locker area. Nagulat ako nang sikuhin ako ni Bhea sabay turo sa 'di kalayuan. Nakita ko naman na si Jian ang tinutukoy n' ya. Kasaluluyan s'yang may kinukuha sa locker n'ya at tila hindi kami napapansin.
"Lapitan mo na!" malakas n'ya akong itinulak.
Nasubsob tuloy ako kay Jian. Mukha naman s'yang nagulat sa bigla kong pagsulpot.
Mabilis na ngumiti ako. "Hi Jian!"
Sinimangutan naman n'ya ako. "Wala ka ba'ng mata at pati ako ay binabangga mo. Hindi gawa sa bakal ang mga buto ko."
Tumawa naman ako. "Na-miss din kita."
Inirapan lang n'ya ako sabay tulak sa akin palayo. Doon ko lang napansin na halos magkayakap pala kami.
"Ngayon pa lang ay masasabi kong may binabalak ka na namang kalokohan."
Nanulis naman ang aking nguso. "Hindi kalokohan iyon!"
Nahalata n'ya ba na may balak akong ipagluto s'ya? Paano n'ya nasabing kalokohan iyon?
Tinaasan lang nya ako ng kilay. "I'm warning you Althea, spare me."
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Novela JuvenilHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...