#SYLMT 71

81 13 0
                                    

Votes and comments are HIGHLY appreciated!!!
        
        
TUMAYO ako nang matanaw ko si Jian na papalapit. After two days, ngayon lang ulit ako lumabas ng kwarto. Napansin ko naman na parang natigilan s'ya nang makita ako.

"You cut your hair?" tanong n'ya ng makalapit.

Pilit naman akong ngumiti. "Hindi na matanggal ang bubblegum na nakadikit kaya nag-suggest ang hair stylist ko na iklian ko na lang."

Bakas sa mata ni Jian ang lungkot habang minamasdan ako.

"Nasaan ang chocolates ko?" pilit kong pinagaan ang aking boses.

"Here," isang maliit na kahon ang inilabas n'ya.

Napanguso naman ako. "Bakit ang liit. Kulang iyan sa akin!"

"Masisira ang ngipin mo."

Inirapan ko na lang s'ya bago tinanggap ang kanyang dala.

"Nabasa ko ang nangyari," sabi ko nang makaupo kami.

"What?"

"Ang nangyari sa Benitez."

Mas naging naman seryoso ang mukha n'ya. Tama ba ang hinala ko?

"Jian, don't tell me na ikaw ang dahilan ng nangyari?"

Tumingin naman s'ya ng diretso sa mga mata ko. "Yes."

Halos mapanganga ako sa sinabi n'ya. Kailangan ba na umabot sa ganoong sitwasyon? Hindi ba at sabi ni Papa na na-kick out sa University ang mga estudyante na nam-bully sa akin, pero hindi ba at parang sobra na pati ang kabuhayan nila ay madamay?

"B-bakit mo ginawa iyon?"

Ibinaling n'ya ang tingin sa ibang direksyon. Hindi din s'ya umimik.

Napabuntong hininga ako. "Hindi ko alam na may ganito kang ugali."

"Now you know."

"Pero bakit? Jian, kawawa naman sila!"

"Naawa ba sila sa'yo nang gawin nila ang mga bagay na iyon?!"

Napaigtad ako sa bigla n'yang pagsigaw.

"Naiintindihan ko kung galit ka sa kanila. Pero sana ito na ang huli. Ayokong may taong magagalit sa akin, wala iyong mabuting idudulot."

Sumandal naman s'ya at tumingin sa itaas. Palihim ko s'yang pinagmasdan. Bakit habang tumatagal ay nag-iiba ang ugali n'ya?

"This is me Althea," mahina n'yang saad. "This is me, protecting the girl I love."

Para na namang may bulate na nagwala sa tiyan ko. Kahit ang seryoso na usapan namin, hindi pa din s'ya sumasablay sa pagpapakilig sa akin. Palalampasin ko muna ito. Naiintindihan ko ang punto n'ya. Pero sisiguruhin ko na hindi na n'ya ito muling gagawin.

Huminga ako ng malalim bago tumayo at nagtungo sa ulunan n'ya. Nanatili naman s'ya sa ganoong posisyon. Ngayon ko lang naramdaman na sobrang miss ko na pala s'ya. Ang mga mata n'ya, ang matangos n'yang ilong na parang minumura ako. Pati ang labi n'ya.

Hinaplos ko ang kanyang buhok. "Hindi ako sanay."

Kumunot naman ang noo n'ya. "Saan?"

"Hindi ako sanay na seryoso lang tayo. Kasi, parang ang layo sa pagkatao ko. Hindi kasi ako madramang tao."

"Ikaw ang nagkulong sa sarili mo. Ikaw ang nagmukmok, tapos sasabihin mo sa akin iyan?"

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon