#SYLMT 99

83 12 0
                                    

Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
            
           
NALULUNGKOT na pinapanood ko si Jian habang naglalagay ng mga damit sa kanyang maleta. Mamaya ay aalis na s'ya papuntang Seattle. Gusto kong yumakap sa paa n'ya para pigilan s'ya sa pag-alis. Para tuloy gusto kong sabihin sa kanya na makiusap ulit kay Lolo na kung pwedeng i-delay muna ang pag-alis nya.

"Don't look at me like that," masungit n'yang sabi matapos isara ang kanyang maleta.

"Ha?" maang kong tanong.

"Huwag mo akong tingnan na parang iiyak ka na. Mas pahihirapan mo ako."

Napanguso naman ako. "Nalulungkot ako eh."

Humakbang naman s'ya palapit sa akin. "Damn it love. Para tuloy ayoko nang umalis."

"Umalis ka na," pagsusungit ko.

Baka ako pa ang sisihin nina Mama kapag hindi natuloy si Jian. Masyado pa naman s'yang mataray. Kamuntikan na akong mapasigaw nang bigla n'ya akong buhatin.

"Stop pouting wife. It makes me want to kiss you."

Kumapit naman ako sa balikat n'ya dahil pakiramdam ko ay malalaglag ako.

"Mag-iingat ka doon Jian," paalala ko habang malungkot na nakatitig sa gwapo n'yang mukha. Inayos ko din ang ilang hibla ng buhok nya na humaharang sa kanyang mata.

"Kumain ka sa oras."

"Yes ma'am."

"Matulog ka ng walong oras."

"Roger that wife."

Kainis. Mas lalo akong nalulungkot. Mami-miss ko sya ng sobra.

"H-huwag kang titingin sa mga amerikana."

Bahagya naman s'yang napangiti. Ano ba yan?!

"Sa'yo ko dapat sinasabi iyan," aniya.

Kumunot naman ang noo ko. "Bakit ako?"

"Masyado kang lapitin ng lalaki."

Napasimangot naman ako. "Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko."

"I know."

Napatitig ulit ako sa mukha nya. Mas lalo akong nahihirapan na paalisin s'ya. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin sa mga buwan na wala s'ya sa tabi ko.

"Jian."

"Hmm?"

"Pagbalik mo, magiging perfect wife na ako. Mag-aaral akong magluto, maglaba at maglinis ng bahay."

Bahagya naman s'yang natawa. "Huwag mo din kakalimutan na mag-aral ng mabuti."

Nanulis na naman ang nguso ko. "Sinasabi ko na, ipapaalala mo na naman iyan sa akin."

"I told you to stop pouting."

"Bakit ba—"

Naputol ang sasabihin ko nang bigla n'ya akong halikan. Pumikit na lang ako at tinugon ang halik n'ya. Isa din ito sa mami-miss ko sa kanya. Ang pagiging pilyo n'ya kapag kami lang dalawa ang magkasama.

Naramdaman ko na lumapat ang likod ko sa malambot na kama. Patuloy pa din naman s'ya sa paghalik sa akin.

"J-jian," kumawala ako sa labi n'ya.

"Wae?"

"Paalis ka na 'di ba?"

"May oras pa." muli ay sinakop n' ya ang labi ko. Hindi na ako pumalag pa. Niyakap ko na lang s'ya ng mahigpit.
    
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
            
           
            
           
TUMIGIL kami sa tapat ng sasakyan na maghahatid sa kanya sa airport. Iniabot naman n'ya ang kanyang maleta sa nakaabang na driver bago bumaling sa akin.

Say you love me... TOO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon