Votes and comments are HIGHLY recommended!!!
LINGGO. Imbes na nagre-relax ako at ine-enjoy ang araw na malaya ako sa school ay nakasubsob ako sa pag-aaral. Bukas na ang report namin at hanggang ngayon ay wala pa din akong natatapos."Ulitin mo," ibinato ni Jian sa mukha ko ang mga sinulat ko.
"Ano pa ba'ng kulang?" naiinis na pinulot ko ang mga papel sa sahig.
Oo nga pala. Nakalimutan ko na kasama ko pala ang lalaking ito. Nagulat na lang ako nang bulabugin n'ya ako mula sa pagtulog at sinabihan na mag-aaral na naman kami.
At heto kami, para na akong binabangungot sa mga pinapagawa n'ya sa akin. Apat na oras na kami dito at panglimang beses na din n'ya pinapaulit ang isinusulat kong report.
"Kung ako ang makikinig sa report mo, aantukin ako," masungit n'yang sabi bago bumalik sa kanyang binabasa.
Nanlalambot na bumalik ako sa kinauupuan ko para ulitin ang aking report. Hinilot-hilot ko din ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay mangangalas na iyon sa sakit. Kanina pa kaya ako nagsusulat dito!
"Tandaan mo ang mga sinabi ko sa'yo kanina. Ginuhitan ko na din iyon sa libro mo, ang gagawin mo na lang ay palalawakin mo na lang ang topic at dadagdagan ng details," dugtong pa n'ya.
Inirapan ko s'ya. "Akala mo ang dali dali ng ipinapagawa sa akin," bulong ko bago muling binalingan ang aking libro. "Ano'ng details ba?" nakasimangot kong tanong.
Napapikit naman ako nang bigla n'yang ibagsak ang binabasang libro. Napanguso ako nang bigyan na naman n'ya ako ng masamang tingin.
"Panglimang beses mo na itinanong iyan Althea."
"Panglimang beses mo na din ako sinusungitan!" sagot ko.
Matiim na tinitigan na naman n'ya ako. Napalunok naman ako dahil pakiramdam ko ay inaakit n'ya ako. Eh! Ano na naman ba'ng naiisip ko?
"Naneun igeos-i na-ege il-eonago issdaneun geos-eul mid-eul su eobsda. (I can't believe this is happening to me right now.)"
Napakunot naman ang noo ko. Ano na namang ka-alien-an ang sinasabi nito?
Tumayo ako. "Hindi mo ako kailangang murahin!" Papatalo ba ako? Ano akala n'ya, s'ya lang ang may karapatan magsungit!
Umirap naman s'ya. "Aish. Naneun yeogie meomulmyeonseo dangsin-ui eoli seog-eum-eul gyeondyeoyahabnikka? (Do I really need to stay here and endure your stupidity?)"
Namumuro na talaga s'ya! Nagdadabog na tinalikuran ko s'ya. Matutulog na lang ako! Nakakainit ng ulo. Hindi ba n'ya alam na napapagod din ako?!
"Stay right there!" bigla n'yang sabi.
Naiinis na humarap ako. "Magpapahinga muna ako. Pwede ba iyon Jian Park?"
Napansin ko naman na umiwas s'ya ng tingin. Hindi lang iyon, namumula din ang mukha n'ya. Ano'ng meron?
"I think, y-you should go to the bathroom." tila nauutal n'yang sabi habang sa ibang direksyon nakatingin.
Namewang naman ako. "Sa kama ako magpapahinga. Bakit mo ako pinapapunta sa banyo?"
Hindi naman s'ya sumagot. Nagbaba taas lang ang Adam's apple n'ya.
Nilapitan ko naman s'ya. "Ano'ng arte iyan? Pwede ba'ng time out muna?"
"Just go to the bathroom," umusod s'ya palayo.
Inamoy-amoy ko naman ang sarili ko. Hindi naman ako mabaho? Bakit paulit-ulit n'ya akong sinasabihan na pumunta ng banyo?
BINABASA MO ANG
Say you love me... TOO (COMPLETED)
Teen FictionHinding-hindi daw sya magkakagusto sa babaeng mahina ang utak, nasa bottom section at palaging lutang. For short, ako iyon. Paano ko ba mapapaibig ang lalaking nuknukan ng sungit at suplado? Lalo na at nakatakda kaming ikasal dahil sa kasunduan ng...