𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 1
"Amara anak, iiwan ulit kita sa lola mo magpapakabait ka rito ah."
"Opo mama."
"Ma, kayo na po bahala kay Amara."
"Huwag kang mag alala anak hindi ko pababayaan si Amara" nakangiting sabi ni Lola.
Niyakap ako ni mama at hinalikan sa pisnge.Pupuntang ibang bansa si mama, isa siya OFW kaya ang lola ko na lang ang nag aalaga saakin.
Bata pa lang ako ay wala na kong nakagisnang ama. Sa tuwing itinatanong ko ito kay mama ang parati niya lang sagot ay balang araw ay makilala at makikita ko rin ang aking ama.
Nasasabik na akong makita ang aking ama. Ayaw ko man ay naiinggit ako sa tuwing makakakita ako ng batang kasama nila ang kanilang ama.
Paulit ulit kong tinanong si mama kung nasaan ang aking ama pero ayaw nitong sabihin ni pangalan nito ay ayaw niyang sabihin.
Ayaw ko man magtampo hindi ko naman mapigilan ito. Pakiramdam ko kasi pinagkakait nila saakin ang karapatang malaman kung nasaan o sino ang aking ama.
Hanggang sa lumaki na ko, hindi na ko muling nagtanong. Naniniwala ako na balang araw ay makikilala at makikita ko rin ang ama ko.
...
"Amara apo, anong gusto mong handa sa kaarawan mo? " Kaarawan ko na pala sa susunod na linggo. Labing pitong taon na ako.
"Wala po lola wag na po kayong mag abala pa. "
"Pero Amara nong nakaraang taon ay hindi na tayo naghanda. "
"Ok lang po yon lola, iimbitahan ko na lang po si Ali na dito siya maghapunan at matulog" si Ali ay kaisa isa kong kaibigan. Siya lang ang totoo kong kaibigan yong iba kasi ay lumalapit lang kapag may kailangan.
"O sige Amara kung yan ang gusto mo. "
"Salamat po. "
"Matulog ka na at maaga pa tayong pupunta sa palengke bukas. "
"Sige po. "
Humiga na ako at tumingin sa kisame. Napabuntong hininga ako.
Matutulog nanaman ako, mapapanaginipan ko nanaman siya.Isang lalaking hindi ko kilala, gabi gabi ay laman siya ng panaginip ko. Nagsimula ito ng nakaraang buwan habang papalapit ang kaarawan ko ay napapadalas ang pananaginip ko.
Panaginip na hindi ko maintindihan.
Isa kasing lalaki ang hinihintay ako.Hindi ko alam pero parang totoo ang lalaking yon.Sino siya?
Nalalapit na ang araw at magkikita na tayo hihintayin kita.
Hihintayin kita....
Author Note:
Maikli muna ang unang Chapter babawi ako sa susunod na mga Chapter's pangako.
Sorry sa mga errors.
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasyKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...