𝐍𝐞𝐰 𝐁𝐞𝐠𝐠𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠

206 15 8
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 34

Amara's Pov.

"Amara anak gising na! Anong oras na baka magabihan tayo sa biyahe natin. " Tama ba ang dinig ko? Boses ni mama.

Minulat ko ang aking mga mata. Awtomatikong nanlaki ang mga ito. Si mama nga.
"Mama!" niyakap ko siya ng napakahigpit. Subrang na mis ko si mama.

"Ang higpit naman anak."Natatawa nitong sabi. Humiwalay ako sa pagkakayakap. Inikot ko ang aking paningin. Nasa isang silid ako, silid na napakaganda.Napaka eleganti ng desenyo nito. Kulay ginto at puti ang kulay ng pintura nito pati ang mga gamit dito.

"Kaninong bahay ito?"
Bigla naman itong tumawa.
"Amara, bahay natin to, ano ka ba? Nanaginip ka pa ata?"
Bahay namin? Bakit hindi ko alam?

"Talaga po?" Paninigurado ko, ibang iba kasi ito sa bahay namin. Napakalaki kasi nito samantalang ang bahay namin ay simple lamang.

"Oo Amara, ikaw talaga. Maligo ka na at  nasa baba na si Ali naghihintay na. "

"Si Ali po? Nakabalik na rin siya. Masaya ako at kasama ko siya sa pagbalik."

"Amara, ano bang pinagsasabi mo?"

"Nakalimutan niyo na ba ma? Pumasok kami sa mahiwagang libro at diba nasa ibang bansa ka? Bakit ka andito?" Nagsalubong ang mga kilay niya.

"Amara, ano bang pinagsasabi mo? Anong mahiwagang libro? Ako nag ibang bansa? Kailan?" Nabigla ako sa sinabi ni mama.
Anong nangyayari?

"Naku anak, maligo ka na baka dala lang yan ng panaginip mo."Wala akong nagawa kundi pumasok sa banyo. Napatingin ako sa may salamin. Bumalik na ang kulay ng aking mga mata, pati na rin ang kulay ng aking buhok.

Naguguluhan ako. Ito ba ang sinasabi ng diwatang gantimpala?
Ibig sabihin ako lang nakakaalala ng mahiwagang libro? At kung ano ang nangyari roon?

Natapos akong naligo at lumabas ako sa aking silid. Namangha ako sa laki ng bahay na tinitirahan namin. Napakaganda nito.

"Mara! Ang tagal mo naman magising! " Napatulala ako sa akin nakita, si Ali. Dali dali akong tumakbo mula sakaniya at niyakap siya.

"Ali!" napaluha na ako sa labis na tuwa. Salamat sa diwatang tagapag-alaga at isinama niya si Ali.

"Anong nangyayari sayo Mara?" Kumalas ako sa pagkakayakap sakaniya.

"Wala Ali. Na mis lang kita."

"Na mis mo ko? Kakakita lang natin kahapon. Ikaw ah, baka nahuhulog ka na sa akin?"

"Ali naman. " Gaya pa rin siya sa dati. Hindi na rin siya bumalik sa dating binabae.

"Amara, Ali. Halina kayo at mag almusal na tayo!" Rinig kong tawag ni lola. Agad naman kaming nagtungo roon.
"Maupo na kayo." Naupo naman kami ni Ali. Si mama naman ay abalang naghahanda ng makakain. Hindi ko mawari ang labis na tuwang nararamdaman ko ngayon.

"Papa naman ang aga pa eh!" napalingon ako sa narinig ko. Nanlaki ang aking mga mata.
Si Sayrona kasama niya ang aking ama.
"Anong maaga? Kanina ka pa ginigising ng mama mo." Naupo sila sa may tapat namin. Nakatitig ako sa aking ama. Nag iba ang itsura nito, medyo tumanda ito kumpara sa noong nasa mahiwagang libro na parang kaedad ko lang siya. Ang kulay ng mata niya ay naging itim na rin. Ang mahaba niya buhok ay maikli na rin. May bigote na rin ito at may suot na salamin.

"Amara anak napatulala ka?" Tanong ng aking ama.

"Alam mo ba Mahal, kanina pa yan si Amara. Parang laging nabibigla at kung anu-ano ang sinasabi."

"Talaga?Baka naman masama lang ang gising niya."Hindi ako makaimik dahil sa labis na kasiyahan. Lubos akong nagagalak sa nangyayari. Ito ang pangarap ko at sa tingin ko ay natupad na.

" Tara na. "Tawag ni papa. Agad kaming pumasok sa isang magarang sasakyan. Katabi ko si Ali at si Sayrona sa likod. Si mama naman sa harap, si papa naman ang nagmamaneho. Nagpaiwan naman si lola dahil hindi na kayang magbiyahe pa ng malayo.

Papunta kami ngayon sa Batangas kung saan gaganapin ang ika-labing walong taon kong kaarawan.

Tinignan ko ang kalendaryo kanina at ngayon ay ika-isa ng Abril taong 2020  isang taon bago ako pumasok sa mahiwagang libro.

Nakarating kami sa Batangas isang Isla kami pumunta. Napapaligiran ito ng karagatan. Maputi ang buhangin nito at halatang malinis at malinaw ang tubig nito.

"Ate, nasasabik ka na makita ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Sayrona. Andito kami ngayon sa tabing dagat kasama si Ali .

"Mga kaibigan?" Takang tanong ko.

"Oo, wag mong sabihin nakalimutan muna ang kaibigan natin?" Bakas ang pagtataka sa mukha ni Ali.
Napakamot naman ako ng ulo. Ang hirap pala ng ganito para kang may amnesia.

"Hindi ah." Pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung sino ang mga tinutukoy niyang mga kaibigan ko.

"Parating na sila Ate. Nanasabik na kong makita siya!"

"Sino?"

"Sino pa ba di ang manliligaw niya."Sabat ni Ali.

"Kuya naman!" kinikilig pa nitong sabi.

"Amara, Ali, Sayrona. " Pamilyar na boses ang narinig ko. Napalingon ako at nakita ko si Kairo kasama si Aliyah.
Lumapit sila saamin.

"Ang ganda naman dito. " Sabi ni Aliyah. Muli, napaluha ako ang gandang gantimpala naman nito. Wala na kong mahihiling pa.

"Amara bakit ka umiiyak?" Takang tanong ni Kairo. Umiling naman ako.

"Masaya lang ako dahil magkakasama tayo ngayon."

"Ikaw talaga. " Niyakap ako ni Aliyah.

Nanatili kami sa tabi ng dagat hanggang sa mag gabi. Napalamig ng simoy ng hangin. Ang daming bituwin sa langit.

Maraming salamat diwatang tagapag-alaga.

"Pasensiya na ngayon lang ako." Napalingon kami sa babaeng papalapit saamin.
Hindi ako  pwedeng magkamali siya ang diwatang tagapag-alaga ng mahiwagang libro.

"Ikaw talaga Mayumi, kahit kailan huli ka." Lumapit si Kairo at hinalikan ito sa labi. Dahilan upang mabigla ako. Magkasintahan ba sila?

"Kumusta Amara?" Tanong niya saakin.

"Mabuti."Niyakap niya ko at may binulong.

"Nagustuhan mo ba nag gantimpala namin sayo?" Kumalas ito sa pagkakayakap at ngumiti.

"Natatandaan mo?" Gulat kong tanong.

"Oo naman Amara."Ngumiti siya at niyakap akong muli.

" Mabuti ang iyong puso at ito ang resulta nito. Maraming pang mangyayari Amara at natitiyak kong lubos kang masisiyahan."Napaluha ako sa labis na tuwa.

" Maraming salamat."

Ang hirap at sakripisyo namin ay hindi nasayang. Ang pagpasok namin sa mahiwagang libro at ang makilala ang mga tao roon ay napakagandang karanasan. Karanasan na kailaman ay hindi ko pinagsisisi at hindi ko makakalimutan.

LabzWriter.

Ilang chapter na lang Ending na huhuhu....

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon