𝐌𝐢𝐧𝐚𝐫𝐚

205 51 27
                                    

Chapter 16

Amara's Pov

"Anak, Amara"

"Ama?"

"Ako nga to anak ko, maayos lang ba ang lagay mo? " Batid ko ang kaniyang pag aalala.

"Opo ama. "

"Nalaman ko mula kanila Shiro na may kumuha sayo. Narito siya ngayon sa palasyo. "

"Ama natatakot po ako, napakalakas po nila! "

"Alam ko anak, kailangan mong tatagan ang iyong sarili."

"Opo ama. "

"Makinig ka Amara, kailangan mo ng mailabas ang iyong kapangayarihan upang makalabas ka diyan. "

"Paano po ama?"

"Alam kong mahirap ngunit magtiwala ka sa sarili mo Amara, hindi ka naman mahihirapan kontrolin dahil na sayo ang mahiwagang kwintas. "

"Kinuha po nila saakin ang mahiwagang kwintas. Paano po yon ama?"

"Kung ganoon ay wala na tayong magagawa Amara. Hindi ka maililigtas sa ngayong ng mga Guardian dahil naghahanda sila. Hinahanap na rin ni Aliyah at Kairo ang pang apat na Guardian. Kaya Amara, magtiwala ka saiyong sarili naniniwala kami sayo. "

"Opo ama"

"Mag iingat ka anak, mahal na mahal kita. "

"Mahal na mahal ko rin po kayo. "

Napamulat ako, narinig ko ang aking ama sa aking paniginip. Napaluha ako, natatakot man ay kailangan kong gawin to. Kailangan ko ng magising ang aking kapangayarihan.

Pumikit ako, unti unti kong nararamdaman ang init ng aking katawan. Init na tila pumapaso sa aking kalamnan.
Napadilat ako sa labis na sakit na nararamdaman ko.

Napaluha ako, isa akong mahina. Ako ang hinirang na tagapagtanggol ngunit napaka hina ko.

Hindi ko lubos maisip na sa isang iglap nagbago ang buhay ko. Isa lamang akong simpleng kabataan, masayang kasama ang aking lola't kaibigan. Napakabigat ng reposibilidad na aking kinakaharap ngayon ngunit tinanggap ko ito ng buong puso.

Hindi ako nagreklamo dahil hindi ito yong panahon na kailangan mag reklamo o mag inarte.

Ako si Amara ang hinirang nilang tagapagtanggol umaasa silang lahat saakin. Gusto kong matupad ang aking misyon, gusto kong makasama at makita pa ang akin ina.

Humagulgul ako, sa mahigit isang buwan ko rito ay ngayon lamang ako umiyak.

"Ang hina ko! " dumadaloy ang luha saakin mga mata. Napapikit ako sa labis na pighating nararamdaman ko.

"Amara! " nakarinig ako ng boses ng babae.

"Sino ka?"

"Ako ang iyong ispiritwal na lakas" makatulad kami ng boses.

"Amara, wag kang panghinaan ng loob hindi makakatulong yan."

"Alam ko, ngunit wala akong magawa."

"Tahan na Amara, palakasin mo ang iyong loob tutulungan kita, malapit na akong lumabas. Ihanda mo ang iyong sarili."

"Tumayo ka Amara" tumayo ako.
"Lumapit ka sa mga itim na bulaklak" ginawa ko bawat sabihin niya.

"Hawakan mo ang bulaklak" hinawakan ko ito. Napamulat akong bigla ng masugatan ako.
"Tiisin mo Amara, pumikit kang muli." Dumadaloy ang dugo ko sa bulaklak.

"Imulat mo ang iyong mga mata" ginawa ko nga ito. Nagulat ako ng naging kulay puti ang bulaklak na hawak ko.Nawala rin ang sugat saakin kamay.

"Tinataglay mo ang kapangyarihang busilak na puso. Sino man o ano man ang hawakan mo ay magiging busilak ito. Ang itim ay magiging puti. "

"Ibig sabihin ang masama ay magiging mabuti?"

"Oo Amara, ngunit napakadelikado nito maaari kang masawi sa pag gamit nito Amara. Isa lamang ito sa kapangyarihan mo, ngunit kong maaari ay wag mong gagamitin ito."

"May kapangyarihan nga ko ganito naman" nanglumo ako.

"Amara, ang kapangyarihan mo yan ay pinakamadaling matutunan ngunit pinakadelikado.Kailangan mong palakasin ang iyong loob."

"Amara, humarap ka sa salamin" may salaming nakasabit dito.
"Ang makikita mo rito ay ako, ako at ikaw ay iisa. "

"Darating ang araw magbabago ang iyong panglabas na anyo Amara. Kailangan mong maghanda sa pagbabago mo, mahihirapan ka. Ang naramdaman mo kaninang init ay mas higit pa roon ang mararamdaman mo. Malapit na ang tinakdang oras, bago magbago ang inyong anyo ay kailangan mo munang makaalis dito sa lugar na to. "

"Paano ako makakaalis? "

"Kaya mong makaalis na lugar na to sa isang pitik mo lang" napanga nga naman ako sa sinabi niya. Ganoon kadali?

"Kailangan mong maging handa, tutulungan kita Amara magtiwala ka sa iyong sarili, magtiwala sa atin. "

"Oo, maraming salamat maaari ba kitang tawagin Minara?"

"Oo naman Amara, sa oras na kailangan mo ko tawagin mo lang ang pangalan ko.Hanggang sa muli Amara. "

"Sino ang iyong kausap? Nababaliw ka na ba Amara?" nagulat ako ng biglang lumabas si Herro.

"Kanina pa kita pinagmamasdan, kinakausap mo ang iyong sarili" nakita ko ang pagtataka sa kaniyang mukha.

"Wala ka na roon kung gusto mo kausapin mo rin ang iyong sarili! "

"Napaka tabil ng bibig mo!" galit niyang sabi.Lumapit ako sakaniya nararamdaman ko ang tibay ng loob mula kay Minara.

"Wag mo kong mamaliitin Herro, hindi ako hinirang para lang sa wala! "

"Ano ba ang maipagmamalaki mo? Hindi mo ko kaya! "

"Maniwala ka, kaya kita! "

"Wag kang magmayabang binibini baka nakakalimutan mo narito sa aking deretoryo."Napatawa ako sa sinabi niya.

" Ang deretoryo mong amoy nabubulok na halaman, ang palasyong ito'y walang kwenta! "

"Lapastangan ka!" Sinampal niya ako, nasaktan ako inaamin ko ngunit hindi ko ito pinahalata.

"Ang sabi mo ako ang mahina? Mukhang mas mahina ka pa saakin! "
Sinampal niya kong muli naramdaman kong dumugo ang aking labi. Pinusan ko ito agad.

"Tandaan mo to Herro, ang kabayaran ng bawat sampal mo saakin ay kamatayan!" napaatras siya sa sinabi ko. Nakita ko ang aking sarili sa salamin na nakasabit, nag iba ang kulay ng aking mga mata ngunit saglit lamang ito.

"Hindi ako natatakot sayo, hindi ko hahayaan na isang tulad mo lang ang tatapos saakin. Kaya kitang patayin ano mang oras ko gustuhin! "

"Talaga? Bakit hindi mo gawin ito ngayon?Tignan natin kong mapapatawad ka ng iyong anak" ngumisi ako. Lumapit saakin at sinakal ako.

"Shikiro!"Tawag ko.

" Ama! Anong ginagawa mo! "nanlilisik ang kaniyang mga mata.
Binitawan agad ako ni Herro. Bago pa tuluyang makalapit saamin si Shikiro ay bumulong ako sakaniya.

" Tandaan mo Herro hindi ako magpapatalo sayo! Lalaban ako hanggang kamatayan. "Napatulala siya sa sinabi ko.

"Ok ka lang ba Amara" nag aalalang sabi ni Shikiro. Nagkunwari naman akong nahimatay.

Ako si Amara, ako ang hinirang na tagapagtanggol walang sinuman ang makakapigil saakin. Sa amin ni Minara.

LabzWriter :
I love this Chapter, sana magustuhan niyo rin😘

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon