𝐀𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡

252 59 38
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 13

Amara's Pov.

Pagkatapos kaming nag usap ni Aliyah ay napagpasyahan naming magpahinga.

Kinabukasan.

"Shiro, Kairo! " andito kami ngayon sa hapagkainan, nag aalmusal.

"Nahanap ko na ang pangatlong Guardian"  kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Shiro. Si Kairo naman ay wala man lang reaksyon.

"Paano? Saan?" Tanong saakin ni Shiro. Lumapit sa amin si Aliyah.

"Si Aliyah ang pangatlong Guardian"
napanganga naman si Shiro.

"Totoo?" Hindi makapaniwalang sabi ni Shiro.

"Oo, ako nga ang pangatlong Guardian na hinahanap niyo. Pasensiya na kayo kong ganon ang ginawa ko."

"Kinagagalak kitang makilala Aliyah" nakangiting sabi ni Kairo.

"Ikaw si Kairo nakita ko ang kakayahan mo kagabi, kaya mong basahin ang iniisip ng isang tao"

"Totoo ba yon Kairo?" Gulat kong tanong.

"Oo binibini."

"Sa una palang nababasa mo na ang iniisip namin?" Gulat din na tanong ni Shiro.

"Oo" natatawang sagot ni Kairo. Nakita kong napanganga si Shiro.

"Ibig sabihin alam mong... " hindi niya naituloy ang sasabihin sana niya, lumingon siya saakin.

"Oo, Shiro alam ko. Matagal ko ng alam."

"Nakakahiya" biglang tumawa ng malakas si Kairo.

"Naiintidihan kita Shiro."

"Salamat."

"Wag kang mag alala hindi kita pangungunahan,subalit..."

"Subalit?"

"Alam na niya" nalilito ako, hindi ko maintindihan kong ano ang pinag uusapan nila.

"Ano? Paano?"

"Nang dahil kay Aliyah"

"Ano!"

"Nasabi ko pasensiya na" natatawang sabi ni Aliyah. Nakita kong namula ang mukha ni Shiro.

"Anong pinag uusapan niyo?"

"Wala Amara" nakangiting sabi ni Aliyah.Wala raw? Ang labo naman nila.


"Aliyah, tuwing kabilugan ng buwan lang ba lumalakas ang yong pakiramdam?" Tanong ko andito kaming apat sa tabing dagat.

"Oo Amara. "

"Ibig sabihin nalaman mo ang nilalaman ng puso ko kahapon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Shiro.

"Oo Shiro kung kaya't nakaisip ako ng kalokohan" tumatawa niyang sabi.

"Unang kita ko pa lang sainyo ay alam ko na ako ang hinahanap niyo. Hindi agad ako nagpakilala dahil nakaisip ako ng kalokohan. Kalookohan na napaniwala ko kayo ni Amara." Tumatawa niyang sabi.

"Ayaw ko muna sanang aminin kagabi dahil natutuwa ako sa nakikita ko ngunit naisip kong kailangan nating magmadali sa ating misyon, bago pa mahuli ang lahat."

"Kung wala lang akong kapangayarihan upang basahin ang iniisip ng tao ay maniniwala na rin ako sayo Aliyah, sa pinakita mo kahapon ay tila patay na patay ka Shiro" humalakhak naman si Aliyah.

"Oo, makisig si Shiro pero hindi siya ang tipo ko. "

"Ano ba ang tipo mo Aliyah?"

"Isang lalaking kakaiba. "

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon