Chapter 24
Shiro's pov
Gusto kong damayan si Amara ngayon alam ko kailangan niya ng kausap.
Hinanap ko siya, nagpaikot ikot ako sa buong palasyo. Hanggang sa natagpuan ko siya sa pinakadulo ng harden.
"Amara!" lumingon siya saakin. Kitang kita ko ang luhang dumadaloy sakaniyang mga mata. Nilapitan ko siya at niyakap. Subrang nanabik ako sakaniya. Gustong gusto ko na siyang yakapin noong dumating sila ni Shikiro, hindi ko lang magawa dahil sa nangyari at sa mga nalaman ko.
"Ilabas mo lang Amara, andito lang ako handang makinig sayo." Naririnig ko ang munti niyang mga hikbi. Ang sakit sa pakiramdam na makita ko siyang ganito.
"Pasensiya ka na Shiro hindi ko talaga mapigilan ang aking sarili."
"Wag kang mag alala Amara naiintidihan kita."
"Ang dami kong nalaman parang ang lahat ng yon ay ang hirap tanggapin. Si Ali ang matalik kong kaibigan ay nalalagay na rin sa panganib.Hindi ko mapapatawad ang aking sa sarili sa oras na may mangyari sakaniyang masama." Ramdam ko ang pagmamahal niya sakaniyang matalik na kaibigan.
"Gusto ko ring magalit kay ama, nagkaanak pala siya sa iba.Buong akala ko ay mahal na mahal niya si mama bakit niya nagawa yon?Si mama ay walang naging karelasyon kahit na may mga nagtatakang manligaw sakaniya hindi niya ito tinanggap.Ramdam ko na umaasa parin siyang mabubuo kaming pamilya ganoon din ako. Alam ko masasaktan si mama sa oras na malaman niya na may ibang babaeng nakarelasyon si ama at nagkaanak pa sila. Diba kong talagang mahal mo ang isang tao dapat manatili ka pa ring tapat sakaniya malayo man siya sayo."Niyakap ko pa siya ng napakahigpit.
"Naiintidihan kita Amara, maging ako ay nahihirapan tanggapin ang mga nalaman ko. Ngunit kahit mahirap ay kailangan kong tanggapin ito."
"Napakabuti mo Shiro, humihingi ako ng tawad dahil ako ang bunga ng kasalanan nila. Kung hindi ako nabuo ay hindi magiging masama ang inyong ama. Kaya pala ganoon na lang ang galit niya saakin noong nakita niya ako. Ngayon naiintidihan ko na siya."
"Amara maling sisihin mo ang iyong sarili. Oo may pagkakamali ang mga magulang mo naging mapusok lang sila at nagpadala sakanilang emosyon."
"Pero Shiro."
"Inuulit ko,wag mong sisihin ang iyong sarili ang pagkakamali nila ay hindi mo pagkakamali."
"Pasensiya na Shiro nahihirapan lang akong tanggapin."
"Naiintidihan ko."
"Shiro,nababalot ng takot ang puso ko baka kasi may masawi sainyo. Hindi ko kayang tanggapin na isa sainyo ay masawi.Kaya bilang hinirang na tagapag-alaga gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kayo." Bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin.
"Kaya namin ang aming sarili dapat ay kami ang gumawa noon sayo. Tungkulin naming protektahan ka."Tumingin siya saaking mga mata. Napakaganda ng kaniyang mga mata.
" Amara, ngayon palang nag uumpisa ang totoong pagsubok sa atin. Ngayong komplito na ang limang Guardian siguradong gagawa ng paraan ang diwatang taga sira upang pigilan tayo. Kaya Amara tatagan mo ang iyong sarili, andito kami kasama mo hanggang huli."
"Salamat Shiro, maraming salamat."
"Amara!" Biglang kumabog ang puso ko.
"Mahal na mahal kita."Napansin kong namula ang kaniyang pisngi, umiwas din siya ng tingin saakin.
" Gusto ko lagi mo itong tatandaan Amara, una palang kitang nakita ay nabighani na ako sayo. Lahat ng katangian mo ay lubos na kaibig-ibig. Hindi rin ako magtataka na maging ang kapatid ko ay may gusto sayo. Kahit may gusto saiyo si Shikiro ay hindi ito dahilan upang pigilan ko ang aking nararamdaman. ""Shiro."Napayuko siya, hindi ko mabasa kong ano ang nararamdaman niya.
"Aaminin ko sayo..." Bigla akong kinabahan.
"Nahihirapan ang puso ko ngayon, nalilito ako kong sino sainyo ni Shikiro ang gusto ng puso ko." Kumirot ang aking puso saaking narinig."Noong hindi ko pa nakilala si Shikiro ay alam ko na sa sarili ko may nararamdaman na ko sayo.Nagbago lahat noon ng nakilala ko si Shikiro, ang nararamdaman ko sayo ay nararamdaman ko na rin sakaniya."
Nasasaktan ako sa naririnig ko. Dalawa kaming mahal niya. Dinadalangin ko na sana ako ang mas matibang sa puso niya.
"Ayaw ko kayong masaktan."Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti.
"Handa akong masaktan, handa kong tanggapin kong sinoman ang mahal mo saaming dalawa. Dinadalangin ko na sana ako ang mas matibang sa puso mo Amara, kung hindi man ako ay lubos akong masasaktan. Ngunit gaya ng sabi ko handa akong masaktan para sayo Amara."
"Shiro..."
"Wag kang mag alala saakin Amara, andito lang ako sa tabi mo. Kailanman ay hindi ka iiwan."
"Maraming salamat Shiro." Niyakap ko siyang muli.
"Mahal na mahal kita Amara." Bulong ko sakaniya.
Ilang minuto kaming nanatiling ganoon.
"Shiro!" napalingon kami kay Ali.
"Pinapatawag ka ng mahal na hari."
"Maiwan muna kita Amara."Hinalikan ko siya sa kaniyang noo.
" Magiging maayos ang lahat. "Tumango naman siya at ngumiti.Nagsimula na akong maglakad patungo sa mahal na hari.
" Shiro kumusta si Amara? "Alam kong nag aalala siya kay Amara.
"Maayos lang po siya mahal na hari. Naguguluhan lamang po siya." Bumuntong hininga ang mahal na hari.
"Sana mapatawad niyo ko."
"Mahal na hari tapos na po iyon."
"Maraming salamat Shiro. Siya nga pala kailangan niyo ng maghanda sa paglalakbay. Sa susunod na araw ay pupunta na kayo sa kinaroroonan ng mahiwagang libro. Pumunta ka sa silid ng mga armas kunin mo lahat ng armas na pwede niyong dalhin."
"Masusunod mahal na hari."Yumuko na ko at aalis sana ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Shiro!" Lumingon ako sakaniya.
"Maaari bang kausapin mo ang iyong kapatid, nangamngamba ako baka hindi na siya sumama sainyo sa paglalakbay ng dahil sa nangyari."
"Ako na po bahala sakaniya mahal na hari."
"Salamat."
Bago ako pumunta sa silid ng mga armas ay hinanap ko muna si Shikiro.
Natagpuan ko naman ito agad. Nasa harden din siya.Lumapit ako sakaniya. Mula rito ay tanaw namin si Amara na ngayon ay malakas na tumatawa."Ngayon ko lamang siyang nakitang tumawa." Sabi ko kay Shikiro.
"Kanina ka pa ba rito?" Tanong ko."Oo, nakita at narinig ko lahat ng pinag usapan niyo."
"Shikiro."
"Wag kang mag alala saakin Shiro. Nadala lamang ako ng galit kanina. Hindi ko lang agad matanggap ang lahat. Ngunit ngayon ay nalinawagan na ko. Mas higit na nahihirapan ngayon si Amara."
"Mahal mo talaga siya."
"Oo Shiro, kaya natutuwa akong malaman na may pagtingin din siya saakin kahit na kahati kita roon ay naging masaya na ko." Lumingon siya saakin at ngumiti.
"Magtutulungan tayo para kay Amara."Sabi nito saakin.
" Oo Shikiro. "Lumingon kaming muli sa kinaroroonan ni Amara.
Hanggang ngayon ay tumatawa pa rin siya. Napakagandang pakinggan ang kaniyang pagtawa.Gusto kong palaging naririnig ang pagtawa niya. Gagawin ko ang lahat upang hindi na siya muling lumuha pa. Papasayahin ko siya sa abot ng aking makakaya.
LabzWriter :
Sana magustuhan niyo..
Sana ma appreciate niyo ito.
Hindi ako perfect writer marami pong errors ang story ko.
Pasensiya na.
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasiaKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...