𝐁𝐞𝐬𝐭𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝

507 90 94
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 5

Ali's Pov.

Tatlong araw ng nakakalipas nagmula ng hindi ko na makita si Mara. Nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko.Tinanong ko si lola, ang sabi niya ay nasa palengke si Mara. Hinintay ko siya hanggang hapon kaso nga lang hindi pa siya umuuwi. Tinanong kong muli ang lola niya dahil nag aalala na ko, ngunit ang sabi nito ay umuwi muna ako at wag akong mag alala dahil uuwi rin si Mara.  Pabalik balik ako sa bahay nila pero wala siya roon. Nasaan ang kaibigan ko?

Andito ulit ako sa tapat ng bahay nila  hindi talaga ako mapakali hanggang hindi ko siya nakikita baka may nangyari na sakaniyang masama.

Tok.. Tok..

Agad naman bumukas ang pintuan nila.

"Ikaw pala Ali."

"Lola,andyan na po ba si Mara?"

"Ali, " nakita ko ang alinlangan sa kaniyang mukha"tumuloy ka muna rito at may sasabihin ako sayo." Pumasok ako sa bahay nila. Luminga linga ako ngunit hindi ko makita si Mara nasaan kaya siya?

"Sumunod ka sa akin" pumasok kami sa isang silid.
"Maupo ka" napansin kong ang daming librong nakakalat dito.
"Ali,may ipagtatapat ako sayo. Alam kong nag aalala ka kay Mara. Karapatan mong malaman kung saan siya naroroon" bigla akong kinabahan.

"Nasaan po si Mara lola?"
May kinuha siya sa isang kabinet.

"Si Amara ay nasa loob ng librong ito. "

"Po? Si lola naman hindi ko akalaing magaling kayong magbiro" sabay tawa ko ng malakas.

"Ali, sana nga nagbibiro ako ngunit hindi" may luhang tumulo sa mga mata ni lola.

"Seryoso?" Takang tanong ko,tumango naman siya. Kinuha ko ang librong hawak nito at kinalogkalog ko. Inikot ikot ko rin ito.

"Mara andyan ka ba?" Parang baliw kong titignan pero kakaiba ang nararamdaman ko sa librong ito.

"Hindi mo siya makikita Ali."

"Paanong nasa loob siya ng librong ito?"

"Si Amara ay hindi pangkaraniwang tao."

"Hindi ko po maintidihan lola."

"Makinig ka sasabihin ko sayo ang lahat" nagsimulang magkwento si lola mula sa ina ni Mara hanggang sa kasalukuyan. Napatulala ako sa narinig ko. Totoo nga na nasa loob ng librong ito si Mara.

"Ibig pong sabihin hindi pa sigurado kong makakalabas pa si Mara?" Tumango naman si lola.

"Buksan mo ang libro."

"Ayaw ko po baka mamaya ako naman ang higupin nito" binitawan ko ang libro.

"Ali, hindi ka hihigupin ng librong yan dahil maliwanag pa, sa gabi lang lumiliwanag ito at hinihigop niya ang sinumang magbukas nito. "

"Sigurado kayo?"

"Oo" pinulot ko ang libro at unti unti itong binuksan.
Wala nga liwanag na lumabas dito nakahinga ako ng maluwag.

"Mababasa mo riyan kong ano ang nangyayari kay Amara. "

"Talaga po?" Sinimulan ko ang pagbabasa.

Dalawang linggo ng nagsasanay ang hinirang na tagapagtanggol na si Amara.
Lubos itong nahirapan sa pagsasanay niya. Tiniisin niya ang sakit ng katawan niya at pinagbutihang maigi ang pagsasanay niya.

"Lola, dalawang linggo ang nakasulat dito diba tatlong araw lang nawala si Mara?"

"Oo Ali, mas mabilis ang oras sakanila kaysa sa mundo natin."

"Kaya pala" pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Sa tuwing nagsasanay siya ay parating nanunuod ang kaniyang amang hari, ngunit hindi ito nagpapakita.
Sa araw araw na pagsasanay ng hinirang na tagapagtanggol ay lalo siyang lumalakas. Pinagbubutihan niya lahat ng pagsasanay na ginagawa nila upang maging malakas na siya at masimulan na ang paghahanap sa iba pang tagapag-alaga.

Sa panahong nagsasanay sila ay naging komportable ito sa isa niyang tagapag-alaga na si Shiro. Si Shiro na unang tagapag-alaga nito, hindi niya pinapabayaan ang hinirang na tagapagtanggol. Araw araw silang makasama hanggang sa  naging komportable sila sa isat isa.

Itinigil ko ang pagbabasa nakaramdam ako ng silos, na hindi dapat kong maramdaman. Ang nag iisa kong kaibigan na tanging sandalan namin ang isat isa ay may iba ng kaibigan.

"May problema ba Ali?"

"Wala po lola, namimis ko lang po si Mara" ako kaya namimis niya?

"Gusto mo ba siyang makausap?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Pwede?" Nanabik kong tanong.

"Oo, noong panahong hinigop ng aklat na ito si Amanda ay nakakausap ko siya rito."

"Paano po lola?"

"Pumikit ka at isipin mo si Amara" ginawa ko ang sinabi ni lola.

"Kausapin mo na siya."

"Mara" unang bigkas ko hindi ko alam pero tumulo ang luha ko.

"Mara, naririnig mo ba ako? "

Amara's Pov.

"Mara, naririnig mo ba ako?" napatigil ako sa aking pagsasanay ng may marinig akong pamilyar na boses.

"Mara, kung naririnig mo ko sumagot ka."

"A-li ikaw ba yan?"

"Lola, lola narinig ko ang boses ni Mara" narinig kong sambit ni Ali.

"Ali ikaw nga!" Masayang sabi ko.

"Mara, sinabi saakin lahat ni lola na nasa loob ka ng mahiwagang libro. Mara, nag alala ako sayo" narinig ko ang hikbi ni Ali umiiyak siya.

"Akala ko nawala ka na, akala ko kung ano ng nangyari sayo. Parati akong pumupunta sa bahay niyo pero wala ka rito yon pala nasa loob ka na ng librong ito" tuloy tuloy niyang sabi.

"Pasensiya ka na Ali kong hindi ako napagpaalam sayo,biglaan ang lahat. Pasensiya na rin at pinag alala kita." Hindi ko na napigilan ang pagluha ng mga mata ko.

"Naiintidihan ko Mara pinaliwanag saakin ni lola,nababasa ko rin kong anong nangyayari sayo riyan."

"Talaga!"

"Oo Mara, alam ko ang paghihirap mo riyan. Sana andiyan ako para damayan ka para may kasama ka upang harapin ang lahat."

"Ali, masaya na kong andyan ka para sa akin. Masayang masaya ako dahil may kaibigan akong tulad mo."

"Masaya rin ako Mara, gusto mo bang pumunta ako dyan?"

"Hindi Ali, gustuhin ko man ngunit hindi maaari dahil hindi ka na makakabalik sa mundo natin."

"Sayang naman!"
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

"Mara, sana hindi mo ko ipagpalit sinuman ang maging kaibigan mo dyan."

"Oo naman Ali hindi kita ipagpapalit ikaw lang ang pinakamatalik kong kaibigan."

"Ganoon din ako Mara hihintayin kita hanggang sa pagbabalik mo."

"Hintayin mo ko Ali babalik ako babalikan kita."

"Maraming salamat Mara, maiingat ka riyan patuloy  parin kitang susubaybayan."

"Maraming salamat din aking kaibigan" napaluha akong muli.

Lalong lumakas ang loob ko dahil narinig ko ang boses ni Ali. Masayang masaya ako dahil may kaibigan akong handang tanggapin at hintayin ako.

Ali ,pangako babalik ako.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon