Chapter 29
Amara's Pov.
Kinaumagahan, maaga kaming nagising upang simulan muli ang paglalakbay.
Hanggang sa nakarating na kami sa dulo ng kagubatan.
Pagdating namin sa dulo ay maroong maliit na baryo.Mababait ang mga tao rito. Ang sabi ni Kairo ang bayan na to ay bayan ng maga tawa-tawa. Ang tawa tawa ay mga taong kahit walang nakakatawa ay tumatawa. Para silang mga baliw kong titignan.
"May nakita ako malawak na ilog sa banda roon." Sabi ni Shiro saamin.
"Talaga! Sa wakas makakaligo na ako, subrang lagkit na kasi ang pakiramdam ko." Sabi ni Sayrona. Maging ako ay nasasabik ng maligo. Bago kami nagtungo sa ilog ay kumuha muna kami ng silid na pwedeng upahan.Iniwan namin doon ang mga gamit namin.
"Mara, tara ligo na tayo!" halatang nasasabik na itong maligo.
Nagtungo kami sa ilog, nakakamangha ang ganda nito.Ang linaw ng tubig halatang malinis ito at mukhang maraming isdang naninirahan dito.Agad naman naghubad si Ali at lumusong sa may ilog.
"Tara na Mara!" lulusong sana ako ng pigilan ako ni Kairo.
"Kapatid ko, kailangan mo munang alisin ang kasuotan mo. Nababatid kong napakabigat ng bistida mo lalo na kong nabasa ito."Tama naman siya, ngunit nahihiya ako.
"Shiro halika ka na!" magiliw na sabi ni Sayrona. Agad naman niyang hinubad ang kayang kasuotan kung kaya pang ilalim na damit na lang suot niya. Kapansin pansin ang ganda ng hubog ng katawan nito.
"Aliyah, akala ko ba konserbatibo ang mga tao rito?" Takang tanong ko. Napatawa naman ito ng mahina.
"Konserbatibo nga ang mga tao rito."Simpleng sagot niya.
"Nagtataka ka ba kapatid ko?"Tanong ni Kairo, tumango naman ako.
"Oo, konserbatibo nga ang mga tao rito ngunit maaari kang maligo rito anuman ang isuot mo. May damit man o wala ay maaari rito. Ang mga tao rito ay walang pakialam. Hahayaan ka lang sa gusto mo at hindi sila mapansamantala."
"Mara! Sarap tubig. Tara lusong na!"napalingon naman ako kay Ali na ngayon ay aliw na aliw sa paglangoy.
"Tara na Amara!" yaya ni Aliyah. Naghubad din siya ng kasuotan niya. Napatulala si Kairo sakaniya. Napakaganda ng katawan nito, kung titignan ay maaari siyang ipangrampa.
Lumusong na rin si Aliyah,lumapit siya kay Ali.
"Tara na!" agad naman naghubad si Kairo at lumusong na rin. Maging si Malaya at Shiro ay naliligo na rin. Napalingon naman ako kay Shikiro.
"Nahihiya ka ba Amara?" Tumango naman ako.
"Wala kang dapat ikahiya." Nakangiti nitong sabi. Pinagmasdan ko ang kaniyang hubad na katawan. Hindi ko maiwasan mapalunok.Matipuno ang kaniyang pangangatawan meron din itong abs."Amara!"
"Sabay na tayo." Bumuntong hininga naman ako at tumalikod sakaniya. Bahala na.
Agad kong hinubad ang aking kasuotan.Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking balat. Buong buhay ko ay ngayon lang ako maliligo ng may ibang nakakakita na panloob lang ang suot ko. Muli, huminga ako ng malalim. Amara, maganda naman ang katawan mo kung kaya wag kang mahiya. Sabi ko sa aking sarili.
Humarap ako kay Shikiro na ngayon ay natulala.
"Napakaganda."Sambit niya dahilan upang mang init ang aking pisngi.
"Amara!" napalingon naman ako kay Shiro na madilim ang kaniyang pagmumukha. Agad na inabot niya ang isang damit. Tinignan ko ito, isang sando at sa palagay ko ay sakaniya ito.
"Isuot mo yan!"
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Isuot mo na lang!"
"Pangit ba ang katawan ko?"
"Hindi sa ganoon." Humarap siya kay Shikiro.
"Huwag mo siyang titigan ng ganyan!" inis nitong sabi.
"Ano ba problema mo Shiro?" Tanong ni Shikiro.
"Wala, isuot mo na yan!" baling niya saakin.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Sayrona na ngayon ay umahon galing sa ilog.
Lumapit saakin si Shiro at siya mismo ang nasuot saakin nito. Maluwag ang sandong suot ko at maikli,kita pa rin ang panty ko."Yan mas maayos na." Sabi nito.
"Halika na Shiro!"hinila naman siya ni Sayrona at lumusong na sila sa ilog. Nang iinit ang mukha ko sa ginawang yon ni Shiro.
"Alam ko na kong bakit nagawa ni Shiro yon."Napalingon naman ako kay Shikiro.
"Subrang nakakaakit ka Amara."Ngumiti pa ito, mas lalong uminit ang aking mukha.
"Tara na?" Nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman ito. Inalalayan niya ko hanggang makarating kami sa ilog. Bago kami tuluyan makalusong ay may binulong ito."Nakakaakit ka Amara, lalaki kami may kahina kami.Tandaan mo yan. "Napatulala ako sa sinabi niya.
"Shikiro!" malakas kong tawag sakaniya. Dahilan para tumawa siya ng malakas.
"Manyak!" dagdag ko pa. Tumakbo naman ito at hinabol ko naman sya sa may tubigan."Totoo naman Amara eh!" natatawa niyang sabi.
"Kahit na! Hindi mo dapat sinabi yon." Pinagbabato ko siya ng mga dahon na na lumilitaw sa ilog."Mas lalo kang gumaganda kapag naiinis ka." Tumatawa nitong sabi.
Pinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko hanggang sa..."Ehem!" napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon ako kay Ali.
Inikot ko ang aking paningin nakatingin pala silang lahat saamin.Nakakahiya.
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Ali at Aliyah. Isunibsob ko ang mukha ko sa likod ni Aliyah. Itinago ko ang aking mukha. Nakakahiya talaga.
"Kung titignan para kayong magkasintahan." Seryosong sabi ni Ali.
Lumingon naman ako sakaniya. Ang mga mata niya, malungkot. Subrang lungkot."Bagay kayo ni Shikiro Amara." Sabi naman ni Aliyah. Kitang kita ko kung papaano sumimangot si Ali.
"Talaga Aliyah! Bagay kami ni Amara?" Narinig naming sabi ni Shikiro.
"O-o." Nakita kong lumingon siya sa kinaroroonan ni Shiro. Gaya kanina ay madilim ang mukha nito. Alam ko nasaktan siya.
"Ang landi!" rinig kong sabi ni Sayrona.Hinayaan ko na lang ito, ayaw ko siyang patulan.
"Tama na yan! Maligo na tayo!" Hinila ako ni Kairo at inilayo sakanila.
"Kapatid ko!"
"Kuya?"
"Maraming nasasaktan."
"Alam ko."Malungkot kong sabi.
Hinawakan naman niya ang balikat ko." Naiintidihan kita, naguguluhan ka sa nararamdaman mo. Alam ko mahirap sayo ito. Alam kong ayaw mong may nasasaktan ka. "Tumango naman ako.
" Amara, payo ko lang sayo. Kung gusto mo talaga sumaya wag mong isipin ang masasaktan mo. Karapatan mong maging maligaya. Kung tunay ka nilang mahal magpaparaya sila at maiintindihan ka."
"Pero..."
"Hindi ito ang tamang panahon, tama ba ako?" Tumango akong muli.
"Ang pag ibig ay walang pinipiling panahon. Nababasa ko man ang naiisip niyo. Hindi ko naman alam ang nararamdaman niyo. Ayaw ko silang pangunahan Amara. Sundin mo kong ano ang dapat at kung saan ka sasaya. Makapangyarihan ang pag ibig Amara hahamakin ang lahat masunod lamang ito."
Napalingon ako kay Ali, hindi ako manhid alam ko na may ibang pagtingin siya saakin. Iba ang mga titig niya hindi gaya dati. Ayaw ko lang aminin ito sa aking sarili hindi ko ito matanggap. Si Ali ay hanggang sa matalik ko lang na kaibigan. Matalik na kaibigan na hindi ko iiwan kailanman.
Patawad Ali.
LabzWriter:
Sino ba ang nababagay kay Amara? TEAM Ali?
TEAM Shiro?
TEAM Shikiro.Comment po kayo if sino gusto niyo. ❣️
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasiaKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...