𝐊𝐚𝐢𝐫𝐨

338 75 74
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 8

Amara's Pov.

Patuloy ang paghahanap namin Shiro sa isa pang Guardian.
Nilibot namin ang buong bayan.
Inabot na kami ng hapon ngunit hindi pa rin namin nakikita ang isa pang Guardian.

"Tulong!" sigaw ng isang babae.

"Shiro, narinig mo ba yon?"

"Ang alin Amara?"

"Parang awa niyo na tulungan niyo ko"

"May humihingi ng tulong."

"Wala akong naririnig." Takang sabi niya.

"Tulungan niyo ko!" muling sigaw ng babae

"Sigurado ka Shiro?"

"Oo" lumapit siya akin.
"Ok ka lang ba Amara?"

"Tulong!"

"Shiro, may humihingi ng tulong."
Palinga linga ako ngunit wala akong makitang humihingi ng tulong. Marami ring tao sa kinaroroonan namin, tila wala silang naririnig na humihingi ng tulong.

"Wag! Wag kang lumapit saakin!" Halatang takot na takot ang babae.

"Shiro, tulungan natin siya!"

"Sino Amara?"

"Anong gagawin mo saakin? Aray!!!"

"Amara anong nangyayari sayo? "

"Hanapin natin siya!"

"Sino?"
Nalilitong tanong ni Shiro.

"Yong babaeng humihingi ng tulong."

"Saan? Bakit wala akong marinig?"

"Aray!!! Pakawalan mo ko, parang awa muna pakawalan mo ko!"

"Shiro!" nalilito na ko, hindi ko alam kong bakit ako lang ang nakakarinig sa isang babaeng humihingi ng tulong.
Inilayo ako ni Shiro sa maraming tao.

"May naririnig ka pa ba?"
Tumango ako. Naririnig ko ang malakas na iyak ng isang babae para siyang sinasaktan.

"Tulong! Hindi ko na kaya!" Tinakpan ko ang tainga ko ngunit kahit takpan ko ito ay naririnig ko pa rin.

"Shiro!" sigaw ko.

"Amara anong nangyayari? " ramdam ko ang pag aalala ni Shiro.

"Naririnig ko pa rin siya!"

"Ano? Paano?" Nalilito na rin si Shiro.

"Tulungan niyo ko, papatayin niya ko!"

"Nasaan ka?" Nagbabasakaling marinig niya ko.

"Sino ka?"

"Shiro narinig niya ako."

"Tutulungan kita, nasaan ka?"

"Andito ako sa lumang bahay sa likod ng isang malaking puno ng akasya."

"Tulungan mo ko parang awa muna" nanghihina niyang sabi.

"Shiro, nasa isang lumang bahay siya sa likod ng malaking puno ng akasya"

"Saan yon?"

"Magtanong tayo."
Nalilito man si Shiro sa nangyayari ay tinulungan niya parin akong magtanong tanong.

"Ale, may alam po ba kayong lumang bahay at sa likod nito ay isang malaking puno ng akasya?" Tanong ni Shiro sa isang ginang na nagtitinda ng tinapay.

"Meron, sa kabilang bakuran na yan makikita niyo ang isang malaking puno ng akasya. "

"Salamat ho. "
Dali dali kaming tumakbo ni Shiro.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon