Chapter 17
Amara's Pov
Dalawang araw na kong nakakulong sa silid na to.Tumingin ako sa paligid ang dating itim na bulaklak ay naging puti ang mga paru-parong lumilipad ay naging kulay puti, sa tuwing hinahawakan ko ito ay kusang nagiging puti. Nararamdaman kong nalalapit na ang paglabas ng aking kapangayarihan, madalas ko na ring nakakausap si Minara, pinapalakas niya ang aking loob. Sa tuwing nakakausap ko sya ay sumasakit ang aking kalamnan at ang init ng nararamdaman ko tila sinusunog ang aking kalamnan.
Ang sabi ni Minara ay tiisin ko lamang daw ito at kayanin ko ang sakit na nararamdaman ko.
Hindi ko rin pinapahalata kay Shikiro at sa ama nito na may kakaiba akong nararamdaman, mahirap na.Sa dalawang araw na nakalipas ay wala akong naging balita sa mga Guardian ko at saaking ama.
Gusto ko ng umalis sa lugar na to.Kunting panahon na lang at makakalis na ko rito.
"Amara! " napamulat ako ng marinig ko ang boses ni Aliyah
"Aliyah?"
"Nakakausap kita sa pamamagitan ng kapangayarihan ng iyong ama. Amara makinig ka nahanap na namin ang pang apat na Guardian "
"Talaga!" natutuwa kong sabi.
"Amara si Maliya na pang apat na Guardian ang mag aalis ng itim na mahika na nakaharang sa kinaroroonan mo. Sa oras na alisin niya ang harang ay kailangan mong gamitin ang kapangayarihan mo. "
"Pero, hindi ko pa naiilalabas ang kapangayarihan ko" malungkot kong sabi.
"Kailangan mo ng mailabas Amara, hindi maaaring manatili ka sa lugar na yan. Baka anong gawin nila sayo hindi ka namin maililigtas" ramdam ko ang pag aalala sa akin ni Aliyah.
"Gagawin ko ang makakaya ko Aliyah" bumutong hininga naman ako.
"Kaya mo yan Amara naniniwala kami sayo. "
"Salamat sa pagtitiwala" napaluha ako.
"Walang anuman, sya nga pala Amara inuumpisahan na ni Maliya ang pag alis ng harang. Nahihirapan siya sa lakas ng kapangayarihan ng kalaban. Babalikan kita Amara sa oras na maalis na niya ang harang, maiingat ka Amara."
"Salamat"napaupo ako sa pagkakahiga. Kinakabahan ako paano kong hindi ko magawa?
" Sa tingin niyo magtatagumpay kayo?"napatingin ako sa nagsalita. Si Shikiro pala.
"Anong ibig mong sabihin?" Humalakhak siya.
"Binibini, hindi ganon kahina ang kapangayarihan ko para hindi ko marinig ang pinag uusapan niyo."Lumapit siya saakin at naupo sa may higaan ko. " Sa tingin mo makakaalis ka pa rito?" Hinawakan niya ang mukha ko.
"Makakalis ako rito" matapang kong sabi. "Wag ka ng umasa Amara hindi ako papayag na aalis ka rito, para saan para ka Shiro?"
"Hindi,para sa misyon ko. Bakit hindi niyo maintindihan na kailangan kong iligtas ang mundong ito kong hindi ay maglalaho tayo lahat."Napaluha na ko, nakita ko namang naalarma siya. Pinunasan niya agad ang luha ko at niyakap ako.
" Shikiro, maglalaho tayo lahat hindi ko makikita ang kaibigan ko ang ina ko at ang lola ko. Hindi na ko makakabalik sa mundo namin!"humagulgul na ko, sana maisip niya na tama ako.
" Amara, hindi ako makakapayag na maglaho ka na maglaho tayo. Tatawagin mo parin ang diwatang tagapag bantay pero ang tutuparin mo ang kahilingan ng aking ama Amara."
"Paano ko matatawag ang diwatang tagapag-alaga kong wala ang mga Guardian ko? Ayaw ko rin tuparin ang hiling ng iyong ama. Sarili niya lang ang iniisip niya. "
"Oo nga pala hindi ko naisip yon" hindi ko alam kong matatawa ako o maiinis ako. Mula una sinasabi ko na sakanila ito.
"Kaya pakawalan mo ko Shikiro" kumalas ako sa pagkakayakap sakaniya.
"Hindi maaari" nanlisik ang mga mata niya. Nakakatakot man ito pero wala akong maramdamang takot. Hinawakan ko ang mukha niya.
"Kailangan mo kong pakawalan" mahinahon kong sabi.
"Nakikita kong hindi ka ganoon kasama Shikiro" umiwas siya ng tingin saakin."Shikiro, sa oras na makuha ko na ang kapangayarihan ko gagamitin ko sayo ang pinakadilikado kong kapangayarihan para sayo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"May isa akong kapangayarihan na napakadelikado pwedeng buhay ko ang kapalit nito."
"Anong klaseng kapangayarihan?"
"Maging mabuti ang masama. Maging puti ang itim gaya ng mga bulaklak at paru-parong nakikita mo" lumingon sya sa mga bulaklak at paru-paro. "Hindi ba kay gaganda ng mga ito?"
Tumayo siya sa pagkakaupo sa higaan ko at tumalikod.
"Amara, alam ko maganda ang itensiyon mo ngunit hindi porket itim ang aking kapangayarihan ay masama na ko. Hindi lahat ng itim ay masama. Oo sa oras na gamitin mo ang kapangayarihan mo saakin ay magiging liwanag ang aking kapangayarihan gaya ni Shiro ngunit kailanman ay hindi ko yon hinangad, lalo na kong buhay mo naman ang kapalit."Napatulala ako sa sinabi niya. Hindi lahat ng itim ay masama. Tama siya, wag natin huhusgahan ang isang tao o isang nilalang dahil lang sa kulay nito.
"Amara, ayaw kitang mawala. Iniibig kita Amara."Lumingon siya saakin. Tumayo ako at lumapit sakaniya at niyakap siya.Napaluha ako, siguro kong hindi niya ko mahal matagal na kong napahamak.
" Salamat Shikiro"kumakabog ang puso ko. Gaya ng nararamdaman ko kay Shiro. Hindi ko alam kong anong nangyayari,nalilito ako.
" Amara"humarap ako sakaniya. Pinunasan niya ang luha saakin mga mata.
"Ihahatid kita sa inyo" namilog ang mga mata ko sa sinabi niya."Ano?" Ngumiti siya saakin.
"Ihahatid kita sainyo."
"Paano ang iyong ama?"
"Ako na bahala sakaniya, naisip ko baka mahuli na ang lahat. Maglalaho ang mundong ito. Hindi ko kakayaning mawala ka."Niyakap ko siyang muli.
" Maraming salamat Shikiro!"
"Maghanda ka na at kausapin ang iyong Guardian na si Aliyah sabihin mong ihahatid na kita."
"Maraming salamat Shikiro" ngumiti siya saakin.
"Gagawin ko lahat para sayo Amara" tumalikod na siya.
Napakabuti ni Shikiro, hindi ko dapat siya hinusgahan.
"Minara narinig mo yon! " masaya kong sabi.
"Oo Amara" natutuwa niyang sagot.
"Narinig ko rin ang tibok ng iyong puso" pang aasar niya saakin.
"Minara!" saway ko sakaniya. Tumawa naman siya.
"Si Amara nalilito" humalakhak pa siya."Shikiro o Shiro Amara?" natatawa niyang tanong.
"Hindi ko alam" naguguluhan ako. Nang hindi ko pa nakilala si Shikiro ay si Shiro ang gusto ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Minara napakadali ko bang magkagusto sa isang lalaki?"
"Amara, ok lang yan hindi mo naman mapipigilan ang tinitibok ng iyong puso. Sa oras na makabalik na tayo at nakita mo si Shiro ay doon mo malalaman kong sino ang matibang. "
Tama si Minara, kong sinuman sakanila ang matibang alam kong may masasaktan ako at hindi ko gusto yon. Sa ngayon gusto ko munang maging malapit ang magkapatid sa isat isa..
LabzWriter :
Sa lahat ng nagbabasa nito kailangan ko ng Feedback para magtuloy tuloy ang update ko.
Comment kayo dito kong nagustuhan niyo ang chapter na to.
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasyKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...