𝐀𝐥𝐢'𝐬 𝐂𝐨𝐧𝐟𝐮𝐬𝐞𝐝

342 72 78
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 9

Amara's Pov

"Shiro, hindi na ata siya darating." Malapit na kasing sumikat ang araw.

"Maghintay lamang tayo Amara." Tumango naman ako. Ilang sandali pa ay sumikat na ang araw.

"Tara na." Malungkot kong sabi.
"Hindi na siya darating."
Sumampa na ko sa kabayo.

"Amara, lumingon ka roon!"
Lumingon naman ako. Namilog ang mga mata ko ng makita ko si Kairo na nakasakay sa puting kabayo.

"Dumating siya!"

"Paumanhin kong nahuli ako, nag paalam pa kasi ako sa mga taga baryo. "

"Ang mahalaga na nakarating ka." Nakangiting sabi ni Shiro.

"Maraming salamat Kairo."
Labis ang tuwang nararamdaman ko.

"Walang anuman binibini, kasama niyo ako sa misyong ito. "
Ngumiti siya saamin.

"Tara na!"
Umakyat na si Shiro sa kabayo.

Tatlo na lang at makokomplito na sila.Umaasa ako na sa tulong ni Kairo at Shiro ay mahahanap pa namin ang iba pang Guardian.

Ali's Pov.

"Lola!" tawag ko, andito ulit ako sa bahay nila Mara.

"Ali, pasok ka."

"Salamat po lola, kukumustahin ko po sana si Mara."

"Sige, pumasok ka na silid aklatan."

"Maraming salamat po."
Pumunta ako sa silid kong saan naroroon ang mahiwagang aklat.

Umupo ako sa isang sulok at nagsimulang magbasa.

Patuloy ang paglalakbay ng hinirang na dalaga kasama si Shiro na tagapag-alaga. Tumuloy sila sa isang silid upang magpalipas ng gabi.
Habang nakahiga sila ay napagkwentuhan nila ang tungkol sa matalik na kaibigan ni Amara na si Ali.
Napag alamanan ni Shiro na si Ali ay isang lalaki ngunit may pusong babae. Naibahagi rin ng dalaga ang naging pagkakaibigan nila ni Ali, habang kinukwento niya ito ay nakaramdam siya sa pangungulila sa kaniyang kaibigan "Ali, kung nababasa mo ito nais kong malamang mong namimis na kita"

Huminto ako sa pagbabasa, labis ang tuwang nararamdaman ko. Kahit nasa ibang mundo si Mara ay hindi parin niya ko nakakalimutan. Mis na mis ko na rin si Mara mula ng umalis siya tila naging malungkot ang buhay ko.

Habang nakahiga sila ay hindi naging komportable ang dalaga sa kaniyang katabi na si Shiro. Naisip niyang hindi pala si Ali ang katabi niya. Unang beses siyang may makakatabing tunay na lalaki.

Kumirot ang puso ko habang binabasa ito.

Napansin ng binata na balisa si Amara kung kaya't sinabi niya rito na isipin na lamang niya ito na siya ang kaibigan niya.

Ginawa ng dalaga ang sinabi ng binata ngunit kahit anong kumbinsi niya sa sarili niya'y hindi maalis sa isip niya na si Shiro ang katabi nito at hindi si Ali.
Napansin muli ng binata na hindi pa rin komportable ang dalaga.
Kaya sinabi niyang wala siyang masamang gagawin sa dalaga.

Nakatulog ng mahibing ang dalaga subalit ang binata ay nanatiling gising. Pinagmasdan niya ang maamo at magandang mukha ng dalaga. Unti unti ay nakakaramdam siya ng kakaiba sa dalaga, humanga na ito sa aking kagandahan at katapang ni Amara.

Napasabunot ako sa aking buhok sa labis na inis na nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Tila gusto kong manakit ng tao. Bakit ako nakakaganito?
Pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa kahit na hindi ko gusto ang nababasa ko.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon