𝐂𝐨𝐦𝐞𝐛𝐚𝐜𝐤

204 41 19
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 18

Amara's Pov

"Aliyah!" pinikit ko ang aking mga mata.
"Aliyah!" muli kong tawag.

"Aliyah naririnig mo ba ako?" Ilang sandali pa ay sumagot na siya.

"Amara, oo naririnig kita. "

"Aliyah sabihin mo kay Maliya na wag niya ng ituloy ang ginagawa niyang pag alis ng harang. "

"Bakit Amara? Lumabas na ba ang iyong kapangayarihan?"

"Hindi Aliyah, papakawalan na ko ni Shikiro at ihahatid dyan."

"Sino si Shikiro?"

"Makikilala mo rin siya Aliyah, sabihin mo saaking ama na ihahatid ako ni Shikiro at wag siyang mag alala dahil mabuting tao si Shikiro. Ipapaliwanag ko sainyo pagdating ko. "

"Sige Amara, hihintayin ka namin. Mag iingat ka. "

"Oo Aliyah, salamat. "

"Amara!" nagulat ako ng biglang nagsalita si Shikiro sa likod ko.

"Nagulat ba kita? " natatawa niyang sabi. "May hinanda ako para sayo" lumapit ako sakaniya.

"Ano yon?" Nagtataka kong tanong.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Pumikit ka Amara" ginawa ko naman ang ginawa niya.
"Imulat mo ang iyong mga mata" minulat ko ang aking mga mata.

"Alam kong gustong gusto mo ng maligo dalawang araw ka ng hindi naliligo" may halong pang aasar niyang sabi. Tinignan ko naman siya ng masama.

Iniikot ko ang aking paningin isang bukal naririto.

"Nakahanda na ang iyong isusuot" lumapit saakin ang isang babae at iniabot ang isang bistida kulay itim.

"Gawin mo na lang puti ang iyong kasuotan Amara wala kaming ibang damit na hindi itim" tinitigan ko ang bistidang hawak ko. Maganda ang disenyo nito may manggas ito na abot hanggang siko. Maganda ang tela nito malabot at tila ang sarap suotin. Kumikinang din ito na tila may dyamante ito.

"Gusto ko siya" nakangiti kong sabi
"Maganda" dagdag ko.

"Talaga Amara! Akala ko ayaw mo ang kulay itim? "

"Dati,pero hindi na ngayon" ngumiti akong muli. Nakita kong sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. May pinagkaiba sila ni Shiro magkaiba sila ng kulay ng mga mata. Pati kulay ng kanilang balat. Si Shikiro ay kutis moreno si Shiro naman ay hindi. Mas matikas naman ang katawan ni Shiro kaysa kay Shikiro.

"Maligo ka na Amara" tumango naman ako. Hinihintay ko lang na umalis siya.

"Bakit hindi ka pa maligo Amara?" Nagtatakang tanong nito.
Napakamot naman ako ng ulo.

"Panonoorin mo ba akong maligo?" Nakita kong namula ang kaniyang mukha.

"Paumanhin" tumalikod siya at biglang nawala.
Hinubad ko na ang suot ko at lumusong sa may bukal.

Maligamgam ang tubig nito ang sarap sa pakiramdam.
Ilang minuto ang nakalipas ng maisipan ko umahon. Sinuot ko ang bestidang itim. Tamang tama ito saakin katawan tila isinukat ito. Tumingin ako sa salamin na naririto. Bagay pala sa akin ang kulay itim mas lalong tumingkad ang aking maputing kulay. Lalo na at bukas ang buong likod nito.

"Amara!" lumapit saakin si Shikiro.

"Napakaganda mo" pinagmasdan niya ko mula ulo hanggang paa.
"Nakakabighani ka talaga Amara, ang kinis at ang puti ng iyong mga balat" inikutan pa niya ako,nakakailang.

"Shikiro,wag mo kong titigan ng ganyan" nang init ang mukha ko sa ginagawa niya.

"Paumanhin Amara hindi ko lang maiwasan humanga sayong aking kagandahan." Napayuko naman ako.
"Huwag kang yumuko dapat ay ipagmalaki mo ang tinataglay mong kagandahan" ngumiti naman siya.
Napansin kong bagong ligo na rin ito.

"Tara na aalis na tayo" hinawakan niya ang aking kamay. Nagbago ang paligid at nasa may labas na kami ng palasyo nila.

"Paano ang iyong ama?"

"Wag mo na siyang iisipin Amara"tumango naman ako.
" Pumikit ka Amara at isipin ang tahanan ng iyong ama"ginawa ko naman ang ginawa niya. Naramdaman kong niyakap niya ako.

"Imulat mo na ang iyong mga mata" ginawa ko naman ang sinabi niya.
Pagmulat ko ng aking mga mata ay mukha niya ang nakita ko subrang lapit nito sa mukha ko. Kunting galaw ko lang ay maglalapit na ang mga labi namin.

"Amara!" Napalingon ako bigla sa boses na narinig ko. Boses ng aking ama.Tumakbo siya papalapit saakin at niyakap ako.

"Anak ko" napaluha ako.
"Ama" niyakap ko rin siya ng mahigpit.
"Salamat at ligtas ka nag alala ako sayo" umiiyak na ang aking ama.
Humiwalay kami sa pagkakayakap. Lumapit saamin sina Aliyah at Kairo niyakap nila ako ng napakahigpit.

"Amara kapatid ko" narinig kong sabi ni Kairo.
"Nag alala ako sayo. "

"Tama na yang yakap mo kay Amara" saway naman ni Aliyah.

"Bakit ba?" Inis na sabi ni Kairo.

"Nakikita mo ba ang suot niya, nahahawakan mo na ang likod niya" paninirmon ni Aliyah.
Natatawa naman ako,parang may isa akong nakakatandang babaeng kapatid.
Humiwalay naman si Kairo saakin.

"Paumanhin" natawa naman ako. Masyadong palang konserbatibo ang mga tao rito hindi tulad sa mundong nakagisnan ko.

"Amara siya ba Shikiro?" Gulat na sabi ni Aliyah. Lumapit ako kay Shikiro.

"Siya si Shikiro" nakangiti kong sabi. Nakita kong napahinto si Shiro kitang kita ko ang gulat sa kaniyang mukha.

"Bakit kamukha niya si Shiro?" Takang tanong Aliyah.

"Ako si Shikiro kapatid ni Shiro" ngumiti si Shikiro. Nagulat ang lahat tila hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. Tumingin ako kay Shiro napatulala siya.

"Mamaya na natin pag usap ang tungkol dito halina kayo at naghanda kami ng makakain" sabi ng aking ama. Tumingin ako kay Shikiro ngumiti lamang ito. Ang lakas ng pintig ng puso ko,kinakabahan ako.

Nagsimula na kami maglakad patungo sa hapag kainan. Naging tahimik ang lahat.
Habang naglalakad kami ay hinawakan ni Shikiro ang aking kamay. Aalis ko sana ito ngunit hinigpitan niya ang hawak dito.

"Shikiro"

"Amara hindi ibig sabihin na hinatid kita rito ay pinauubaya na kita sa kapatid ko.Iniibig kita at ipaglalaban ko tong pag ibig ko sayo" mahina niyang sabi. Kumabog naman ang dibdib ko. Nakita ko ang reaksyon ni Shiro. Alam kong naguguluhan ito.

Lalo akong nalito, hindi ko alam kong sino ang mas matibang. Ayaw ko silang saktan.

Kailangan kong gumawa ng paraan para magkasundo silang magkapatid.




LabzWriter.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon