𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫(𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝𝐢𝐚𝐧)

187 28 20
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 22

Amara's Pov.

May naririnig akong kumakanta. Boses ni Ali yon.Bakit ko naririnig ang boses ni Ali? Ibig sabihin nandito siya?

Natapos ang kanta ni Ali, rinig na rinig ko ang paghikbi niya.

"Mara si Ali to, gising ka na please!" Ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
"Mis na mis na kita uy gising ka na. Tignan mo umiiyak na ko ngayon nakakahiya oh! Gising ka na, gusto na kitang mayakap. Namimis ko na yong kaibigan ko.Yong dating tayo.
Yong kaibigan kong gustong gustong marinig ang boses ko sa tuwing kumakanta ako.Yan oh, kinantahan na kita."Lalong lumakas ang hikbi niya, parang nadudurog ang puso ko. Mis na mis ko na rin siya. Mula pagkabata ay nasanay akong laging kasama siya. Ngayon lang kaming nagkawalay ng ganito katagal.

"Mara!" Narinig kong muling sabi niya. Pinilit kong imulat ang aking mga mata. Ang init at sakit na nararamdaman ko ay nawawala na. Pagbukas ko ng aking mata bumungad saakin ang lalaking kulay pula ang buhok, yakap yakap pa nito ang gitara niya. Si Ali nga ito,  ang matalik kong kaibigan.

"Ang pangit mong umiyak." Sabi ko sakaniya, ilan beses ko na rin ito nakikitang umiiyak lalo na kapag nakakatampuhan kami dati. Iyakin kasi ito.

"Mara!" Niyakap niya ako ng napakahigpit. Hindi ko na rin napigilang umiiyak.

"Ali!" ilang minuto kaming nanatiling ganito.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Gusto kong samahan ka rito Mara." Nakangiti niyang sabi.
"Pero Ali, alam mo namang delikado para sayo. Baka hindi ka na makabalik sa mundo natin."Natatakot ako, baka hindi ko magawa ang misyon ko. Parihas kaming maglalaho ayaw kong mangyari yon.

" Ano ka ba, wag mo nga isipin yon. Makakabalik ako may tiwala ako sayo, may tiwala kaming lahat sayo. "Lumingon ako sa paligid narito silang lahat sa silid. Si Aliyah ay umiiyak pati na rin ang aking ama.

" Ama! "Lumapit saakin ang aking ama at niyakap ako.
" Kinagagalak kong napagtagumpayan mong kayanin ang kapangayarihan mo Amara."

"Sabi ko sainyo kaya ni Amara." Napalingon naman ako kay Shiro, ang lapad ng ngiti nito. Bakas sa kaniyang ang sayang nadarama niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo ngayon?" Tanong ni Shikiro.

"Mabuti, akala ko talaga ay mamatay na ko sa labis na sakit na nararamdaman ko. Buti na lang at tinulungan ako ni Minara upang kayanin ito."

"Sino si Minara?" Tanong ni Ali.

"Siya ang ispiritual kong kapangayarihan." Nakangiti kong sabi.

"Amara, tignan mo ang pagbabago ng anyo mo." Inilapit saakin ni Aliyah ang isang salamin. Nagulat ako sa nakita ko.

"Ako ba to?" Takang tanong ko.

"Ako ba to?" Takang tanong ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon