𝐓𝐡𝐞 𝐆𝐢𝐫𝐥 𝐍𝐚𝐦𝐞𝐝 𝐀𝐥𝐢𝐲𝐚𝐡

290 61 67
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 12

Amara's Pov

Tatlong araw ng nakakalipas, nakarating din kami sa baryong kinaroroonan ng isa pang Guardian.

Nakakamangha ang ganda ng baryong ito. Napakaganda ng karagatang natatanaw ko.

"Ang ganda rito"

"Tama ka binibini, napakaganda ng lugar na to"

"Maiwan ko muna kayo rito, magtatanong lang ako ng silid na pwede nating tuluyan."Sabi ni Shiro, itong mga nagdaang araw ay napapansin kong napakatahimik nito. Sa tingin ko may bumabagabag sakaniya.

" Kairo, hindi mo ba napapansin na subrang tahimik ni Shiro nitong nagdaang araw. "

" Napapansin ko binibini at alam kong bakit siya nagkakaganyan"

"Talaga? Sabihin mo saakin kong bakit siya nagkakaganyan"

"Binibini, paumanhin ngunit hindi ko maaaring sabihin sayo. Hintayin mo na lang na siya mismo ang magsabi sayo" nakangiti niyang sabi.

"Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi saakin Kairo?"

"Ayaw ko siyang pangunahan binibini" napabuntong hininga naman ako.
"Pasensiya ka na binibini"

"Ok lang, nababahala kasi ako sa pinapakita niya"

"Maiintindihan mo rin siya binibini" ngumiti siya saakin.
"Maghintay ka lang" tumango naman ako.

"Amara, Kairo halina kayo may nakuha na kong silid" lumapit kami kay Shiro.

Maganda ang silid na nakuha niya. May sarili akong silid, sa isang silid naman ay magkasama sila. Mula sa bintana ay tanaw ko ang karagatan. Lalong gumanda ito dahil sa paglubog ng araw.

Tok.. Tok..

"Kapatid ko" boses ni Kairo yon. Sa tuwing kami lang dalawa ay yan ang tawag niya saakin.
"Nakahanda na ang hapunan" binuksan ko ang pintuan at lumubas.

"Halika na sigurado akong magugustuhan mo ang hapunan natin ngayon"

"Talaga!" masayang kung sabi.

"Maupo ka na binibini" hinila ni Kairo ang upuan. Napaka ginoo naman ni Kairo.
Palinga linga ako ngunit hindi ko makita si Shiro.

"Nasaan si Shiro?"

"Ang kisig mo naman" napalingon kami sa nagsalita. Nakita ko si Shiro na may kasamang magandang babae.

"Shiro, halina at kumain na" tawag ni Kairo rito.
Umupo si Shiro sa bakanting upuan ganoon din ang babaeng kasama niya.

"Binibini, tignan mo ang hapunan natin ngayon" tumingin naman ako sa hapagkainan. Mukhang masasarap ang mga nakahain. May sugpo, inihaw na bangus at iba bang pagkaing dagat.

"Hindi mo ba nagustuhan binibini?"

"Nagustuhan ko" nakangiti kong sabi. Pero ang totoo nawalan ako ng gana.

"Kumain na tayo" nagsimula kaming kumain. Hindi ko maiwasang tumingin kay Shiro at kasama nitong babae.

"Kumain ka lang Shiro" sunubuan niya si Shiro.

"Binibini anong pangalan mo?" Tanong ni Kairo sa babaeng kaharap namin.

"Ako si Aliyah" nakangiti niyang sabi. Ang ganda niya lalo kapag ngumingiti.

"Ako nga pala si Kairo at ito naman si Amara" ngumiti naman ako sakaniya. Ngunit isang erap ang natanggap ko sakaniya.

"Shiro, kumain ka pa. Ako nagluto ng mga to" sino ba tong babaeng to? Pinapainit niya ulo ko.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon