𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬𝐡𝐢𝐩

163 19 15
                                    

Chapter 25

Amara's Pov.

"Bakit ganyan ang mukha mo?Ang pangit mo Mara."

"Ang sama mo!" Lumapit siya saakin at niyakap.

"Ang pangit mo kasi kapag umiiyak ."

"Wala namang taong maganda kapag umiiyak."

"Meron."

"Meron?"

"Ako."
Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Maganda ka?"

"Oo, magandang lalaki." Saka siya tumawa ng malakas.

"Piling nito."Humiwalay ako sa pagkakayakap sakaniya.

"Hindi no, gwapo naman talaga ako. Ang dami ngang nagkakagusto saakin, alam mo yan."

"Oo nga pala, ang daming naghahabol sayo. Kaya nga ang daming ding nang aaway saakin dahil ang akala nila kasintahan mo ko. Ang hindi nila alam ang lalaking hinahabol nila ay binabae pala."

"Ang sama mo! Hindi na ko binabae ngayon."Umirap pa siya saakin.

"Talaga?"

"Oo nga! Totoong lalaki na ko ngayon."Nakasimangot naman siya.

"Paanong nangyari yon? Bago ako umalis saatin ay malambot ka pang kumilos."

"Napagtanto kong tunay pala akong lalaki."

"Masaya ka ba?"

"Oo Mara, masaya ako. Gusto ko kung ano ako ngayon."

"Kung ganon masaya na rin ako para sayo."

"Maraming salamat Mara."Niyakap niya kong muli.

"Panay yakap? Mamaya may malisya na to ah." Lumayo siya bigla saakin dahilan para mapatawa ako.

"Kapal nito, hindi ikaw ang tipo kong babae."

"Talaga? Bakit ka namumula?"

"Hindi kaya."Umiwas siya ng tingin saakin.

" Talaga?"

"Oo nga!"

"Mamatay ka man?"

"Oo."Napansin kong napalunok siya.

"Mamatay man ako?" Palingon namn siya bigla saakin.

"Ano Ali? Mamatay man ako?"

"Hi-ndi." Umiwas ulit siya ng tingin.

"Hindi? Ibig sabihin may gusto ka nga saakin Ali?"Gusto ko ng tumawa ng malakas dahil sa subrang pula ng mukha nito.

" Mara! "

"Ano na Ali?"

"Oo na! May gusto na ko sayo!" Napatunganga naman ako sa narinig ko.

"Ano?"

"Totoo?"

Bigla na lang siyang tumawa ng malakas.

"Piling mo talaga,syempre biro lang. Wala akong gusto sayo."Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Bakit Mara kapag may gusto nga ko sayo papayagan mo ba kong manligaw?"

"Syempre hindi."Nakita kong unti unting nawaaala ang ngiti niya.

"Oh diba, kaya wala akong gusto sayo." Tumalikod siya saakin ngunit humarap din agad.

"Buti naman."

"Halika nga dito." Niyakap niya kong muli.
"Mananatili ako rito Mara bilang kaibigan mo. Kaya nandito ako dahil ako ang nag iisang kaibigan mo. Nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan diba."Tumango naman ako.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon