𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤

1K 101 108
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 3

Naramdaman ko ang  paghigop saakin ng libro.Maliwanag na kapaligiran, nasisilaw ako. Pinikit ko ang mga mata ko.

"Amara!" Isang boses ng lalaki
"Amara gumising ka!" naririnig ko siya. Siya ba ang ama ko? Unti-unti kong binuksan ang mata ko.

"Amara anak ko" niyakap niya ko ng napakahigpit. Siya ang ama ko? Humiwalay siya sa pagkayakap saakin. Tinignan ko muli siya. Nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko na siya, siya ang lalaki sa panaginip ko.

"Ako ang ama mo Amara" umupo ako sa pagkakahiga. Inikot ko ang aking paningin maraming tao ang nakapaligid saamin.

"Ikaw ang ama ko?" Hindi ako makapaniwala, kung titignan ay para bang mas matanda lang siya saakin ng sampung taon.

"Oo, Amara." Nakita kong napaluha siya.
"Ang tagal ko tong hinintay anak ko." Niyakap niya kong muli, hindi ko alam ang gagawin ko parang panaginip ang lahat ng to.
"Alam kong nalilito ka, alam kong nabigla ka. Kailangan mo munang magpahinga. "

"Meme, samahan mo si Amara sakaniyang silid" lumapit saakin ang isang babae. Tumayo ako sa pagkakaupo at inalalayan niya ako.

Napansin kong nasa luob kami ng isang bahay. Bahay? Hindi ito isang bahay isa itong palasyo. Napakalaki at napagandang palasyo.
Pumasok kami sa isang silid, halos lumuwa ang mga mata ko sa subrang laki nito halos kasing laki na ito ng buong bahay namin.

"Magpahinga na po kayo" yumuko ito.
"Salamat" ngumiti siya saakin at umalis. Inikot ko ang buong kwarto, tila isa akong prinsesa napakaganda nito. Hugis bilog ang kama nito at may  puting kurtinang nakapaligid dito. Sa gilid nito ay may malaking salamin.
Lumapit ako sa malaking bintana natanaw ko ang malaking harden maraming mga puno at bulaklak.

Tok.. Tok..

"Binibi Amara maari po akong pumasok si Meme po ito.
" Lumapit ako sa may pintuan at binuksan ko ito.

"Nais ko lamang ibigay po sainyo ito" inabot niya saakin ang hawak niya.
"Kung nais niyo pong maligo ay mayroon po kayong silid paliguan sa likod po ng malaking salamin."

"Salamat" ngumiti siyang muli at umalis. Tinignan ko ang inabot niya isa itong bistida, napagandang bestida. Para itong damit ng mga dalagang pilipina noong unang panahon , napakaganda.

Lumapit ako sa harapan ng salamin.
Saan kaya ang tinitukoy niyang silid paliguan? Ang sabi niya sa likod ng malaking salamin. Itinulak ko ito at bumukas ito. Pumasok ako sa luob at namangha ako. Isang bukal, ngayon lamang ako nakakita ng ganito. Lumapit ako dito at hinawakan ang tubig, maligamgam ang tubig nito.

Dali dali kong inalis ang kasuotan ko at lumusong agad.
Wow, napakasarap sa pakiramdam. Ilang minuto pa kong nanatili rito.
Hanggang sa umahon na ko,sinuot ko ang damit binigay saakin at humarap sa salamin. Bagay ito saakin tamang tama lang ito saakin.
Humiga ako at nakaramdam kong bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa nakatulog na ako.

..

"Amara, gising na" boses ng isang lalaki. Minulat ko ang mga mata ko.
Ang ama ko pala.

"Mukhang napasarap ang tulog mo." Nakangiti niyang sabi.
"Kahapon ka pa natutulog. "
"Kahapon? Ibig sabihin halos buong araw akong natulog?" Gulat kong tanong.
"Ganon na nga" mahina siyang tumawa.

"Tumayo ka na diyan at kakain na tayo" tumango naman ako. Lumabas na siya silid ko, inayos ko muna ang sarili ko  bago lumabas.

Hinanap ko ang kusina ngunit hindi ko mahanap sa subrang laki ng bahay na to, naligaw na ata ako.

"Amara!"

"Ay butiki!" gulat kong sambit bigla bigla na lang kasing sumulpot ang aking ama sa harapan ko.

"Nagulat ba kita?" Ay hindi, halata naman eh, gusto ko sanang isagot pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Tara na at kumain na."
Sumunod naman ako sakaniya.
Hanggang makarating kami sa may kainan. Isang mahabang lamisa at maraming upuan. Marami ding pagkain na nakahain. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko.

"Maupo ka na at kumain. "
Umupo na ako at nagsimulang kumain.
Ang sarap ng pagkain nila. Patuloy lang ako sa pagkain ko, napansin kong nakatingin lang siya saakin,nahiya tuloy ako.

"Kamukhang kamukha mo ang iyong ina."
Nakangiti niyang sabi. Tinitigan ko ang mukha niya napansin kong kakaiba ang kulay ng mata niya kulay berde ito.Sana man lang namana ko ang kulay ng mata niya ang ganda kasi ang mga ito.

"Kumusta pala si Amanda?" May lungkot na sabi niya.

"Maayos po siya."
Simpleng sabi ko.
"Mabuti naman at maayos lang siya." Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang matapos kami ay niyaya niya ako sa isang malaking silid, ang sabi niya ay mag uusap kami.

"Amara, nasabi na siguro ng iyong ina kong bakit ka naririto. "

"Opo."

"Alam kong nalulungkot ka dahil nawalay ka sa mundo mo. Pasensiya na anak at kinailangan mong pumunta rito."

"Naiintidihan ko naman  pinaliwanag saakin ni mama ang lahat."

"Mabuti kong ganon."

"Kayo po ba talaga ang ama ko?"

"Oo Amara ako ang ama mo."

"Kung ikaw ang ama ko bakit ang bata mo pa?Kung titignan parang matanda ka lang saakin ng sampung taon." Napatawa siya sa sinabi ko.

"Hindi talaga mabilis tumanda ang mga tao rito anak.May mga kapangyarihan ang mga tao rito upang panatilihin ang kabataan nila." Namangha naman ako sa narinig ko.

"Ganon pala" napangiti ako.

"Pwede bang matanong ulit?"
"Oo naman."
"Alam niyo po kong papaano ako  makakabalik  sa aking mundo?" Nakita kong nalungkot ang mukha niya.
"Ayaw mo ba rito?"
"Hindi naman sa ganon."

"Naiintidihan kita Amara alam kong kakarating mo pa lamang dito at nahihirapan ka pa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kong papaano ka makakabalik sa inyong mundo pero may kilala akong marahil alam niya kong paano ka makakabalik."

"Talaga po?" Nabuhayan ako ng luob.

"Oo, pero Amara hindi madali ang lahat. Ang pananatili mo rito ay may nakatadhana kang gawin."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Ikaw anak ko ang nakatakdang magligtas sa mundong ito. Nakasulat sa mahiwagang libro ang pagdating mo, ikaw ang magliligtas sa mundong ito sa posibilidad na pagkalaho nito. Ikaw na anak ko at anak ng isang mortal na  ay isang taga pagligtas." Nagulat ako sa mga narinig ko.

"Inasahanan namin ang pagdating mo. Inaasahan ka ng mamayan ng mahiwagang libro.Pag asa ng mundo ko na magiging mundo mo. "

Ako ang tagapagligtas paano?
Anong gagawin ko?
Simula na ng pagbabago ng buhay ko.
Simula ang itinakdang kapalaran para saakin.
Kapalaran na kailangan kong harapin.

..

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon