𝐈 𝐌𝐢𝐬𝐬 𝐘𝐨𝐮 𝐄𝐯𝐞𝐫𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠

203 32 16
                                    

Chapter 21

Ali's Pov.

"Handa ka na ba Ali?" Tanong ni lola, andito kami sa silid aklatan.Ito na ang oras ng pagpasok ko sa libro. Kinakabahan man ako ay buo na ang desesyon ko.

"Opo lola."

"Ali, pagdating mo roon  iyakap ko mo ko kay Amara ."

"Opo lola."Isang linggo na ang nakakalipas at hindi nanamin alam ang nangyayari kay Mara tuluyan na kasing nabura ang nakasulat sa libro.

"Buksan mo na ang libro."Huminga ako ng malalim. Isinabit ko na rin ang gitarang hawak ko sa likod ko.

Binuksan ko ang libro at lumabas ang nakakasilaw na liwanag.
Nararamdaman kong hinihigod ako ng libro. Napapikit ako, hindi ko maiwasang mapasigaw. Nararamdaman kong paikot ikot ako, nakakahilo.

"Aray!" daing ko. Ang sakit ng dibdib ko  sa matigas na bagay ako bumasak.

"Sino ka?" Napalingon ako sa taong nagsalita. Nanlalabo ang aking paningin, ipinikit kong muli aking mga mata. Nakita kong apat silang nakapaligid saakin.

"Hello" bati ko sa kanila.Nakita kong nakakunot ang kanilang mga kilay. Oo nga pala hindi nila naintidihan ang aking sinabi. Tumayo ako at inilahad ang aking kamay. Ngumiti muna ako bago nagsalita.

"Kumusta, ako nga pala si Ali kaibigan ni Mara" nagtinginan sila at tila nagtataka.
"Mara?" sabi ng babaeng may paalon alon na buhok, kayumanggi ang kutis nito, maninipis at mapuputi ang kaniyang labi. Maganda rin ang mata nito kulay berde.

"Ibig kong sabihin Amara."Ngumiti akong muli. Nangangalay na ang aking kamay.

" Ikaw si Ali? "Tanong naman ng lalaking asul ang mata.

"Oo, ako nga."

"Ikaw ang matalik na kaibigan ni Amara sa kanilang mundo!" Kilala niya ko ibig sabihin siya si Shiro. Minsan na kasi akong nabanggit ni Mara kay Shiro.

"Oo Shiro" sagot ko.

"Kilala mo ko?" Gulat niyang tanong.

"Oo, ang nangyayari kay Amara rito ay nakasaad sa mahiwagang libro kung kaya't nababasa ko ang mga nangyayari rito."

"Kaya ka ba naparito ka dahil nalaman mo ang nangyari sakaniya?" Tanong babaeng may kulay berde ang mata.

"Anong nangyari kay Mara?" Nagtinginan silang muli.

"Bakit hindi mo alam? Hindi ba kakasabi mo lang na nababasa mo ang nangyayari kay Amara rito?" Lumapit saakin ang kamukha ni Shiro. Sino ba to kapatid niya? Madami na talagang nangyari rito na hindi ko alam.

"Oo, noong una nababasa ko pa ang nangyayari rito ngunit itong mga nakaraang araw ay unti unti ng naglaho ang nakasulat dito. Kaya naparito ako upang kamustahin at damayan si Mara bilang matalik niyang kaibigan."

"Halika sumama ka saamin."Inakbayan naman ako ng lalaking kulay abo ang mata sa tingin ko ay ito si Kairo.

Pumasok kami sa isang silid. Hindi ko mapigilang mamangha sa lugar na to. Ang gandang palasyo, ang gandang silid.

" Sino yang kasama niyo? "Bigla na lang akong napalingon sa lalaking nagsalita. May nakapatong na korona sa kaniyang ulo ito siguro ang ama ni Mara si haring Sayto.

" Siya si Ali ang matalik na kaibigan ni Amara sa kanilang mundo."Napalingon ako sa babaeng nakahiga, nakakasilaw ang liwanag na bumabalot sakaniya. Unti unti ay lumapit ako sa kaniya.

" Mara! "gulat kong sabi. Ibang iba ang kaniyang itsura halos hindi ko na siya nakilala.

" Wag mo siyang hahawakan! "Sigaw ng babaeng kulay berde ang mata. Huli ng marinig ko ang sinabi niya. Nahawakan ko na si Amara at halos magtalon talon ako sa hapdi ng naramdaman ko. Tila nasunog ang aking kamay.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon