𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 15
Amara's Pov.
Patuloy ang paglalakbay namin ni Shiro, Kairo at Aliyah.
Hanggang napadpad kami sa isang disyerto, malawak na disyerto.
"Ang init" daing ni Aliyah. Nakaramdam na kami ng matinding init at pagkauhaw.
"Sigurado ka ba Amara na dito ang daan patungo sa isa pang Guardian?"
"Oo Aliyah, ito ang tinuturo ng mahiwagang kumpas. "
"Magpahinga muna tayo, may natatanaw ako kubo sa banda roon" sabi ni Kairo. Dali dali kaming pumunta roon.
"Walang nakatira?" Tanong ko,pumasok kasi si Shiro sa loob ng maliit na kubo.
"Wala Amara, halina na kayo at pumasok na" pumasok kami sa loob.
Walang gamit sa loob ng kubo at halatang napabayaan na ito. Sira sira na ang dingding nito at kunting galaw mo lang ay maaaring bumigay ito."Dahan dahan ka Amara."
"Salamat Shiro."
"Kairo, ok ka lang ba?" Tanong ni Aliyah.
"Iba ang pakiramdam ko sa lugar na to. Kanina ko pa nararamdaman na tila may nakamasid saatin" kinabahan naman ako sa sinabi ni Kairo.
"Tama ka Kairo nararamdaman ko rin ang nararamdaman mo" seryosong sabi ni Aliyah.
"Hindi kaya isang kalaban ang nagmamasid saatin?" sabi ni Shiro.
Biglang dumilim ang paligid.
"Amara!" Narinig kong tawag ni Shiro.
Sasagot sana ako ng may nararamdaman akong humawak sa magkabila kong braso."Shiro, Amara, Aliyah ayos lang ba kayo?" Tanong ni Kairo.
"Maayos lang ako, wala lang akong makita sa subrang dilim ng paligid" sagot ni Aliyah.
"Maayos lang din ako" narinig kong sagot ni Shiro.
"Amara!" rinig kong tawag ni Kairo.
Unti unti ay nararamdaman kong hinihila ako."May humihila saakin! "
"Ano!" gulat nilang sabi.
"Tulungan niyo ko!" napakalakas ng humihila saakin.
"Kairo!"
"Shiro!"
"Aliyah!!!"sigaw ko,narinig kong tinatawag nila ang pangalan ko. Hanggang sa hindi ko na sila marinig.
Napakadilim ng paligid at naramdaman kong wala ng nakahawak sa braso ko,wala na rin humihila saakin. Unti unti ay nanghina ako.
Pagmulat ko ng aking mga mata.
"Gising ka na pala" isang lalaki ang kaharap ko ngayon. Kaiba ang nararamdaman ko sakaniya.Pinagmasdan ko siyang maigi. Magandang lalaki ito may asul na mata, sa tingin ko ay kaedad siya ng aking ama.
"Ikaw pala ang hinirang na tagapagtanggol, napakahina." ngumisi siya. Nakakatakot ang presensya niya.
"Sino ka?Nasaan ako? "
"Ako si Herro ang hari ng mga itim na mahika, andito ka sa kaharian ko." Kinilabutan naman ako sa sinabi niya.
"Anong kailangan mo saakin?"
Humalakhak naman siya."Huwag kang mag alala binibini hindi kita sasaktan, basta sumunod ka lamang saakin inuutos" lumapit siya saakin dahilan upang mapaatras ako.
"Napaganda ng iyong palamuti" hinawakan niya ang kwintas na bigay saakin ng aking ama at hinila ito dahilan upang makuha niya ito.
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasyKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...