𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 14
Ali's pov.
Dalawang araw na kong hindi pumupunta sa bahay nila Mara.
Sa dalawang araw na yon ay napagtanto ko na isa pala akong tunay na lalaki.
Bumili ako ng mga bagong damit, nagpagupit din ako at nagpakulay ng buhok.
Pilit ko rin binago ang pagkilos ko. Gusto ko ng gumalaw na totoong lalaki,yong hindi malamya yong hindi pakinding kinding.Tok.. Tok..
"Ali, ikaw ba yan?"
"Opo lola. " Napag desesyonan ko na pumunta sa bahay nila Mara upang kumustahin siya.
"Ang gandang lalaki mo na. "Napakamot naman ako sa aking batok.
" Tuloy ka. "Pumasok ako sa bahay nila.
"Gusto mo bang kumustahin si Amara? "
"Opo lola. "
"Sige na at pumasok ka na sa silid aklatan. "
"Salamat po." Pumasok ako sa silid aklatan at agad kinuha ang libro na nakapatong sa lamesa. Binuklat ko ito at agad na nagbasa.
Nag patuloy ang paglakbay ng hinirang na dalaga kasama ang dalawa niyang tagapag-alaga na si Kairo at Shiro.
Habang naglalakbay sila ay kapansin pansin na tila nagbago si Shiro.
Palaging mainit ang ulo nito at naging tahimik nito.Nakapagtataka naman,bakit ito na agad ang nabasa ko?Binuklat ko ang ibang pahina ngunit walang nakasulat.
Paano kaya nila nakikila si Kairo? Walang nakasulat dito.Ang hindi alam ng dalaga ay nagsisilos na ang binata sa isa pang tagapag-alaga na si Kairo.
Naging malapit si Amara kay Kairo dahil sa minsan nilang pag uusap. Naging komportable ang dalaga rito at itunuring niya itong nakakatandang kapatid. Lingit sa kaalam ni Shiro na ang dalawa'y magkapatid lamang ang tingin nila sa isa't isa.
Kinakabahan ako sa binabasa ko, mukhang masasaktan nanaman ako.
Ilang araw ang nakalipas at nakarating din sila sa lugar na kinaroroonan ng isa pang tagapag-alaga.
Nakilala nila ang dalagang si Aliyah. Hindi nila akalain na ito pala ang hinahanap nila. Si Aliyah ay isang pilyong babae,ka akit akit din ang aking nitong kagandahan. Si Aliyah ay nagtataglay ng kapangyarihan manggamot ngunit isang mapait na katotohanan na hindi niya kayang pagalingin ang kaniyang sarili.
Sa tuwing kabilugan ng buwan lumalakas nag pandama nito kung kaya't naramdaman niya ang tinitibok ng puso ni Shiro para kay Amara.
Napakabilis naman ng pangyayari, wala man lang nakasulat dito ng mismong nangyari. Noong una naman hindi ganito. Anong nangyayari sa librong ito?
Nagtapat ng pag ibig si Shiro kay Amara. Aminado na ang dalaga ay may pag ibig na rin sa binata.
Hinangad lamang ng binatang si Shiro na ipaalam ang nararamdaman niya kay Amara.Masaya na siya na alam ng dalaga na may pagtingin siya rito. Tinanggap ng talaga ang pag ibig ng binata. Hinayaan niya lang ang binatang mahalin siya. Kahit parihas nilang gusto ang isat isa ay hindi pa rin inamin ng dalaga sa binata ang pagmamahal niya.
Huli na ko, wala na kong pag asa kay Mara.
Tungkol naman sa binatang Kairo, napag alamanan nila na may aking kapangyarihan na mabasa ang iniisip ng isang tao.
Nagulat si Shiro sa nalaman niya rito, nahihiya siya rito dahil kung ano ano ang inisip niya rito. Naiintidihan naman ni Kairo si Shiro.Naging maayos ang lahat, nabuo na ng dalaga ang tatlong tagapag-alaga, dalawa na lamang at matutupad na ang misyon niya.
Lingit sa kanilang kaalamanan na may nagmamasid sakanila.
Isang itim na mahika, bawat kilos nila ay kaniyang binabantayan.
May binabalak silang masama sa dalaga. Kung kaya kailangan maghanda ng hinirang na dalaga.Hindi to maaari kailangan malaman ni Mara ito.
Pumikit ako at inisip si Mara."Mara, naririnig mo ba ako? " Ngunit walang Mara na sumasagot. Paulit ulit ko siyang kinausap pero tila hindi ako naririnig ni Mara. Bakit? Kumislap ang libro dahilan upang mabitawan ko ito.
Tinignan ko ito ay may bagong nakasulat dito.Sinubukang ni Ali na tawagin si Amara ngunit hindi niya magawang tawagin ito ng dahil sa itim na mahikang pumipigil dito. Napakalakas na itim na mahika ang bumabalot sa paligid ng dalagang si Amara.
Paano to anong gagawin ko?
"Lola!" lumabas ako sa silid.
"Bakit Ali?"
"Gusto ko po sanang kausapin si Mara ngunit hindi ko siya makausap. Nababahala na ko lola, may maitim na mahika ang nagtatakang masama kay Mara. Kailangan natin tong sabihin kay Mara."
"Naulit nanaman."
"Ang alin lola?"
"Ganito rin ang nanyari kay Amanda rati, nang lumabas siya sa libro ay hindi nagtagal ay hindi na niya makausap ni Sayto ama ni Amara. Bigla na rin naglaho ang nakasulat sa libro."
"Ibig pong sabihin hindi na natin malalaman ang nangyayari kay Mara?"
"Ganoon na nga Ali. " Malungkot na sabi ni lola.
"Hindi to maaari lola!"
"Wala tayong magagawa kundi maghintay."
"Maghintay?"
"Oo Ali, ipanalangin na lang natin na sana magawa ni Amara ang misyon niya.Kailangan niya ng mabuo ang limang Guardian upang lumabas na ang diwatang tagapag-alaga."
"Sa oras na matawag niya ang diwatang yon ay magiging tahimik ang mahiwang libro. Hindi na to maglalaho. Ngunit sa oras hindi nabuo ni Amara ang lima ay maglalaho ang libro kasama si Amara." Unti unting napaluha si lola.
"Hindi maaari yon lola! "napaluha na rin ako. Hindi ko kakayaning mawala si Amara.
"Magtiwala tayo Ali. "
"Lola, gusto ko pong pumasok sa libro. " Nakita kong nabigla si lola sa sinabi ko.
"Ali, hindi maaari. Hindi ka na makakabalik sa mundong ito. "
"Lola, hindi ko po kakayanin na mawawala si Mara na hindi ko man lang nakikita o nakakasama man lang."
"Pero Ali delikado."
"Alam ko po pero handa po ako."
"Hindi papayag si Amara Ali, pag isipan mong mabuti ang sinasabi mo."
"May tiwala ako kay Amara lola, matutupad niya ang misyon niya at makakabalik kami rito."
"Paano kong hindi? Parihas kayong mawawala,maglalaho."
"Tatanggapin ko po lola, makasama lang si Mara."
"Pero Ali, hahanapin ka ng magulang mo."
"Ako na po bahala doon lola at mabilis lang naman ang panahon doon kesa sa ating mundo."
"Kahit na Ali, hindi pwede."
"Lola, pakiramdam ko tinatawag ako ng mahiwagang libro."
"Ali... "
"Lola, maghahanda ako.Hindi pa naman ako ngayon araw papasok lola. Kailangan ko munang maghanda at magpaalam sa magulang ko."
"Ito ba talaga ang gusto mo? Hindi ka na ba mapipigilan?"
"Hindi na po lola, papasok ako sa libro para sa matalik kong kaibigan. " Napabuntong hininga naman si lola.
"Uuwi muna ako lola kailangan kong palakasin ang aking katawan. " Tumakbo na ko mula sa pinto at lumabas ng bahay nila.
Buo na ang desesyon ko,papasok ako sa mahiwang libro.
Sa ngayon kailangan ko munang magpalakas at magsanay sa pakikipaglaban.Mara hintayin mo ko diyan.
LabzWriter :
Yan naging ok na utak ko🤣
Guys hindi po magiging mabilis ang takbo ng kwentong ito.
Marami pa pong mangyayari kaya.....
Sana wag kayong magsawang magbasa nito.Don't forget to keep some comments
"Thank you❣️
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasíaKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...