𝐒𝐞𝐥𝐟𝐢𝐬𝐡

146 17 13
                                    

Chapter 30

Amara's Pov.

Nagpalipas  kami ng gabi sa baryo ng tawa-tawa. Kinabukasan ay nagpatuloy  kami sa aming paglalakbay.
Habang naglalakbay kami ay kapansin pansin ang katahimikan ni Ali, dahilan upang mag alala ako sakaniya. Ilang beses ko siyang tinanong kung maayos lang ba siya? Sagot naman nito, maayos lang daw siya. Alam ko namang hindi siya maayos,ramdam ko ito. Kailangan sigurong kausapin ko siyang mabuti.

Nakarating kami sa baryo ng mga magsasaka kung saan sagana sa mga tanim na halaman tulad ng mais, palay at gulay. Sariwa ang hangin at parang kay gandang mamuhay sa lugar na to.

"Ano pong ipaglilingkod ko?" Tanong ng isang ginang.

"Maroon po ba kayong silid na pwedeng upahan dito?" Tanong ni Kairo.

"Meron,sumunod kayo saakin." Bumaba kami sa aming kabayo at sinundan ang ginang. Pinagmasdan ko  ang paligid, napatingin ako sa mga taong ngayon ay nakatingin saamin, kitang kita ko ang bakas ng takot sa kanilang mga mata.

"Pag pasensiya niyo na at maliit lamang ito."

"Ok na po ito saamin.Salamat.
" Nakangiting sabi ni Aliyah.

"Dito tayo tutuloy?" Iritang sabi ni Sayrona.

"Oo Sayrona."Sagot ni Shiro.
" May problema ba? "

"Wala bang mas maganda rito?  Ayaw ko rito!"Inikot niya ang paningin niya sa kubo." Ang dumi at ang sikip sikip!"maarteng sabi nito.

"Wala tayong magagawa kaya kung ako sayo magtiis ka!" iritang tugon ni Ali. 

"Ikaw ba kinakausap ko?" Tanong ni Sayrona.

"Hindi, pero kung maari wag kang mag inarte!" lalong nagalit si Sayrona at sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumilapon bigla si Ali. Gamit ang kapangayarihan ni Sayrona. Agad naman ako lumapit kay Ali na ngayon ay namimilipit sa sakit.

"Piliin mo ang kinakalaban mo!Wag kang sasabat kung hindi ikaw ang kinakausap ko. Lapastangan!"

"Tama na yan Sayrona!" saway ni Shiro. Hindi ko napigilan ang akin sarili, lumapit ako kay Sayrona at agad na  sinampal ito ng malakas. Bakas sakaniya ang pagkabigla, maging ang mga tao sa paligid ko ay alam kong nabigla sila.

"Wala kang karapatan saktan ang kaibigan ko!Tama naman siya napaka arte mo. Kung pwede lang isantabi mo ang kaartihan mo! Sa oras na muli mong saktan ang kaibigan ko, hindi lang yan ang aabutin mo!" hinawakan niya ang kaniyang pisngi at unti unting lumuha ang kaniyang mga mata. Agad itong yumakap kay Shiro.

"Ikaw lang ang taong nanakit saakin! Hindi kita mapapatawad! Pagbabayaran mo ito!" puno ng hinanakit niyang sabi. Hindi naman ako naaninag sa sinabi niya.

"Tama na yan!" rinig kong sabi ni Kairo. "Hindi ito ang oras upang magtalo kayo! Isipin niyo may misyon tayong dapat gawin!" tumalikod na ko at nilapitan si Ali.

"Ok ka lang ba?"

"Oo Mara, inalis na ni Aliyah ang sakit na nararamdaman ko. Maraming salamat."

"Walang sinuman ang mananakit sayo Ali. Obligasyon kita at ayaw kong may nanakit sayo. Kahit kapatid ko siya hindi ko hahayaan gawin niya ito sayo."

"Amara!" napalingon ako kay Shikiro.
"Hindi mo dapat ginawa yon."
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Hindi natin alam ang iniisip niya baka kung ano pang gawin niya at maging dahilan ito para masira ang misyon natin." Nakaramdam naman ako ng kaba.

"Tama lang ang ginawa ni Amara!" Inis na sabi ni Aliyah.

"Oo, pero dapat hindi mo ginawa Amara! Iba ang kutob ko sa iyong kapatid.Kung maaari wag na sana itong maulit." Tumango naman ako at napalingon kay Sayrona na ngayon ay umiiyak pa rin at nakayakap pa ito kay Shiro.

"Hindi ko hahayaang sirain niya ang misyon natin."
"Alam ko Amara, ngunit kapatid mo pa rin siya. Naniniwala ako na kaya pinayagan siya ng ama mong sumama sa atin para magkalapit kayo."

"Kung ganoon Shikiro ay bibiguin ko ang aking ama. Patawad pero kailanman ay hindi ako mapapalapit sa babaeng yan."


Gaya ng napagpasyahan ay nanatili muna kami sa bayan na ito.

"Amara!"napalingon ako kay Sayrona na ngayon ay papalapit saakin.

" Maiwan ko muna kayo."Sabi ni Shikiro. Tumangon naman ako.

" Anong kailangan mo Sayrona? "

"Maari bang mag usap tayo?"Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili.
" Nais ko lang humingi ng paumanhin sa aking nagawa, tama si Shiro mali ang aking inasal kanina."Tumingin ako sa mga mata niya. Mukha namang nagsasabi siya ng totoo.

" Wag mong aasahang hihingi ako ng paumanhin sa aking ginawang pagsampal sayo."

"Ok lang kahit hindi ka humingi ng paumanhin. Nararapat lang saakin ang ginawa mo. Pasensiya ka na. Inaamin ko hindi maganda ang ugali ko. Ganito ako pinalaki ng aking lola, hindi ako sanay sa ganitong pamumuhay kung kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na magreklamo. Madali rin akong mairita sa mga bagay bagay at madali akong magalit kung kaya hindi ko mapigilan manakit ng tao. "Mahaba niyang paliwanag.
Pilit kong siyang  intindihin, isinantabi ko ang galit ko sakaniya.

" Kung ganoon ay naiintidihan kita Sayrona. Matanong ko lang bakit ka ba sumama sa paglalakbay na to?"

"Bukod sa kagustuhan ng ating ama ay dahil kay Shiro."Tama ang hinala ko may gusto nga siya kay Shiro.
"Matagal ko ng kilala si Shiro sa tuwing dumadalaw ako sa palasyo ay naging magkaibigan kami. Hanggang sa nahulog na ang loob ko sa sakaniya. Masaya ako sa tuwing kasama at nakikita at nakakasama ko siya."

"Ngunit batid kong wala siyang pagtingin sa akin. Alam kong ikaw ang gusto niya. Dahilan yon upang magalit ako sayo."Nagulat ako sa sinabi niya hindi ko akalain na aamin niya saakin ito.
"Kung hindi ka sana dumating hindi sana saakin siya nagkagusto."Nakita ko ang luhang dumadaloy sa mga mata niya.

"Sayrona!"

"Paumanhin Amara ngunit kinamumuhian kita. Kaagaw kita sa taong iniibig ko pati rin siya atensiyon sa ating ama. Paumanhin dahil hindi ko mapigilang kamuhian ka."

"Maging ako ay kinamumuhian kita. Hindi mo ba naisip na mas nakasama mo ang ating ama kesa saakin. Nangulila ako sa ating ama."

"Oo, nakakasama ko nga siya.Lahat ng gusto niya ay ginagawa ko at pinagbubutihan ko. Pero hindi pa rin sapat yon. Hinahanap ka pa rin niya ikaw pa rin ang nasa isipan niya. Ikaw ang hinahanap niya kahit na ako ang nasa tabi niya. Napakasakit non Amara!" napaluha na rin ako.

" Nasasaktan din ako Sayrona. Hindi ko ginustong mangyari itong lahat.Hindi mo ba naisip na ang simpleng buhay ko ay nagulo ng dahil dito. Wala akong pagkakataong tumanggi kailangan kong gawin ang misyon na to."

"Kung kinamumuhian mo ko Sayrona hindi kita masisisi pero sana man lang naisip mo ang nararamdaman ko. Hindi ito madali saakin."

"Kung ganon Amara hinihiling ko na sana pagkatapos ng misyon mong ito ay bumalik ka na sa mundo mo. Iwan mo na ang ating ama sa akin. Iwan mo na si Shiro saakin."Napatulala naman ako sa sinabi niya.

"Tutulong ako sa misyon na to ngunit kapalit nito ay lisanin mo ang mundong ito."Tumalikod siya saakin.

" Paumanhin muli Amara, sana maintindihan mo ko kapatid ko. "Tuluyan na siyang umalis.

Lilisanin ko ang mundong ito? Lilisanin ko ang aking ama at ang mga naging malapit saakin dito?
Kakayanin ko ba?

LabzWriter.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon