𝐀𝐦𝐚𝐫𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫

195 41 20
                                    

Chapter 19

Amara's Pov.

Tahimik ang lahat habang kumakain.
Nasa tabi ko ang aking ama at si Shikiro. Si Shiro naman ay nasa tapat ko katabi niya Maliya, si Maliya pala ay isang bata. Hindi ko akalaing may isang akong Guardian na bata.

"Maliya, ilang taon ka na?" Pambasag ko ng katahimikan.

"Sampung-taon po" ngumiti siya akin. Ang ganda niyang bata, malusog ang pangagatawan niya ang sarap nitong pisil pisilin.

"Ginagagalak kitang makilala Maliya" masaya kong sabi. Isa na lang at makokomplito na sila.

"Ganoon din po ako binibining Amara."

"Tawagin mo kong Ate."

"Po?"

"Ate na lang itawag mo saakin mula ngayon." Nginitian ko siya, ang gaan ng loob ko sa batang to.

"Sige po A-te." Ngumiti naman siya saakin.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo kami sa harden ng palasyo upang mag usap.
Si Maliya ay hindi na namin isinama.

Lumingon ako kay Shiro nakayuko lang ito, gusto ko siyang lapitan at kausapin ngunit hindi ko alam kung papaano. Alam ko naguguluhan siya ngayon.

"Kapatid ko" lumingon ako kay Kairo.
"Wag kang mag alala sakaniya naguguluhan lang siya." Pabulong niyang sabi, tumango naman ako.

"Nais kong magpakilala sainyo ng pormal." Napalingon ang lahat kay Shikiro.

"Ako si Shikiro anak ni haring Herro at Reyna Yuna."

"Anak ka ni Herro at Yuna?" Nakita kong nabigla ang aking ama.

"Opo mahal na haring Sayto."

"Ako at si Shiro ay magkakambal, ang aking kapatid ay itinakas ng aming ina sa aming ama. Napadpad si Shiro sa mag asawang mahirap na kumupkop sakaniya. Ang aming ina ay namatay dahil sa pagprotekta sakaniya,isinalin niya ang kaniyang kapangayarihan kay Shiro."Lumingon ako kay Shiro nakayuko pa rin ito.

"Naiwan ako sa pangangalaga ng aking ama na may kapangayarihang itim na mahika.Namana ko ang kapangayarihan ng aming ama samantalang si Shiro naman ay sa aming ina." Tahimik lang nakikinig ang lahat. Nararamdaman kong hinawakan ni Aliyah ang aking kamay.

"Mula nang bata pa ako ay alam ko ng may kapatid ako ipinagtapat sa aking ito ng aming ama. Mula noon ay sinubaybayan ko na si Shiro alam ko lahat ng nangyayari sakaniya.Gusto man siyang lapitan noon ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Naisip ko na hindi yon ang tamang panahon."

"Shiro, ako si Shikiro ang iyong kapatid." Hindi man lang umimik si Shiro o lumingon man lang. Naging tahimik ang lahat hanggang sa nagsalita si Aliyah.

"Matanong ko lang bakit niyo dinakip si Amara?" Tanong ni Aliyah.

"Dahil sa kagustuhan ng aking ama, gusto niyang hilingin ni Amara sa diwatang tagapag-alaga na maging hari siya buong mundong ito. Malupit ang aming ama."

"Kung ganoon paano mo naitakas si Amara?" Tanong muli ni Aliyah.

"Nagpaalam ako saakin ama."

"Pumayag siya?" Tanong ni Aliyah.

"Hindi, totol siya sa pagbalik ko rito kay Amara. Nagkaalitan kami ukol dito pero pinaliwanag ko sakaniya na kailangan gawin ni Amara ang kaniyang misyon dahil kong hindi ay maglalaho ang mundong ito.Sarado ang isip ng aking ama gusto niyang maghari rito para maghiganti kay haring Sayto. "Napalingon naman kami sa aking Ama.

"Kilala ko si Herro." Simpleng sagot ng aking ama. Paano kaya niya ito nakilala? Gusto ko siyang tanungin ngunit sa ibang araw na lang.

"Itinakas mo ba si Amara?" Tanong muli ni Aliyah. Alam ko si Aliyah lang ang may lakas ng loob upang magtanong. Si Kairo kasi ay alam kong nababasa na niya ang iniisip ng lahat. Si Shiro naman alam kong nahihirapan siyang tanggapin lahat ito.

"Sa ayaw at sa gusto ng aking ama ay ibinalik ko si Amara."

"Bakit?" Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Aliyah. Kinakabahan ako sa maaaring isagot ni Shikiro.
Naramdaman kong hinawakan ni Shikiro ang aking kamay. Awtomatikong napalingon naman si Shiro saamin. Gusto ko man itong alisin ay hinigpitan niya ang pagkakahawak dito.

"Dahil iniibig ko si Amara." Lumingon ako sakanilang lahat. Nabigla sila sa kanilang narinig pati si Kairo ay hindi na rin mapalagay.

"Mahal na haring Sayto gusto ko sanang ipaalam sainyo na iniibig ko ang iyong anak.Gusto kong hingiin ang kanyang kamay ."
Kumakabog ng malakas ang puso ko. Namamawis na aking palad at hindi na ko mapakali.

"Hindi maaari!" napalingon kami kay Shiro. Galit na galit ang kaniyang mukha. Lumingon ako kay Shikiro ngunit walang bakas dito ng galit o pagkabigla. Bagkus ay ngumiti pa ito.

Lumapit saamin si Shiro at hinila ako mula kay Shikiro.
"Si Amara ay iniibig ko."Matigas niyang sabi. Lumapit na saamin si Kairo.
"Huminahon kayo." Hindi naman nagpatinag si Shiro.

"Kapatid ko, alam ko na iniibig mo si Amara."

"Hindi ako papayag na mapasayo siya!" Galit na sabi ni Shiro.

"Hindi rin ako makakapayag na mapasayo siya!" Nanlilisik na ang mga mata ni Shikiro.

"Huminahon kayo!" Saway na rin ni Aliyah. Ngunit tila wala silang narinig.

Lumapit saamin si Shikiro at hinila niya ako. Magkabilang kamay ay hawak nila ako.

"Tama na!" Sigaw ko.

"Amara, sinabi ko sayo na kahit kapatid ko si Shiro ay hindi kita ipauubaya sakaniya!"

"Hindi ko rin siya ipapaubaya sayo magkapatid man tayo!" Sagot ni Shiro.

"Itigil niyo na yan!" Saway naman ng aking ama.

"Tama na!" Sabi ko sakanila.
"Bitawan niyo ako!" Ngunit hindi nila ako binitawan walang nagpaparaya,walang nagpapatalo.
"Sabi ng bitawan niyo ako!"Naramdaman kong umiinit ang aking kalamnan.

Hindi parin nila ako binitawan.

"Minara!" sigaw ko.
Naramdaman kong umilaw ang aking katawan. Napabitaw sila saakin.

Napaupo ako sa labis na init na aking nararamdaman tila sinusunog ang aking kalamnan.

"Amara, ayos ka lang ba?" Nag aalala nilang sabi. Hinawakan ako ni Shiro ngunit napabitaw siya agad dahil sa init ng aking katawan.

"Anak!" Hinawakan din ako ng aking ama, napabitaw din ito.

"Anong nangyayari sayo Amara!" Nag aalalang tanong ni Shikiro.

Halos hindi na ko makahinga.

"Minara!"

"Amara, hindi ko na makontrol lalabas na ang iyong kapangayarihan. Kailangan mong kayanin ito."
Napahiga na ko sa labis na sakit na aking nararamdaman. Lumiwanag ang buo kong katawan.
Napaluha na ko, hindi ko na kaya.
Nakita ko ang pag aalala nila saakin si Aliyah ay umiiyak na. Hindi ko sila marinig, nanlalabo na aking paningin.

"Aray!!!" hiyaw ko, hinang hina na ko. Hindi ko na kaya. Ipinikit ko ang aking mga mata.

"Minara, tulungan mo ako!"

𝐋𝐚𝐛𝐳𝐰𝐫𝐢𝐭𝐞𝐫 𝐍𝐨𝐭𝐞:

𝐒𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐞𝐫𝐫𝐨𝐫𝐬 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐢𝐢𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 .𝐇𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐭𝐨 𝐩𝐚 𝐚𝐤𝐨.𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐮𝐬𝐭𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐡𝐢𝐫𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐤𝐨 𝐩𝐨 𝐢𝐭𝐨 .𝐒𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐚𝐩𝐩𝐫𝐢𝐜𝐢𝐚𝐭𝐞 𝐧𝐢𝐲𝐨.

𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 ..

𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐦𝐞 𝐮𝐧𝐭𝐢𝐥 𝐭𝐡𝐞 𝐞𝐧𝐝.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon