𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬

147 16 15
                                    

Chapter 26

Amara's Pov.

"Salamat Ali."Niyakap ko siyang muli. Ilang oras din kaming nanatili rito sa harden. Nawala ang sakit na aking nararamdaman dahil kay Ali. Nagpapasalamat ako sa tadhana dahil dinala siya nito rito.

"Walang anuman Mara. Halika ka na at pumasok na tayo sa loob malamig na. " Tumango naman ako at tumayo. Gabi na pala,ang ganda ng mga bituwin sa langit.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob. Pagkapasok namin nadatnan namin ang mga Guardian at ang aking ama.

"Anak Amara."Bungad saakin na aking ama. Kitang kita ko sa mukha niya ang pangamba.

"Ama, maaari po bang bukas na lang po tayo mag usap."Bakas ang lungkot sa mga mata niya.

"Sige anak,kung yan ang kagustuhan mo.Nais ko lang sabihin na bukas na ang paglalakbay niyo."Tumango naman ako.

"Sige po."

"Ali, halika."Lumapit naman siya saakin."Sa aking silid ka na lang matulog."Tumango naman siya at ngumiti.

"Sandali kapatid ko."Napalingon naman kami kay Kairo.

"Bakit?"

"Hindi maaaring magsama kayo ni Ali sa iisang silid."

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Sa mundo namin ay nagsasama kami sa iisang silid." Tugon naman ni Ali.

"Oo, ngunit..."tumingin muna siya sa paligid.
"Hindi magandang tignan lalo na at may mga lalaking humahanga sayo Amara. Baka anong isipin nila." Napalunok naman ako at napatingin kay Shiro at Shikiro.

"Hindi ako sang ayon Amara, hindi maaaring magkasama kayo ni Ali sa iisang silid." Sabi naman ni Shikiro.

"Ganoon din ako."Napatingin naman ako kay Shiro. Bumuntong hininga naman ako.

"Sige, walang problema. Ali sa ibang silid ka na lang matulog."

"Oo Mara, napaka konserbatibo pala nila rito."Natatawa niyang sabi.
" Oo, nakalimutan ko. Iba pala sa mundong ito."

"Meme, ituro mo kay Ali ang kaniyang silid."

"Sige po."Sumunod si Ali kay Meme.

" Amara, maaari bang sa silid mo ko matulog?"

"Oo naman Aliyah."
Hinawakan niya ko sa may braso.
"Halika na!" Tumango naman ako. Bago kami pumunta sa aking silid ay tinawag ko naman si Meme.

.

"Ikaw talaga Amara hindi ka nag iingat sa mga sinasabi mo."Sabi ni Aliyah pagdating namin dito sa aking silid.

"Paumanhin."

"Ayos lang basta wag mo ng uulitin. Dito kasi sa mundong ito hindi maaaring magtabi ang hindi mag asawa o magkasintahan."

"Talaga?"

"Oo, kung sa mundo niyo ay ayos lang dito hindi."May biglang sumagi sa isipan ko.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?"

"Nakatabi ko na kasi si Shiro sa pagtulog."

"Ano!" Gulat niyang sabi.
"Kailan?"

"Noong hinahanap namin si Kairo iisang silid na lang kasi ang bakanti noon kung kaya nagsama na lang kami."

"Ibig sabihin magkatabi kayo sa pagtulog?"

"Oo."

"Wala na tayong magagawa roon dahil nangyari na. Pero wag niyo na uulitin yon baka ano pang isipin ng mga tao rito.Isipin nilang marumi kang babae."

"Oo Aliyah." Naupo kami sa aking higaan.

"Amara." Napatingin naman ako sakaniya.

"Bakit Aliyah? May nais ka bang sabihin?"

"Itatanong ko lang sana kung may kasintahan na si Ali?" Namumula ang kaniyang mga pisngi.

"Gusto mo ba siya?"

"Iba kasi ang naramdaman ko noong una ko siyang nakita." Napangiti naman ako sa narinig ko.
"Lalo na nong umawit siya, napakaganda ng boses niya."Hinawakan ko ang mga kamay niya.

"Walang kasintahan si Ali Aliyah."
"Talaga!"tumango naman ako.
"Bagay kayong dalawa."
"Sa tingin mo?"
"Oo Aliyah,magiging masaya ako kapag kayo ang nakatuluyan."

"Kung ganoon gusto ko sanang mapalapit sakaniya."
"Sige, tutulungan kitang mapalapit kayo sa isat isa."
"Maraming salamat Amara." Niyakap naman niya ako.
"Walang anuman."



Someone's pov.

"Magaling! Ang dali mong nakapasok sa palasyo at hindi man lang sila nanghinala sayo."

"Madali lang naman silang mauto. Mahihina, madali silang malinlang."

"Ipagpatuloy mo lang yan at gawin ang pinag uutos ko sayo. Gusto ko mapalapit sayo ang hinirang na dalaga."

"Wala pong problema. Sa palagay ko ay napakahina niya."

"Kung ganoon ay magandang pangitain ito para masakop natin ang mundong ito."

"Kasama niyo ako hanggang sa huli."
Naging tapat siya saakin mula noong una ko siyang makita. Ginamit ko ang galit niya upang maghiganti.

"Siya nga pala may makakasama ka sa loob ng palasyo nais kong ipaalam mo sakaniya na tapat kitang alagad."

"Opo."

"Darating na siya sa palasyo.Gagamitin ko rin siya upang makapaghiganti sa mahal na haring Sayto. Kaytagal na panahon ko ito hinintay. Nalalapit na ang oras na pagtawag nila sa mahal na diwatang tagapag-alaga kasabay nito ang mga diwatang may itim na mahika, sila ang tutulong saatin kaya pagbutihan mo ang pinagawa ko sayo. "

" Makakaasa po kayo."

"Ang bilin ko sayo. Wag mong sasaktan o idadamay ang dalawa."

"Paano kong nangialam sila?"

"Ako na ang bahala sakanila."Tumango naman ito.

" Pumunta ka na sa palasyo at magmasid inaaasahan kung magagawa ang pinapagawa ko. "

" Opo."Tumalikod na siya saakin.

" Sandali."Lumingon siya saakin.

"Unahin mo ang matalik na kaibigan ng hinirang na dalaga."

"Opo."Tuluyan na siyang umalis.

Mahabang panahon ang hinintay ko para isakutuparan ang plano ko.
Kami ni haring Herro ay nagkasundong maging magkakampi para sa paghihiganti namin.

Kung hindi dahil sa kasalanan ni Sayto at Amanda ay hindi sana namatay ang aking kapatid. Ngayon sana ay kasama ko ang aking anak.
Naging tapat ako sa mahabang panahon kay Sayto,ngunit ang katapatan kong yon ay nagwakas na. Mula ng nagkasala sila at inisip ang sarili nilang kagustuhan.

Gagawin ko ang lahat makasikatuparan ang aking plano. Wala silang kaalam alam na ang nasa paligid nila ay kalaban na. Mga mahihina, mga madaling malinlang.







LabzWriter.

Sensiya na Readers ito lang kinaya ko. Medyo late ang updates ko kasi ang hirap ng mga susunod na chapter.
Sana mapatuloy parin kayo sa pagbabasa nito.
Maraming salamat

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon