𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 2
Amara's Pov.
"Happy birthday Mara! " pagbati saakin ni Ali. Nandito siya sa bahay ngayon.
"Maraming salamat Ali!" niyakap ko siya.
"Regalo ko sayo" sabay abot saakin.
"Pagpasensiyahan mo na yan lang kinaya ko." Binuksan ko ang box na binigay niya.
"Napakaganda nito!" isang photo album na punong puno ng litrato naming dalawa mula nong mga bata pa kami."Nagustuhan mo?" Tumingin ako sakaniya.
"Oo naman! Napaganda nito ito na ata ang pinakamagandang regalong natanggap ko. Lahat ng ala-ala natin ay nandito. Maraming salamat! "niyakap ko siyang muli. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tila may mangyayaring hindi ko inaasahan pakiramdam ko iiwan ko si Ali."Bakit ka umiiyak Mara?" Taranta niyang sabi. Umiiyak na pala ako, hindi ko alam kung bakit. Para bang mamimis ko siya.
"Masaya lang ako dahil may kaibigan akong gaya mo.""Masaya rin ako Mara at naging magkaibigan tayo."
"Ali, Amara halina kayo at kumain na!" narinig naming tawag ni Lola.
Natapos ang hapunan, oras na upang matulog, tabi kami ni Ali sa higaan ko.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa bagay bagay hanggang sa nakatulog na siya.Tok.. Tok..
Binuksan ko ang pintuan.
"Lola bakit po gising pa kayo anong oras na? " nagtatakang tanong ko."Amara, tara at may ipapakita ako sayo." Kinakabahan akong hindi ko mawari.Sumunod ako kay lola. Pumasok kami sa isang silid na puno ng libro.
"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko.
"Andito ang ama mo." Nanlaki ang mga mata ko. Tumingin ako sa palagi pero wala naman akong makitang tao."Po? Nasaan po?"
"Bago mo siya makita nais ka munang makausap ng iyong ina Amara" nilabas niya ang cellphone at tinawagan niya ang si mama gamit ang messenger, vedeocall kami.
"Anak Amara, maligayang kaarawan sayo." Kitang kita ko ang luhang dumadaloy sa mga mata niya.
"Ma, bakit po kayo umiiyak?"
"Amanda, sabihin mo na sa anak mo. Malapit na ang itinakdang oras."
"Anong itinakdang oras?" Nalilito ako.
"Makinig ka Amara anak ko." Kumakabog ang dibdib ko.
"Magkikita na kayo ng ama mo matagal ka niyang hinintay ito na yong oras na itinakda para kunin ka niya saakin" lalong napaiyak si mama pati na rin ako ay napaluha.
"Anong ibig niyong sabihin ma? Hindi ko po kayo maintindihan."
"Amara, itinago ko ang tungkol sa ama mo dahil alam kong mahihirapan kang intindihin ito.Ngayon na ang takdang oras para malaman mo ang totoo.
Ina, kunin niyo na po ang libro" may inabot saakin si lola na isang lumang libro."Ano po ito?"
"Andiyan ang ama mo."
"Po?" Gulat kong sabi." Paanong nangyari narito ang ama ko? "
"Amara, alam kong nalilito ka. Alam ko mahihirapan kang intindihin ito pero kailangan mong buksan ang isipan mo anak makinig ka sa sasabihin ko sayo." Napalunok ako sa sinasabi ni mama.
"Amara, ang ama mo ay hindi pangkaraniwang tao. Nakatira siya sa isang mahiwagang librong hawak mo. Nakilala ko siya ng minsang pumunta ako sa silid na yan. Aksidente kong nabuksan ang librong yan at hinikop ako."
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasyKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...