𝐉𝐞𝐚𝐥𝐨𝐮𝐬

297 61 49
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 11

Shiro's pov.

Hindi ko maintindihan ang labis inis na nararamdaman ko.

Sa tatlong araw naming nakasama si Kairo ay palagi ng mainit ang ulo ko.
Naiinis ako sa nakikita ko. Naging malapit kasi si Amara kay Kairo.

Huminto kami sa gubat upang magpalipas ng gabi.

"Amara, dito muna tayo magpalipas ng gabi sa gubat. Malayo layo pa kasi ang baryong malapit dito." Sabi ko, habang inaayos ang magiging higaan namin.

"Walang problema saakin. " Lihim naman akong napangiti. Wala man lang siyang naging reaklamo, kakaiba talaga siya.

"Gagawa ako ng apoy, upang hindi tayo malamigan." Sabi ni Kairo.Hinayaan ko na lang siya.

"Amara, matulog ka na maaga pa tayo bukas." Alam ko kasing pagod siya.

"Gusto ko sanang maligo." Sabi niya habang nakatingin siya sa may ilog.

"Sige Amara tara at sasamahan kita" tumayo na ko upang samahan siya.

"Wag na, kaya ko naman."Dali-dali siyang naglakad patungo sa ilog.

"Sandali binibini!" napalinggon ako kay Kairo. Lumapit siya kay Amara at may sinabi ito. Hindi ko naman marinig kong ano ang sinabi niya.Nakita ko na lang na gumawa siya ng harang upang hindi namin makita si Amara habang naliligo.

Bumalik si Kairo sa tabi ko.

"Napakaganda ni Amara diba?" Napalingon naman ako sakaniya. Nakatingin siya sa kinaroroonan ni Amara. Wag niyang sabihin na may gusto siya kay Amara.

"Amara, wag ka ng magtatagal baka magkasakit ka!"
"Umahon ka na!" hindi ako komportable kay Kairo.

"Sige! " narinig kong sagot niya.Nakita kong tumayo si Kairo at patungo siya
sa kinaroroonan ni Amara.

"San ka pupunta?" Tanong ko.

"Ibibigay ko lamang ang aking balabal. " Tumalikod siya saakin at naglakad patungo kay Amara.
Bumalik din siya agad.

"Akala mo ba may gagawin ako kay Amara?" Lumingon ako sakaniya.
"Alam ko, bago pa lang tayong makasama ngunit sinisuguro kong wala akong masama intensyon."

"Siguraduhin mo lang. " Napatawa naman siya sa sinabi ko, na lalo kong ikinainis.

Lumapit si Amara sa kinaroroonan namin. Ginamit niya ang balabal ni Kairo. Dahilan upang lalong lumabas ang kagandahan ng kaniyang katawan. Umiwas ako ng tingin mula sakaniya at napagpasyahan kong yumuko na lamang.

"Patuyuin mo na ang iyong buhok bago ka matulog." Humiga na ako at tumalikod sakanila. Hindi maaari ang nararamdaman ko, naaakit ako sa hinirang na tagapagtanggol.

"Binibini, gusto mo bang patuyuin ko ang buhok mo?" Narinig kong sabi ni Kairo.

"Nakakahiya naman sayo, ako na lang. " Nakahinga ako ng maluwag sa hindi pagpabayag ni Amara.

"Tumalikod ka saakin." Narinig kong sabi ni Kairo.
"Wag ka ng mahiya binibini, dapat ay maging komportable ka na saakin dahil araw araw na tayong magkasama."Lalo akong nainis sa narinig ko.

"Napaganda ng iyong buhok. " Papuri niya dito. Talaga naman maganda ang buhok ni Amara. Hindi lang buhok kundi lahat.

"Salamat."

"Alam mo ba binibini, ganito rin ang ginagawa ko sa nakababata kong kapatid na babae.Sa tuwing naliligo siya ay nahihirapan siyang magpatuyo ng kaniyang buhok kong kaya't ako ang napapatuyo nito. "Walang nagtatanong sa isip isip ko.

"Malapit ka siguro saiyong kapatid."

"Oo, namatay na kasi ang aming magulang kaya ako na lamang ang tumayong magulang niya."

"Masarap siguro sa pakiramdam na magkaroon ng kapatid."Patuloy lang ako sa pakikinig sakanila.

"Wala ka bang kapatid binibini?"

"Wala, nag iisang anak lamang ako." May sinabi si Kairo ngunit hindi ko maintindihan masyado tong mahina.

"Talaga?"sagot ni Amara. Sumagot muli si Kairo subrang hina ito. Bumubulong ba siya?

"Ilang taon ka na ba?"

"Dalawampu'-lima na ko binibini. "Mas matanda pala siya saamin.

"Ang bata mo namang tignan. " Hindi naman. May sinabi ulit si Kairo ngunit hindi uli ito maintindihan. Naiinis na ako.

"Oo naman." Ano kaya ang sinabi niya?

"Mabuti kong ganoon,tuyo na ang iyong buhok, mapahinga ka na alam kong napagod ka sa atin paglalakbay."

"Salamat." Naramdaman kong nahiga na si Amara.

Kinabukasan maaga akong nagising. Pag gising ko ay gising na rin si Kairo.
Tinitigan ko si Amara, mahibing ang tulog nito.
Nagpasya akong pumunta sa ilog at manghuli ng isda para may kainin kami.
Ang mga nahuhuli ko ay inihaw ni Kairo.Pagbalik ko ay nakita kong gising na si Amara. Awtomatiko akong napangiti,kahit bagong gising ito nakaganda pa rin niya.

"Gising ka na pala Amara. "Sabi ko habang papalapit sakaniya.

" Bakit hindi mo ko ginising? "

"Mahibing kasi ang tulog mo." Umupo ako sa tapat niya. Nagsimula na kong mag ihaw ng isdang bagong huli ko.

"Binibini, tikman mo ito."Napalingon naman ako kay Kairo. Iniabot niya ang inihaw na isda kay Amara.

"Salamat."

"Sandali!" Nagtaka naman ako.

"Bakit Kairo?"
Lumapit siya dito at binawi ang isdang bigay niya.

"Mainit pa." Inihipan niya ang isdang hawak niya.Nabigla naman ako sa ginawa niya. Tama ba ang hinala ko may gusto siya kay Amara?

"Yan, ok na." Ang lapad ng ngiti niya.

"Salamat." Tumayo na ko,hindi gusto ang nakikita ko.

"Shiro saan ka pupunta?" Tanong ni Amara.

"Maliligo muna ako. " Tumalikod at nagtungo sa ilog. Lumusong agad ako,sa subrang inis na nararamdaman ko gusto kong magwala. Gusto kong basagin ang mukha ni Kairo.

"Shiro ok ka lang ba? " Lumingon ako sa nagsalita si Kairo pala. Lumusong siya sa may ilog at naligo na rin.

"Ok lang ako." Umahon agad ako sa ilog. Baka ano pang magawa ko kay Kairo.

"Binibini handa ka na ba?"Tanong ni Kairo.

" Oo, handa na ko. "Lumabas si Amara sa likod ng puno.
Lumapit si Kairo at may binulong dito. Ano kaya ang binulong niya?

"Salamat. " Nakangiting sagot ni Amara.

Pakiramdam ko para lang akong hangin dito.

"Halina kayo! " inis na inis ako. Hindi ko na makontrol ang aking sarili.

"Shiro, ok ka lang ba?" Napansin niya siguro ang kinikilos ko.

"Oo Amara. " Maikli kong sabi. Maiintindihan ba niya kapag sinabi kong hindi?

"Sigurado ka?" paniniguro niya.

"Oo. " Maikling sagot ko.

"Binibini tignan mo ito. " Napalingon kami kay Kairo.

"Napakaganda naman niyan. " May hawak siyang puting bulaklak. Saan naman niya ito nakuha?

"Gusto mo?" Tumango naman si Amara, mahilig siya sa bulaklak?

"Salamat. "

"Kailangan na nating bilisan. " Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kabayo. Hindi maganda ang nararamdaman ko, nahihirapan ako. Nasasaktan ako.

May kirot sa aking puso.
Ngayon ko lang ito naramdaman,paano maaalis ang kirot dito?

Paano?

LabzWriter :
Side lang po ni Shiro to guys para malaman niyo ang nararamdaman niya. .

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon