𝐒𝐢𝐬𝐭𝐞𝐫

159 17 17
                                    

Chapter 27

Amara's Pov.

Kinaumagahan, naghanda ang lahat sa paglalakbay patungo sa paraiso ng mga diwatang tagapag-alaga ng mahiwagang libro. Dadalhin namin ang mahiwagang libro sa paraiso upang doon tawagin ang diwata.

"Mara, bagay ba saakin?"May hawak siyang pana at palaso .

"Bakit yan ang napili mong armas?"

"Ito lang naman ang alam kong gamitin."

"Ayaw mo ba ng ispada?"

"Hindi yon nababagay saakin, ito ang nababagay saakin parihas tayo."

"Ginagaya mo lang ata ako eh."May halong pang aasar kong sabi.
"Kapal talaga ng mukha mo."Sabi nito.
"Biro lang."
"Ewan ko sayo."
"Ang sungit nito, kala mo naman maganda."
"Maganda naman talaga ako, magandang lalaki. Hindi ba Aliyah?"Napalingon naman kami kay Aliyah na ngayon ay pulang pula ang pisngi.
"O-o."Yumuko naman ito.
"Oh diba!"
"Oo na." Natatawa kong sabi.

"Amara anak!"palingon ako sa aking ama. May kasama siyang babaeng kulay asul at paalon alon ang kaniyang buhok. Ang kaniyang mga mata ay kulay berde tulad saamin ng aking ama. Matangkad din ito at maganda ang pangangatawan. Ang ganda din ng kutis nito, napakaputi ng kaniyang balat at napaganda ng kaniyang mukha.

"Si Sayrona ang kapatid mo."Ngumiti naman saakin si Sayrona. Gumanti naman ako.

"Kamusta?" Ang kaniyang tinig ay napakalambing.

"Mabuti." Naiilang kong sabi. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.

"Amara, nais ni Sayrona na sumama sainyo sa paglalakbay."Bakit naman siya samama? Nais ko sanang itanong pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Shiro!Kumusta?"Lumapit siya kay Shikiro na ngayon abalang nag aayos ng kaniyang gamit.

"Hindi ako si Shiro."Hindi man lang siya tumingin kay Sayrona. Ang sungit naman nito.

"Sayrona!"

"Shiro, akala ikaw siya." Sabay turo niya kay Shikiro.

"Siya si Shikiro kakambal ko."

"Kaya pala magkamukha kayo. Sya nga pala kamusta ka na ilang taon na tayong hindi nagkita!" masayang sabi nito.

"Mabuti naman ako, ikaw ang laki ng pinagbago ng itsura mo."

"Oo,lumabas na kasi ang kapangayarihan ko kung kaya nagbago ang aking itsura."Nakangiti niyang sabi.

"Kailangan niyo ng umalis baka maabutan kayo ng dilim sa daan." Sabi ng aking ama.Lumapit naman si Sayrona sakaniya at niyakap ito.

"Kinagagalak kitang makita ama ko." Malabing niyang sabi.

"Ganun din ako anak." Gumanti naman ito ng yakap. Napaiwas naman ako ng tingin sakanila. Naramdaman ko ang kamay ni Ali sa aking balikat.

"Tara, simulan na ang paglalakbay." Rinig kong sabi ni Kairo.

"Maiingat kayo roon. Shiro ikaw na bahala kay Sayrona."

"Sasama ka?" Takang tanong ni Shiro.

"Oo, gusto kong makatulong."Tumango naman siya.

"Shiro sayo na lang ako makikiangkas."

"Sige."Lumingon naman si Shiro saakin. Agad naman akong umiwas.

" Amara! "nilahad ni Shikiro ang kaniyang kamay upang alalayan akong makasampa sa kabayo.

"Salamat."

"Walang anuman." Naramdaman ko ang hininga niya saakin leeg.

"Paano ako?" Napalingon kaming lahat kay Ali. Oo nga pala hindi rin siya marunong mangabayo.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon