𝐆𝐨𝐧𝐞

162 19 7
                                    


𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 33

Amara's Pov.

Nasasaktan ako sa lahat ng nalaman ko. Kung si Sayrona ay hindi na ko nabigla na nagawa niya ang lahat nito pero si Kairo. Si Kairo na tinuring ko ng parang kapatid ay nataksil sa amin, sa akin.

"Amara!" napalingon ako ngayon kay Kairo.Lalo akong napaluha ng makita kong  umiiyak na rin siya.
"Patawad, noong una ay pumayag ako sa kagustuhan ng aking ina. Ngunit ng nakilala na kita at nakasama ko na kayo ay napamahal na kayo sa akin."Humarap siya sa kaniyang ina.

" Ina, nakikiusap ako itigil niyo na po ito."

"Hindi maaari anak!" sigaw ni Yula.

"Pero ina!"

"Gaya ng sabi ko. Ang tagal na panahon namin itong pinagplanuhan." Napabuntong hininga naman si Kairo. Lumingon ako kay Maliya.

"Maliya, bata ka pa mas marami ka pang kayang gawin kesa ganito. Wag mong sayangin ang buhay mo para rito." Yumuko lang siya at hindi sumagot.

"Wala ka ng magagawa Amara." Nanlilisik ang mga mata ni Herro at lumapit ito saakin.

"Wag mo siyang sasaktan ama!" sigaw ni Shikiro.
"Wag kang mag alala Shikiro hindi ko siya sasaktan sa ngayon."Ngumisi pa ito.

" Amara. "May narinig akong tinig, isang pamilyar na tinig.
" Minara? "
" Tawagin mo na ang diwatang tagapag-alaga ngayon din! Bilisan mo Amara! "huminga ako ng malalim.

" Makinig kayo! "sigaw ko. Ito na lang ang natatanging paraan.
" Mga Guardian  ko! "hindi ko alam kong susunod ang iba saakin.Pero kailangan kong subukan.
" Bilang hinirang na tagapagtanggol nais kong makinig kayo saakin at sumunod! "nararamdaman kong  nag iinit ng aking kalamnan.

" Anong ginawa mo? "Takang tanong ni Herro. Pumikit ako at buong lakas inalis ang mga gapos ko. Naramdaman kong lumutang ako sa ere. Minulat ko ang aking mga mata. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha nila.

"Guardian!  Humanda kayo, ngayon ko na tatawagin ang diwatang tagapag-alaga ng mahiwagang libro!"

"Ano?" Gualat nilang sabi.
Ipikit niyo ang mga mata niyo. Nilingon ko sila isa isa. Napangiti ako ng pumikit si Kairo. Si Maliya na lang ang hinihintay ko.

"Maliya, pakiusap. " Tumingin ito saakin at pumikit na rin.

"Wag mong tawagin ang diwata, makinig ka sa akin!" sigaw ni Yula.
"Herro, gumaw ka ng paraan." Ginamit ni Herro ang itim niyang kapangayarihan para abutin ako ngunit hindi ako natablahan sa ginawa niya.

"Anong ginagawa mo Herro!" galit na sabi ni Yula. Siya naman ang sumubok ng kapangayarihan niya ngunit gaya kay Herro ay hindi ako natablan.

"Anong nangyayari?" Biglang lumindol sa paligid.
"Manatiling nakapikit ang lahat!" sigaw ko.

"Tinatawag ko ang diwatang tagapag-alaga ng mahiwagang libro!Lumabas ka ngayon din at ibigay ang aming hiling!"lumiwanag ang buong paligid. Nakakasilaw na liwanag.

" Amara. "Napalingon ako sa babaeng puno ng bulaklak ang kaniyang katawan."

"Ikaw ba ang diwatang tagapag-alaga?"Lumingon ako sa paligid at tanging kami lang ang naririto.

" Ako nga Amara ako ang tagapag-alaga ng mahiwagang libro."Napangiti ako, natutuwa ako dahil natawag ko ito.

" Subrang nagagalak ako ngayon dahil natawag ka namin. Ikaw na lang ang bukod tangi naming pag asa."

" Amara, kinalulungkot ko ngunit huli ka na. "Nanlaki ang aking mga mata.

" Anong ibig mong sabihin? "

" Huli ka na Amara, nakatakda ng maglaho ang mundong ito. Hindi mo na maililigtas ito Amara."

"Bakit?"Nanghina ang mga tuhod ko sa narinig ko.

" Matagal na panahon na ang nakakalipas ay  isa itong magandang paraiso, na nais sakupin ng mga masasamang nilalang. Hanggang nagpasya ang mahal naming ina na iligtas ang mundong ito sa pamamagitan ng pagkulong sa isang libro. Lahat ng taong nakatira sa paraiso ay napunta ang loob ng mahiwagang libro. Ang akala ng aming ina ay ligtas na kami ngunit nagkamali siya. May nakapasok sa mahiwagang libro at sila  ang dahilan kung bakit unti unti itong nasisira. "

Hindi ako pakapaniwala sa akin narinig.

"Kailangan may isang taong labas na kailangan mag ligtas sa mundong ito , upang hindi masakop ng kasamahan. Dumating ang iyong inang si Amanda ngunit hindi siya nagtagumpay dahil naging mapusok sila."Hindi ko mapigilan ang mga luhang dumadaloy saakin mga mata.

"Sa labim pitong tao na paghihintay sayo ay unti unti ng nasisira ang mundong ito. Ang mga ibang bayan dito ay isa isa ng naglalaho. Mas nasira pa ito dahil sa mga taong gustong mahiganti Amara.Tulad ni Herro at Yula."

"Wala na bang ibang paraan upang mailigtas ito?"

"Wala na Amara. Maglalaho na ang mundong ito kasabay ng mga taong nakatira rito."

"Hindi ito maaari diwata. Maraming sakripisyo ang masasayang."

"Hindi masasayang ang sakripisyo niyo Amara." Napalingon naman ako sakaniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Dahil mabuti ang iyong puso ay bibigyan kita ng gantimpala. Nakikita ko naman ang kagustuhan mong iligtas ang mundong ito. Sa gagawin kong ito ay buhay ko ang kapalit."

"Ang buhay mo?"

"Oo, maglalaho  naman itong mundong ito kung kaya wala na akong silbi. Sa pinagsama samang   kapangayarihan ng lahat ng mga diwata rito  ay bibigyan ka namin ng  gantimpala."

" Anong gantimpala? "

" Malalaman mo rin pag gising mo Amara."Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya.

" Amara, pahalagaan mo ang mga taong nasa paligid mo. Mahalin at alagaan mo sila.Gaya ng pagmamahal nila sayo. Karapatan mong sumaya Amara. Nakabuting mong tao at sana ay panatilihin mong malinis ang puso mo. "Niyakap niya ako.

"Ipikit mo ang iyong mga mata. Lahat ng taong nakasama mo o taong gustong mong makasama ay isipin mo Amara." Ginawa ko ang sinabi niya.

"Wag kang magtatanim ng sama ng loob Amara matoto kang magpatawad. Lahat ng tao ay nagbabago, lahat ng nilalang sa ibabaw ng mundo ay may karapatang magbago."

"Hanggang sa muli Amara."


LabzWriter.

Wag niyo pong husgahan itong story na to. Ito po ang gusto kong mangyari. Kung ayaw niyo ang kinalabasan nito ay wala na kong magagawa. I try my best. Tanging hiling ko lang ay ma appreciate niyo.

Salamat.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon