𝐓𝐡𝐞 Old 𝐆𝐮𝐚𝐫𝐝𝐢𝐚𝐧'𝐬

170 26 19
                                    

Chapter 23

Amara's Pov.

Lumapit ako kay Ali, hinawakan ko ang kaniyang mukha.

"Mara, paanong ako ang panglimang Guardian?"

"Hindi ko rin alam Ali."

"Alam ko kong bakit." Napalingon ako sa babaeng kapapasok lang sa silid.

"Yula, anong ginagawa mo rito?"

"Sayto naparito ako dahil lumiwanag ang mahiwagang libro."Lumapit ito saamin.
" Ako si Yula ang tagapag bantay ng mahiwagang libro. Ako ang nagbigay ng mahiwagang kumpas sainyo, ako rin ang manghuhula. "Tinitigan niyang mabuti si Ali, si Yula ay may hawak na bulang kristal.

" Pinili ng libro si Ali bilang isang Guardian."

"Paanong nangyari yon?"Takang tanong ko.

"Dahil namatay na ang pang limang Guardian na dapat ay kasama niyo ngayon."

"Ano paanong nangyari yon?" Tanong ni Aliyah.

"Wag na kayong magtaka, sa nalalapit na paglaho ng mundong ito ay marami ng lumalabas na masamang ispirito sa libro. Kung may diwatang tagapag-alaga ay meron ding diwatang taga sira."

"Paanong namatay ang panglimang Guardian?" Tanong si Shiro.

"Ang pagpasok ng mortal na si Ali ay dahilan kong bakit namatay ang isang Guardian.  Ang pumasok sa lugar na to ay  isang buhay ang kapalit nito. Bilang hindi niyo pa nahahanap ang panglimang Guardian ay siya ang namatay."

"Ako ang dahilan?" Natulala naman si Ali.

"Oo, kung kaya pinili ka ng libro upang kapalit ng isang Guardian na namatay. Ikaw Ali ay bahagi ng librong ito sa oras na maglaho ito ay kasama ka. Ang paglaho nito ay kasabay ng pagbura ng ala ala ng iyong  pamilya sa iyong mundo, ganoon ka rin Amara."

"Ibig sabihin sa oras na naglaho kami kasama ng libro ay maglalaho rin ang ala ala namin sa aming mundo?" Tanong ni Ali.

"Ganoon na nga."

"Si Shiro at Shikiro naman ay iisa bilang magkakambal sila ay parihas silang Guardian. Kung may masawi sa kanila ay mabubura ang marka."

"Anong mangyayari sa oras na nabura ang marka?" Tanong ni Shikiro.

"Hindi na makokomplito ang limang Guardian. Mag iingat kayo sa oras na may masawi sainyo ay hindi matatawag ang diwatang tagapag-alaga."

"Paano kong may masawi nga, maglalaho na ba itong mundo?" Tanong ni Aliyah.

"May isa pang paraan upang matawag ang diwatang tagapag-alaga." Humarap siya saakin, dahilan upang kabahan ako.
"Anong paraan?" Tanong ko.

"Ang buhay ng hinirang na dalaga, ang buhay mo Amara."Nabigla kaming lahat sa aming narinig.
"Kailangan mong ialay ang iyong buhay sa mahiwagang libro ikaw ang magiging kapalit ng diwatang tagapag-alaga."

"Hindi Maaari yon." Sambit ng aking Ama.
"Oo, kaya mag ingat kayo. Wag niyong sayangin ang pagkakataong ito. Wag niyo ng ulitin ang pagkakamali na  nagawa ni Amanda at Sayto noon."

"Yula! "

"Kailangan nilang malaman ito Sayto. Dahil sa pagkakamaling nagawa niyo ni Amanda ay nawalan ng saysay ang pinaghirapan namin noon. May mga buhay ang nasayang pati ang aking kapatid ay kailangang mamatay para lang maprotektahan ang kaniyang anak."Halos hindi matanggap ng utak ko ang nalalaman ko ngayon.

" Ang ina ni Shiro at Shikiro ay aking kakambal."Nanlaki ang mga mata ni si Shikiro at Shiro.

" Yula! "tawag ng aking ama.
" Hayaan mong ako ang magsabi sakanila."

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon