𝐈'𝐦 𝐑𝐞𝐚𝐝𝐲

487 84 100
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 6

Amara's Pov.

Natapos na ang pagsasanay ko. Sa tatlong linggong pagsasanay ay naging mabuti ang resulta nito.

"Binabati kita Amara, natapos mo rin ang pagsasanay mo. Ito na ang simula, handa ka na ba?"

"Handa na po ako. "
Tugon ko sa aking ama.

"Mabuti kong ganon, bukas na bukas din ay maglalakbay na kayo ni Shiro upang hanapin  ang iba pang Guardian."

"Opo ama."

"Magpahinga ka na at ihanda ang iyong sarili."

"Opo" nagtungo ako saakin silid at nagpahinga. Haharapin ko na ang totoong laban. Lalaban ako para sa lahat. Para sa lahat ng naniniwala at umaasa saakin.

...

"Binibining Amara heto na po ang susuotin niyo" inabot saakin ni Meme ang isang bestida.

"Maraming salamat Meme."
Naligo na ako at nag ayos ng mag gamit na pwede kong dalhin.

Lumabas ako saakin silid, pagdating ko sa kinaroroonan ng aking ama  nadatnan ko si Shiro.

Lumingon sila saakin at ngumiti.

"Handa ka na ba Amara anak?"

"Opo ama, handa na po ako"

"Shiro, ikaw na ang bahala sa anak ko. Huwag mo siyang pababayaan."

"Makakaasa po kayo mahal na hari."

"Amara" lumapit saakin ang aking ama.
"Tanggapin mo ito" isang kwentas ang inabot niya saakin.
"Ang kwentas na yan ay makakatulong para kontrolin ang kapangyarihan mo sa oras na lumabas na ito. Makakatulong din ito sa oras na kinailangan mo ng tulong, itaas mo lamang ito at maglalabas siya ng puting liwanag, ang tanging makakakita lamang ng liwanag na to ay ang iyong mga Guardian "

"Maraming salamat po."
Niyakap niya ko ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Mag iingat kayo, Shiro saiyo ko pinagkakatiwala ang anak ko alagaan at protektahan mo siya. "

"Makakaasa po kayo mahal na hari. "

Lumabas kami sa palasyo.

Sumakay siya isang kabayo.

"Yan ang sasakyan natin?"

"Oo binibini ito nga. "

"Hindi ako marunong mangabayo. "

"Wala pong problema yon" tinignan ko siya na may halong pagtataka.
Iniabot niya kayang kamay at inalalayan ako upang makasakay ako sa kabayo. Ramdam ko ang hininga niya mula saakin leeg.

Dug... Dug..

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

"Kinakabahan ka ba binibini?"

"Me-dyo."

"Magtiwala ka binibini, ako ang bahala sayo."
Gamit lang ang iisang kabayo ay nag simula na kaming maglakbay.

Habang naglalakbay kami, hindi ko mapigilang humanga at maaliw  sa mga nakikita ko sa kapaligiran.
Napagandang tanawin, parang paraiso ito ang daming paru-paro ang malaya lumilipag. Maraming puno at bulalak sa paligid. May natatanaw din akong ilog. Ilog na halatang malinis, sariwa ang hanging naaamoy ko, ang bango ng mga bulaklak na nasa paligid ko.

Ipikit ko ang aking mga mata, ang lamig ng simoy ng hangin kahit tirik na tirik ang araw ay hindi ito nakakasunog sa balat. Ang sarap mamuhay sa ganitong mundo, payapa. Kaya hindi ko hahayaang masira at maglaho ito.

"Shiro, pwedeng magtanong?"

"Oo naman binibini."

"Maari ka bang magkwento tungkol sa buhay mo?"

"Sige po binibini."

"Bata pa lamang ako ay nakitaan na ko ng kakaibang talinto ng aking mga magulang.Sa mura kong edad ay natoto na kong maghanap buhay dahil sa hirap ng buhay. Maaga kaming naulila sa  ina. Bilang panganay sa apat na magkakapatid ay kailangan kong maghanap buhay para lang makakain kami. Ang aking ama ay sakitin kaya ako na lamang ang kumayod para sa amin. "
Tahimik lamang akong nakikinig sakaniya.

"Nang nagbinata ako ay napagpasyahan kong maglakbay upang kumita pa ako ng mas malaking pera at makatulong sa aking pamilya.Sa paglalakbay kong yon ay nakilala ko ang isa sa mga tauhan ng hari. Sinabi niya sa akin na nangangalangan sila ng guwardiya kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon na yon."

"Paano mo nalaman na isa ka palang Guardian?"

"Isang manghuhula ang dumating sa palasyo at sinabi niya ang magandang balita."

"Anong magandang balita?"

"Ang balitang yon ay ang pagdating mo. Ang manghuhulang yon ay siya ang tagapag bantay ng mahiwagang libro."

"Ibig sabihin dalawa ang mahiwagang libro?"

"Hindi binibini iisa lamang ito, nag uugnay ang mahiwagang libro rito sa mundo namin at sa mundo niyo."

"Ganon pala, ipagpatuloy mo ang iyong kwento. "

"Inipon ang lahat ng tao sa palasyo at sinabi sa lahat ang magandang balita. Sinabi ng hari na nalalapit ang pagdating ng kaniyang anak na nagmula sa ibang mundo. Ang anak niya ang siyang hinirang na tagapagtanggol ng mundong ito.Labis ang tuwa ng mga tao rito isa na ako roon."

" Inaasahan talaga nila ang pagdating ko. "

"Oo binibini, ang magandang balitang yon ay nalaman ng kalaban. Ang mga kalaban ay may itim na mahika nais nilang patayin ang hinirang na tagapagtanggol.Natakot ang lahat sa nababadyang kapahamakan sayo. Ngunit lumiwag muli ang mahiwagang libro, nakasulat dito na may limang tagapag-alaga na proprotikta sa hinirang na tagapag alaga. Pinahanap agad ng mahal na hari ang limang Guardian ngunit bigo sila. "

"Ang sabi sa mahiwagang libro ang tagapag-alaga ang makakahanap sa mga Guardian. Ngunit may hindi kami inaasahan. "

"Isang gabi, hindi ako makatulog sa labis na init ng aking katawan. Tila sinusunog ito. Nalaman ng mahal na hari ang nangyayari saakin. Tinawag niya ang magaling na mangagamot ngunit hindi parin maalis ang init na nararamdaman ko. Hanggang sa lumiwanag ang buo kong katawan at may lumabas na pulang marka sa aking noo. Doon namin napag alaman na kabilang ako sa Guardian. Sinanay nila ako upang makontrol ang aking kapangyarihan, ang mahal na hari mismo ang nagsanay saakin. Kahit nahirapan siya sa panahon na yon ay hindi siya sumuko.Hanggang sa nasanay na ko at nakontrol ko na ang kapangyarihan ko. "

"Ang hirap din pala ang pinagdaanan niyo. "

"Kahit mahirap ay sulit naman dahil dumating ka"

"Huwag kayong mag alala hindi ko kayo bibiguin gagawin ko ang lahat para mailigtas ang mundong ito."

"Kasama mo ko binibini."

"Amara na lang ang itawag mo saakin."

"Kung yan po ang gusto mo."

"Salamat, salamat sa pagsama saakin at turuan akong magsanay."

"Obligasyon ko pong gawin yon."

Obligasyon nakalimutan ko Guardian ko nga pala siya kaya obligasyon niya ako.

"Ganon pa man maraming salamat pa rin."

"Wala pong anuman, kasama mo ko sa anumang laban hindi kita pababayaan."

Lumakas nanaman ang kabog ng aking dibdib.
Kinikilig ba ako?.

Itutuloy.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon