𝐅𝐢𝐠𝐡𝐭

141 18 22
                                    

Chapter 28

Amara's Pov.

Nagpatuloy kami sa paglalakbay.
Habang naglalakbay kami ay may kakaiba akong nararamdaman. Parang merong kung ano sa paligid. Nasa gitna pa rin kami ng kagubatan.

"Shikiro, may kakaiba akong nararamdaman."

"Maging ako Amara."

"Maging handa ang lahat nababatid kong may kalaban sa paligid." Sabi ni Kairo, sa tingin ko lahat kami ay nararamdaman ito.

"Talaga?" Napalingon ako kay Ali, oo nga pala si Ali hindi niya nararamdaman kasi wala siyang kapangayarihan.

"Oo." Sagot ni Aliyah, dahilan para mamutla siya.

"Ali!" tawag ko.Lumingon naman ito saakin.
"Wag kang matakot,andito kami. "Tumango naman ito.
" Pasensiya na Mara,matatakutin talaga ako alam mo yan. "

" Oo Ali, naiintidihan ko."Ngumiti ako sakaniya upang kahit papaano ay maibsan ang pangambang nararamdaman niya.

Ilan sandali ang nakalipas ay lumabas na ang inaasahan namin. Sa aming dinaraan ay may mga kakalakihan na may ibang kasuotan. Nakasuot sila ng mga pinagtagpi tagping dahon sa kanilang katawan. Nanlilisik ang kulay pula nilang mga mata. May mga pangil  din sila. Anong uring mga tao sila?

"Hindi kayo maaaring dumaan dito!" Galit ng sabi ng isa kanila sa palagay ko ay siya ang namumuno sa kanila.

"Sino ka para pagbawalan kami?" Matapang na sabi Kairo. Siya ang nasa may unahan namin.

"Matapang ka bata." Ngumisi naman ito.
"Kung gusto dumaan dito ay kailangan niyo muna kaming tapusin. Kung makakaya niyo." Mayabang na sabi nito.

"Amara, Aliyah, Maliya, Ali at Sayrona!"tawag ni Kairo.
" Kami na bahala rito."Bumaba kami sa kabayo.

"Tatlong lang kayo? Sa tingin niyo mananalo kayo!" natatawang sabi ng lalaking pula ang mata at may mahabang pangil.

"Kaming tatlo ay sapat na para matalo kayo." Sabi ni Shikiro.
Dahilan upang humalakhak ang lalaki.
"Wag niyo kaming maliitin!"

"Dami pang satsat simulan na!"sigaw ni Shiro. Sumugod sila sa mga kalaban. Hindi sila gumamit ng kapangayarihan tanging lakas lang ang ginamit nila. Gamit ang mga ispada nila ay sa isang iglap ay natumaba lahat ng kalaban.

" Hindi man lang ako pinawisan."Narinig kong sabi ni Shikiro.

" Ang galing niyo!"manghang sabi ni Ali. Tatalikod na sana ang tatlo ng muling tumayo ang mga lalaking kalaban.

" Yon lang ba kaya niyo? "Nagulat kaming lahat. Unti unti ay nawala ang mga sugat nila naghihilom ng kusa ito.
" Maling minaliit niyo kami."Sabi ng isa sa kanila. Sa pagkakataong ito ay sila ang sumugod mas malakas sila ngayon kesa kanina. Halatang nahihirapan na sila Kairo kung kaya gumamit na sila ng kapangayarihan. Ang bilis ni Shiro ang mahika ni Kairo at ang lakas ni Shikiro. Muling natumba ang mga kalaban. Ngunit ilang sandali pa ay bumangon din ang mga ito. Kitang kita ko ang inis sa mga mukha nila. Halatang pagod na rin sila.

"Aliyah! Tumulong na tayo!" sabi ko. Lalapit sana kami ng pigilan kami ni Kairo.

"Mga binibini, kaya namin ito."

"Pero..." Nag aalala kong sabi.

"Huwag kang mag alala Amara mahal ko kaya namin ito." Malambing na sabi ni Shikiro. Dahilan upang mang init ang mga pisngi ko.

"Nakuha pang bumanat."Narinig kong sabi ni Ali.

Nagsimula sila uling maglaban. Sa hindi inaasahan na pangyayari ay nakagat si Shiro na agad naman nagdulot ng matinding sugat.

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon