𝐋𝐨𝐯𝐞 ,𝐂𝐚𝐫𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐮𝐩𝐩𝐨𝐫𝐭

201 36 20
                                    

Chapter 20

Aliyah's Pov.

"Anong gagawin natin kay Amara?" Hindi ko maiwasang mataranta at mag alala sa kalagayan ni Amara ngayon. Wala siyang malay, hindi rin namin siya mahawakan dahil sa nakakapaso niyang balat.

"Ako na ang bahala" napalingon kaming lahat kay Shikiro binuhat nya si Amara na hindi inantala ang sakit.  Agad namang napaso ang kaniyang balat ganoon pa man ay hindi niya ito ininda.

Ipinasok niya si Amara sa isang silid. Ginamit ni Kairo ang kapangyarihan niya upang maging kristal ang hinihigaan ni Amara.

"Anak kayanin mo" napaluha ang mahal na hari.Maging ako ay hindi ko maiwasang maiyak.
"Mahal na hari, anong nangyayari kay Amara?" Tanong ni Shiro.

"Lumalabas na ang kapangayarihan niya, nahihirapan ang katawan niyang  tanggapin ito."

"Paano kong hindi natanggap ng katawan ang kaniyang kapangayarihan?" Tanong ni Shikiro, na  lalong nagpakaba sa akin.

"Mamatay siya!" nabigla kaming lahat sa aming narinig.

"Hindi maaari!" Narinig kong sabi ni Shikiro.

"Makakaya  ni Amara yan magtiwala tayo sakaniya, alam ko matapang siya."Positibong sabi ni Shiro.

"Tama si Shiro matapang  si Amara kakayanin niya yan" sang ayon naman ni Kairo.

Lumingo ako kay Shikiro nakita ko ang  sunog sa kaniyang balat. Lumapit ako sakaniya.
Hinawakan ko ang nasunog niyang balat.

"Papagalingin kita" ipinikit ko ang aking mga mata. Pagmulat ko ay magaling na ang kaniyang braso't kamay.

"Salamat."Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Kitang kita ko ang pag aalala niya kay Amara.

"Magiging maayos din siya" hinawakan ko ang balikat niya.
Nakita kong tumango naman siya.

Pinagmasdan namin si Amara.
Kung titignan ay tila natutulog lamang siya.

Kapansin pansin din ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mga buhok. Nagiging  kulay lila ito.Unti unti ring humahaba ang kaniyang mga kuko.

Napagpasyahan naming lumabas sa silid ni Amara. Naiwan naman ang mahal hari roon.

"Natatakot ako! " pag amin ko ng nararamdaman ko. Lumingon silang tatlo saakin.

"Naiintidihan ka namin Aliyah kahit ako ay natatakot din."Napabuntong hininga naman si Kairo.

"Magtiwala lang tayo kay Amara, kakayanin niya ito. " Napalingon naman ako kay Shiro. Alam ko siya ang lubos na nahihirapan ngayon. Nakakabigla kasing mayroon pala siya kakambal at ang kinagisnan niyang pamilya ay hindi niya pamilya. Alam ko labis siyang nasasaktan  ngayon dahil ang kapatid niya ay may gusto rin sa babaeng gusto niya.

Noong nawala si Amara halos magwala siya sa subrang pag aalala rito. Hindi na rin siya halos natutulog o kumakain. Madalas din itong tulala.Minsan ay nakikita namin siyang umiiyak at sinisigaw ang pangalan ni Amara.

"Shiro, alam ko nahihirapan ka ngayon."Lumapit ako sakaniya.

"Aaminin ko, nahihirapan ako. Nahihirapan akong tanggapin lahat ng nalaman ko. Ngunit wala akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Nagpapasalamat na lang ako dahil naging mabuti ang mga ginagisnan kong mga magulang.
Ang hirap  tanggapin na may taong aagaw at nang aangkin sa babaeng iniibig ko."Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

"Hindi mo siya pagmamay ari Shiro!"

"Hindi mo rin siya pagmamay ari Shikiro! " Matatalim ang tingin nila sa isa't isa nakakatakot sila.

"Magtigil kayo!" saway ni Kairo.
"Hindi ito ang oras para riyan!"Umiwas ng tingin ang dalawa ngunit ramdam mo parin ang kanilang galit sa isa't isa.

"Shiro, Shikiro!" Lumingon sila saakin.
"Kung sinuman ang pipiliin ni Amara sainyong dalawa sana ay respituhin niyo ito. Intindihin niyo sana ang kalagayan niya ngayon. Hindi madali ang pinagdadaanan niya. Alam ko iniibig niyo siya ngunit mahalin niyo siya ng walang hinihinging kapalit. Wag niyo siyang pahirapan parang awa niyo na! "napaluha na ako. Naaawa lang ako sa kalagayan ni Amara ngayon. Ayaw kong nahihirapan siya nasasaktan din ako.

"Hindi siya nag reklamo kahit isang beses kahit hindi siya sanay sa mundong ito ay kinaya niya. Kahit bago sa kaniya ang lahat ng nangyayari sakaniya tinanggap niya. Kung talagang mahal niyo siya wag na kayong dumagdag pa sa dinadala niya. Mahalin niyo siya, ipakita niyo, iparamdam niyo ang pagmamahal niyo ng buong puso! "Napatulala sila saakin. Sana maintindihan nila ang ibig kong sabihin.

"Sa oras na nakapili na siya sainyo respituhin niyo ito. Magbigayan kayo bilang makapatid. Para kay Amara."Tumalikod na ko, hindi ko alam bakit ako nagkakaganito. Oo, sandaling panahon ko pa lamang nakilala si Amara ngunit nakita ko na ang angkin nitong kabutihan at katapangan. Nararapat siyang mahalin, nararapat siyang lumigaya.

Naramdaman kong may yumakap saakin mula sa likod.

"Aliyah, alam kong nag aalala ka kay Amara alam ko nagmamalasakit ka lang sakaniya naiintidihan kita. Ganoon din ang nararamdaman namin. Kailangan nating tatagan ang loob natin para sa kaniya. Si Shiro at Shikiro ay naguguluhan at nadadala lang sila ng nararamdaman nila. Kailangan nating intindihin ang isa't isa. "Lalo akong napaiyak sa narinig ko mula kay Kairo. Tama siya, kailangan tatagan ang loob namin at intindihin ang isa't isa.

"Pasensiya ka na Aliyah kung masyado kaming nagpapadala sa emosyon namin." Narinig kong sabi ni Shiro.

"Iniibig namin si Amara kaya ganito kami. Pero, tama ka Aliyah kong talagang mahal namin siya dapat respituhin namin ang magiging desesyon niya at wag siyang pahihirapan. Ngunit ganoon pa man hindi ako magpapatalo gagawin ko ang lahat mapaibig ko lang siya."Narinig kong sabi ni Shikiro.

" Ganoon din ako Shikiro,sa oras na ikaw ang pinili niya rerespituhin ko ito sana ganoon ka rin"lumingon ako sakanila. Nakita kong nagkamayan silang dalawa.

Lumapit ako sakanila at hindi ko napigilang yakapin sila.

"Salamat" labis ang tuwang nararamdaman ko.

"Pasali ako sa yakap" lumapit din saamin si Kairo at yumakap na rin.

Para kay Amara, gagawin namin ang lahat bilang mga Guardian niya. Bilang kaibigan at nagmamahal sakaniya. Kasama niya kami hanggang sa huli.

"Aray!" napalingon kaming bigla sa nagsalita. Isang lalaki ang nakadapa sa sahig. Nilapitan namin ang lalaking ito.

"Sino ka?" tanong ni Shiro.

Lumingon saamin ang lalaking may kakaibang nakasabit sa kaniyang likod. Kakaiba rin ang kasuotan nito, kulay pula ang kaniyang maikling buhok. Itim ang kulay ng kaniyang mga mata. Matangos ang kaniyang ilong, singkit ang kaniyang mga mata at maputi ang kaniyang kutis. Napakagandang lalaki nito.

"Hello"

LabzWriter ❣️

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon