𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 4
"Nais kong ipakilala sayo ang isa sa mga Guardian mo si Shiro." Lumapit saamin ang isang matangkad na lalaki.
"Shiro, ito ang aking anak si Amara. "
"Kinagagalak ko po kayong makilala. "Yumuko siya at isang matamis na ngiti ang ginawad niya saakin.Maganda ang kaniyang mukha matangos ang kaniyang ilong mapungay ang kaniyang mga mata, ang ganda ng mata niya kulay asul ito.
Natural na mapupula ang kaniyang labi. Mahaba ang kaniyang buhok pero ganon pa man ay hindi siya mukhang babae napakisig kasi nito." Amara, nais kong malaman mo na may lima kang Guardian, ang apat ay hindi pa namin nakikita, kailangan mo silang mabuong lima."
"Para saan ang mga Guardian?"
"Ang limang Guardian ay may natatanging kapangyarihan. Kayo ang magiging daan upang mabuksan ang mahiwagang libro, sa oras na mabuksan niyo ito ay lalabas ang isang diwata na nakapag alaga ng libro kung sino man ang makapagpapalaya sakaniya ay ibibigay niya ang kahilingan nito, magiging payapa ang mundong ito at hindi na maglalaho pa. Maaari mo ring hilingin na makabalik ka sa totoong mundo mo at maaari ka ring pumunta rito anumang oras na gustuhin mo."
"Ngunit tandaan mo Amara hindi ito madali, maraming hahadlang sayo."
"Hahadlang?"
"May mga nabubuhay dito na hinahangad ang kapangyarihan ng limang Guardian sa oras na makuha niya ang kapangyarihan ng mga to ay hindi mo na magagawa ang misyon mo. Hindi ka na makakabalik sa mundo mo at maglalaho na tayo na parang bula.Hindi maaaring mapasakanila ang mahiwagang libro. "
"Hindi yon maaari. " Kinabahan ako sa narinig ko.
"Oo, kaya kailangan nating magtagumpay. Ang mga kalaban natin ay hindi pangkaraniwan makapangayarihan sila. May taglay silang itim na mahika. Alam din nila ang pagdating mo kaya nanganganib ang buhay mo Amara."
"Anong laban natin sakanila?"
"May mga kapangyarihan din kami Amara at pati rin ikaw."
"Merong kapangyarihan?"
"Oo Amara sa ngayon ay natutulog pa ang iyong kapangyarihan kailangan mo tong gisingin. Habang hindi mo pa ito nailalabas ay kailangan mong sumailalim sa pagsasanay. Si Shiro ang magsasanay sayo. " Tumingin naman ako kay Shiro.
"Ako na ang bahala sayo."
Tumango naman ako.
"Ang pagsasanay na gagawin mo ay para matotonan mong lumaban at para may lakas ka sa oras na hanapin mo na ang apat pang Guardian.""Paano ko pala malalaman na sila ang aking Guardian?"
"Sa pagkakataong makita mo sila ay malalabas na pulang marka."
"Pulang marka?"
"Pagmasdan mo si Shiro. "Tumingin ako kay Shiro at may lumabas na kulay pulang marka sa kaniyang noo.
"Naiitindihan mo na ba anak?"
"Opo."
"Magpahinga ka na at bukas na bukas ay sisimulan mo na ang pag sasanay." Tumango naman ako.
"Si Meme nga pala ang tagapag-alaga mo" lumapit saakin si Meme.
"Meme samahan mo na si Amara sa kaniyang silid. "
"Opo mahal na hari." Nag simula na kaming maglakad bago tuluyan akong makalayo ay tinawag ng aking ama ang pangalan ko."Amara... " Lumingon ako sa kaniya. Lumapit siya saakin at niyakap ako.
"Bakit po?" Takang tanong ko
"Wala gusto lamang kitang mayakap" gumanti ako ng pagkakayap sakaniya. Ganito pala ang yakap ng isang ama masarap sa pakiramdam.
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasíaKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...