Chapter 31
Aliyah's Pov.
Nagpatuloy ang paglalakbay namin at nilisan ang bayan ng magsasaka. Isang mahabang paglalakbay muli at makakarating na kami sa lugar ng mga diwata, ang paraiso ng Eden.
Habang naglalakbay kami ay kapansin pansin ang lungkot sa mukha ni Amara. Hindi ako sanay na makita siyang ganiyan. Parati kasi itong nakangiti at maliwalas ang kaniyang mukha.
Ang sabi ni Shikiro sa akin ay naging ganiyan daw siya simula ng iwan niya si Amara at Sayrona kagabi. Ano kaya ang pinag-usapan nila. Maging si Sayrona ay lalong naging tahimik ito.
"Ali, ano kaya iniisip ni Amara?"
"Tinanong ko siya kanina pero ang sabi niya ayaw niyang sabihin ito saka na lang daw kapag handa na siya." Napabuntong hininga naman ako.
"Kilala ko si Mara hindi siya magkakaganiyan kong hindi mabigat ang dinadala niya.Nag aalala ako sakaniya."
"Maging ako rin."Tugon ko.
Nagpalipas muli kami ng gabi sa gitna ng kagubatan. Madilim ang kapaligiran at nakakatakot ang paligid. Bukod sa maraming mga puno ay marami ring mga paniki sa paligid. Tahimik din ang paligid walang anumang naririnig gunti ang mga lumilipad na paniki. Masalimuot din, wala man lang hangin.
"Ano bang klaseng lugar to. " Iritang sabi ni Sayrona.
"Nakakatakot!" dagdag pa nito. Ang mga kamay niya nakahawak sa braso ni Shiro. Lumingon naman ako kay Amara na ngayon ay nakaupo sa isang gilid, tahimik at tila ang lalim ng kaniyang iniisip.Lumapit ako sakaniya at naupo sa inuupuan niyang mga duyot na mga dahon.
" Amara!" panimula ko,nakapikit ito.
"Ang lalim ata ng iniisip mo, maari ko bang malaman kong ano yon?" Pinagmasdan ko ang mukha niya at nabigla ako na may luhang pumatak sa mga mata niya."Amara, handa akong makinig."Lumingon ako sa kinaroroonan ni Shikiro, Ali at Kairo nakalingon sila saamin. Bakas sakanila ang pag aalala.
"Aliyah..." paos niyang sabi.
"Lilisanin ko na ang mundong ito pagkatapos kong tawagin ang diwatang tagapag-alaga." Nabigla naman ako sa aking narinig. Alam ko maaari ngang lisanin niya ang mundong ito, dahil hindi ito ang mundong nakagisnan niya pero nababatid kong napamahal na siya sa mundong ito.
"Hindi ako nararapat dito."
"Paano mo naman nasabi yan Amara?"
"Si Sayrona."Nang init bigla ang ulo ko sa narinig ko.
" Anong sinabi sayo ng babaeng yon?!"
"Aliyah, tama naman siya. Hinihiling niya saakin na lisanin ko ang lugar na to. Pakiramdam niyai inaagawan ko siya ng minamahal. Si Shiro at aming ama."
"Hindi ko akalaing napakahina mo!" hindi ko mapigilan ang aking sarili.Minulat niya ang mga mata niya at tumingin sa akin na may halong pagtataka.
"Amara, hindi porket sinabi ng isang tao ang gusto niya susundin mo. Alam ko, ramdam ko na minahal mo na ang mundong ito at ayaw mo itong lisanin ng basta basta. Bakit ka makikinig sa ibang tao? Makasarili si Sayrona Amara, wag kang makinig sakaniya dahil sarili lamang niya ang iniisip niya. "
" Pero Aliyah kapatid ko siya. "
" Sa tingin mo itunuturing ka niyang kapatid? Hindi Amara buksan mo ang mga mata mo! Wag kang maging mahina at magmumuk diyan! Ang daming umaasa sayo. "
"Hindi ko na yata kaya?" Hindi ko napigilan ang aking sarili at sinampal ko siya.Agad naman lumapit saamin si Ali at ang iba pa.
"Amara naman! Umaasa sayo ang lahat ng nakatira sa mundong ito. Wag kang panghinaan ng loob, wag mong sayangin ang hirap ng mga tao rito!"
"Aliyah, hindi mo dapat sinaktan si Mara!" galit na sabi ni Ali.
"Ali, tama lang ang ginawa niya saakin. Pasensiya na Aliyah." Tumulo muli ang kaniyang mga luha.
"Patawad, hindi ko sinasadya. Patawad, dahil ngayon pa ako pinanghinaan ng loob. Patawad dahil, naisip kong lisanin at kalimutan na lang mundong ito." Napaluha na rin ako maging si Ali ay ganoon din."Patawad Sayrona dahil, hindi ko mapagbibigyan ang hiling mo. Gusto ko rin makasama ang ating ama, gusto kong mabuo ang pamilya ko. Gusto ko rin makasama ang lalaking pipiliin kong mahalin. Gusto kong dito na lang manirahan kasama si lola at si mama. Gusto kong ding makasama ang mga tinuturing kong kaibigan. Gusto kong manatili sa mundong ito. Patawad dahil, magiging makasarili ako dahil uunahin at iisipin ko na ang sarili ko ngayon! "napagulgul siya sa sinabi niya. Ngayon lang namin narinig si Amara ng ganito. Mula noong una ay hindi namin alam ang gusto niya o nararamdaman niya.
"Patawad." Lumapit ako sakaniya at niyakap ko siya.
"Pasensiya na Amara."
"Naiintidihan kita Aliyah."
Tumalikod saamin si Sayrona kasama si Maliya. Kinakabahan ako parang may hindi magandang mangyayari."Mara talaga oh." Niyakap din siya ni Ali.
Matapos ang nangyari ay nagpasiya kaming mapaghinga. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.
Bumango ako sa pagkakahiga at napansin kong wala si Maliya at Sayrona sakanilang hinihigaan. Hinanap ko sila at nadatnan ko sila sa isang malaking puno. May kausap silang lalaking matangkad. Agad naman itong nawala at tanging itim na mahika ang naiwan. Agad naman akong nagtago at itinago ang akin awra para hindi nila maramdaman.
"Maliya, humanda ka nalalapit na ang misyon natin."
"Oo, Sayrona hindi ko kayo bibiguin."
"Mabuti, gusto kong unahin mo ang pinakamatalik na kaibigan ni Amara. Maliwanag ba?"
"Oo Sayrona."Kumabog ang dibdib ko sa aking narinig. Hindi ito maganda kailangan malaman ni Amara at ng iba pa. Traydor sila!
Dali dali akong bumalik sa aking hinigaan at nagkunwaring natutulog. Naramdaman kong humiga sila sa kanilang hinihigaan.
Hindi maaari to, kailangan may gawin ako. Hindi ko sila yayaang gawin ang masama nilang balak.
Sino ang lalaking kausap nila? Isang lalaking may itim na mahika. Kinakabahan ako, hindi namin akalain na meron pala kaming kasamang mga kalaban. Napakadelikado nito, lalo na ngayon at malapit na kami sa paraiso ng Eden.
Sayrona, Maliya hindi kayo magtatagumpay kung kailangan kayong paslangin ay gagawin ko. Maprotektahan lang ang mga taong minamahal ko. Mapagtagumpayan lang ang misyong ito. Kahit buhay ko pa ang kapalit ay handa ako.
..
LabzWriter
BINABASA MO ANG
𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed)
FantasyKay daming Wattpader na naghahangad na sana mapunta sila mundo ng Wattpad. Hinihiling na sana magkatotoo ang kanilang binabasa. INSIDE The Book. Inspiration ko ang mga kapwa ko Wattpader sa pag gawa nito. Isang kwento na kong saan papasok ka sa mund...