𝐁𝐚𝐝 𝐌𝐨𝐨𝐝

285 64 73
                                    

𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 10

Amara's Pov.

Patuloy ang paglalakbay namin Shiro at Kairo. Tatlong araw na kaming naglalakbay, malayo layo kasi ang lalakbayin namin ngayon.
Dalawang baryo pa kasi ang dadaanan namin bago makapunta kung saan naroroon ang isa pang Guardian.

"Amara, dito muna tayo magpalipas ng gabi sa gubat. Malayo layo pa kasi ang baryong malapit dito." Sabi ni Shiro.

"Walang problema saakin."
Naupo kami sa ilalim ng puno. Tumingin ako sa paligid, may ilog sa malapit saamin napapaligiran ito ng matatayog na puno.

"Gagawa ako ng apoy, upang hindi tayo malamigan."
Sabi ni Kairo,kumuha siya ng mga tuyong kahoy sa paligid, pinagkiskisan niya ito at nagkaroon ng apoy.

"Amara, matulog ka na maaga pa tayo bukas."

"Gusto ko sanang maligo."
Nahihiya kong sabi. Ang hirap para saakin na lalaki ang mga kasama ko nakakailang.

"Sige Amara tara at sasamahan kita."Awtomatiko namang lumaki ang mga mata ko sa narinig kong sabi ni Shiro.

"Wag na! Kaya ko naman."
Naglakad ako patungo sa ilog.

"Sandali binibini!"

"Bakit Kairo?" Lumapit siya saakin, itinaas niya ang mahabang patpat na hawak niya. Lumiwanag ito at gumawa ng harang sa ilog.

"Para malaya kang makaligo. "

"Maraming salamat!"
Natuwa naman ako sa ginawa niya. Isang harang ang ginawa niya upang hindi nila ako makita habang naliligo ako sa ilog.

Inalis ko ang aking kasuotan at lumusong sa ilog.
Maligamgam ang tubig nito, ang sarap sa pakiramdam.

"Amara, wag ka ng magtatagal baka magkasakit ka!"
Rinig kong sabi ni Shiro.
"Umahon ka na!"
Bakas sa kaniyang boses na tila hindi siya mapakali.

"Sige!"
Bago ako lumusong ay nakita ko si Kairo na papalapit sa ilog.

"Sandali! Anong ginagawa mo? " taranta kong sabi.

"Binibini gamitin mo ang aking balabal upang hindi ka malamigan. " Inilapag niya ang kaniyang balabal at umalis.

"Salamat Kairo."
Umahon na ako at kinuha ang balabal niya. Makapal ito, tamang tama para takpan ang aking katawan. Kinuha ko ang aking damit at nilabhan ito sa ilog.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Shiro at Kairo. Isinampay ko ang aking damit sa sanga ng puno.

Umupo na kong muli sa tabi ni Shiro. Napansin kong nakayuko ito.

"Patuyuin mo na ang iyong buhok bago ka matulog" humiga siya at tumalikod saakin. Anong nangyari sakaniya?

"Binibini, gusto mo bang patuyuin ko ang buhok mo?"

"Nakakahiya naman sayo, ako na lang" gamit ang kamay sinuklay ko ang aking mahabang buhok. Mahihirapan akong patuyuin ito.

"Tumalikod ka saakin" lumapit saakin si Kairo.

"Wag ka ng mahiya binibini, dapat ay maging komportable ka na saakin dahil araw araw na tayong magkasama."Tumango naman ako.

Naramdaman kong sinusuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang daliri.

"Napaganda ng iyong buhok."

"Salamat."

"Alam mo ba binibini, ganito rin ang ginagawa ko sa nakababata kong kapatid na babae.Sa tuwing naliligo siya ay nahihirapan siyang magpatuyo ng kaniyang buhok kong kaya't ako ang napapatuyo nito. "

𝐈𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐓𝐡𝐞 𝐁𝐨𝐨𝐤 (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon