{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
Hindi ako makapaniwala, Ang nakakabata ko'ng babae ay ginawa ako'ng punching bag sa laban namin. Hindi ko inaakala na masyadong malakas ang mahika na yelo, Hindi umobra ang hiram na kapangyarihan ko sa Water Spirit na si Poole. Yelo, Sa tuwing gagamitin ko ang kapangyarihan ng water spirit ko, ginagawa niya lang itong solid, at nagagawa niya itong manipulahin.
Ako ngayon ay narito sa mundo ng Diyosa ng Pagkalikha, at narito ako para tuparin ng ilegal ang una ko'ng hiling sa tulong nila at tulong ko sakanila. Nabuhay ulit ako sa katawan ng batang ito. Pangalawang buhay ko na ito, Hindi nabura ang alaala ko katulad ng mga normal na Reincarnation, salamat ito sa pagtampered ni Lady of Lake sa kaluluwa ko. Hindi man nila ako binigyan ng napakalakas na kapangyarihan, Ang pamilya na pinagmulan ko naman ay sapat na.
Descendant ako ng Pinakamalakas na Wolfkin at Nine Tailed Foxkin. Unlike my past self, Hindi ko namana ang malakas na pangangatawan ng mga Wolfkin. In other words, Hindi nila ako kasingtibay kahit na ang ama ko ang pinakamalakas na Wolfkin. Mula sanggol ay mayroon na akong pagiisip kaya't madali ko'ng natutunan ang kanilang mga lenguwahe, salamat nadin ito sa tulong ng aking ina na literatura ang libangan.
Marami kaming libro patungkol sa Sining ng paggamit ng Soul Force, Sa mundo na ito, Common ang paggamit ng mahika, Ang mga tao lang na biniyayaan ng aspeto ng Mana ang makakagamit nito, sa mga wala nito mula pagkabata ay hindi na maaring magkaroon. Isa na ako sa mga ito. Pero hindi ako nalungkot nang malaman ko na ang aking ina ay isang Foxkin! Ang lahi ng mga beastmens na may kakayahang gumamit ng Pribado nilang Sining. Ang pagmamanipula sa Spiritual Force.
Hindi lang duon, kaya ko din makipagusap sa mga ispirito sa kapaligiran, isang bagong karanasan para saakin. Marami ako'ng nakilalang mga Lesser Spirits, Dahil sa isang libro ni Ina nalaman ko na maaari ka'ng pumasok sa kontrata! at pili lang ang mga ispirito ang maaari mo'ng pasukan at ito ang mga Higher Spirits. Sila ang opposite ng Lesser Spirits na wala masyadong kakayahan sa pakikipaglaban at kahit anong gawin mo ay hindi mo sila mapapalitaw sa pisikal na mundo dahil sobrang hina nila.
Nakakalat ang mga Higher Spirit sa mga lugar na pinili nilang tahanan hindi tulad ng mga Lesser na kung saan-saan ko lang sila nakikita at ang mga anyo nila saaking paningin ay makikinam na mala perlas na lumilipad sa langit. Ang kontrata ay mahalaga para saakin dahil sa kontrata na ito, maaari mo'ng hiramin ang kapangyarihan ng ispirito at bigyan sila ng pisikal na anyo, Isang alagad! isang kasama sa pakikipaglaban! ayan ang una ko'ng naisip pero dahil isa itong patas na kontrata, Maaari din nilang hiramin ang katawan mo. Hmph! Small price to pay HAHA!.
Maari ko itong i-substitute sa mahika! Hindi tulad ng mana, Lumalaki ang mana ng kusa depende sa limitasiyon ng tao pero sa pagkakaintindi ko sa libro tungkol sa istraktura ng mga Foxkin ang Spiritual Force ng mga Foxkin ay dapat sanayin sa pamamagitan ng Mind Meditation at Spirit Cultivation. Kaya habang bata palang ako at hindi pa kayang tumayo mag-isa ng walang tulong ng katulong namin na si Zeer, Nag memeditate at nagcucultivate na ako.
Sa oras natumuntong ang edad ko sa kaya kunang tumayo! tumakbo ng matagal ay dali-dali ako'ng nagpupunta sa kagubatan at naghahanap ng mga Higher Spirits dahil malaki ang tiyansa na ang napakagandang gubat na ito ay maaring tirahan ng iilan sa mga Higher Spirits. Nalaman ko saaking ina na ang mga Foxkins ay kayang pumasok sa kontrata depende sa dami ng kanilang buntot. Ang buntot ko ngayon ay dalawa palang at ang ibig sabihin nito ay dalawang Higher Spirits palang ang maaring pumasok saakin sa isang kontrata. Ayon kay mama, Hindi lang Siyam ang limitasiyon ng mga buntot ng Foxkins, nagkataon lang na sa kasaysayan nila ay siya palang ang nakakaabot dito. Espesiyal talaga ang mga magulang ko, Pang lobo ang aking tenga at pangkanila ang aking buntot. Isa talaga ako'ng kakaibang nilalang.
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...