Prologue Begins!
'Fate's Gate: Doom Saga'
{Gin Olrac Hectorius}
"Ginnn!!!! Gin!" Nakaramdam ako ng mahinang pag-agos ng init ng hininga kasama nito ang malakas ngunit malambing na pagtawag ng aking pangalan, Ramdam ko na ako ay nakapahinga ang aking ulo sa isang malambot na malakutson. Aking inimulat ang aking mata at saaking pagtingala nakita ko ang isang babaeng may malagintong buhok na babalot ng dugo.
Inilibot ko ang aking paningin upang tignan kung sakanya galing ang dugo na nakabahid sakanyang buhok. Sa paulit-ulit na beses na tumitingin ako sakanyang mukha, lagi ako'g nabibighana at nasisiyahan dahil ang babaeng ito ay hindi basta-basta 'isang babae' o ma 'la-lang' mo lang saaking buhay. Siya ang dalaga'ng minahal ko at dinala ko ang aking pakiramdam ng buong buhay ko.
" Gin! salamat.....Nanalo tayo! Nasira mo ang Gate of Doom! at natalo mo na ang Demon General!, Dahil saiyo! ligtas na ang ating mundo! Kaya! huwag ka'ng matutulog! dahil magsasaya pa tayo!" Bagamat nakakatuwa ang mga salitang lumalabas sa makintab na labi ng dalagang ito ang kanyang tono ay malungkot. Hindi nagtagal tumulo na ang kanyang luha na agad na pumatak saaking mukha dahil kandong-kandong niya ang aking ulo habang nakahiga sa lawa ng dugo.
Totoo nga ang kanyan sinabi. Nanalo kami sa Gera laban sa mga nilalang na sumakop saaming mundo. Kahit na sinabi niya saaking huwag matulog. Kusa ng nanghihina ang aking mga mata at hindi kuna makigalaw ang aking katawan. Ang lawa ng dugo ay akin. Dahil sa malapad na butas saaking dibdib. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako makapagsalita at kung bakit, tila ang aking paningin ay napapalibutan at natatakpan ng makapal na hamog dahilan kung bakit aninang lang ang nakikita ko sa mukha ng dalaga.
Matapos kung labanan ang Demon General, Nagtamo ito ng agaw buhay na pinsala dahilan kung bakit umatras ito at bumalik sa Gate of Doom, Sa oras na bumalik ang Demon General sa Gate. Ang Gate na hindi maaring masira ay magiging mahina at maari na itong sirain at kahit kailan man hindi na ulit ito lilitaw. Ito ang sinabi saakin ng Diyosa na nagbigay saakin ng kapangyarihan upang labanan at protektahan ang mundo ko at ang babaeng mahal ko.
Sigurado ako na dito na matatapos ang aking alamat, Nakakainis man dahil hindi mamamatay na ako at hindi ko na magagasta ang buhay ko kasama ang babaeng mahal ko pero wala na akong magagawa dahil sa oras na tinanggap ko ang kapangyarihang ito, Hinukay ko na ang aking libingan. Sa pagpikit ng aking mata. Ako ay ngumisi at ginamit ang natitira ko'ng lakas upang hawakan ang mainit at makinis na pisngi ng dalaga.
Hindi din nagtagal ay dumalas ang aking mga daliri dahil sa dulas ng dugo na pumaligo saaking kamay at bumagsak ulit sa lupa.
" Hmph...Huwag kanang umiyak, Titania....Dito na nagtatapos ang aking buhay at ang iyo ay magsisimula palang" Ito ang huling salitang iniwan ko sa babaeng pinakamamahal ko. Naiinis ako dahil hindi ko manlang nasabi ang aking nararamdaman. Sa pagpikit ng aking mata, Dumilim ang kapaligiran at hindi kuna ulit narinig at nakita si Titania.Ang lamig. Ito ang salitang unang pumasok saaking isipan nang maramdaman ko sa pangalawang beses ang sinasabi nilang 'Pagkamatay' Ito ang estado o ang huling hantungan ng mortal na buhay na sinasabi nila'ng nagbibigay ng kahalagahan mismo sa buhay.
Sa pagbukas ng aking mga mata, Tumambad saakin ang isang dalagang walang tapis at kumikinam ang kanyang buong katawan. Ang mahaba nitong puting buhok ay siyang nagsisilbing takip sa mga pribadong parte ng katawan nitong na siyang medyo kinaiinisan ko.
"Gin Olrac Lucius Artorius, The Marked Blood of The Previous King of Camelot who fought for Freedom and Right! " wika nito. Ang napakagandang babaeng nasaharapan ko ay walang iba kung hindi ang diyosang sinasamba nila sa ibaba.
![](https://img.wattpad.com/cover/219893244-288-k750714.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...