Hey hey! Medyo late na but salamat sa pagbabasa and votes! nakaabot na tayo ng 1k mahigit!. Check niyo sa media yung Fan-art ko kay Baby Urfang hehehe. My Little Wolf-boy Outfit No.1. Magsisimula na ako magillustrate ng mga itsura nila!.
-Bladefroooost!
{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
" Ang tawag sa kakayahang manipulahin ang ispiritwal na pwersa sa kapaligiran at lagyan ito ng porma at hulma ay tinatawag na-
Sacred Arts"
Wika ni Elder saamin. Kakaiba ang kanyang paliwanag sa Ispiritwal na sining. Ito ay natural na abilidad ng bawat Foxkins na kakaunti lang ang mga kayang matuto nito sa sobrang komplikado ng pagmamaniobra sa abilidad na ito." Listen...Ang mga Ina niyo lang ang nakakaalam tungkol sa abilidad ng Ispiritwal na pwersa, Ito ay para mapagtibay ang koneksiyon ng mga Ispirito at Foxkins na muntikan ng masira dahil dito. Sa kasaysayan ng Foxkins, Ang mga Higher Spirits ang aming sinasamba, nagaalay kami upang bigyan nila kami ng biyaya, Ang mga biyayang ito ay suporta ng kalikasan dahil sa mga elemento'ng abilidad ng mga ito at proteksiyon laban sa mga kalaban, wala pa'ng Spirit Contract nuon dito sa Era, Ito ang panahon na mismo ang mga Anghel ay kaya pa'ng bumaba sa kalangitan, The Divine Age, ngunit sa isang banda naging abusado ang mga Ispirito saating mga Foxkins, Ang mga hinihiling nila para sakapalit ng kanilang kapangyarihan ay palala na ng palala sa pagtakbo ng oras. Isang talentadong Foxkin ang pinanganak at ito ay si Urfang Kiyou El Foxenburg ang kauna-unahang Foxkin na naabot ang Ika-siyam na buntot, ang nagimbenta ng panibagong paraan para sa paggamit ng Ispiritwal na Enerhiya, Tinawag niya itong Spiritual Force".
Hindi ko inaasahan na magiging history lesson ang kakalabasan nito, well dahil siguro ito sa tanda at edad ni Elder.
" Dito na pinanganak ang iba't-ibang paraan upang gamitin ang ating Ispiritwal na pwersa, Dito na naimbento ang Sacred Arts, ang sagradong sining na humuhulma ng bawat ispiritwal na pwersa ng inbidwal na Foxkins, Ito ang kanilang ginamit upang maganunsiyo ng rebelyon at gera sa mga Higher Spirits, Ito ay para palayasin ang mga ito sakanilang Baryo at hayaan silang mamuhay dahil hindi na nila kailangan ang proteksiyon ng mga bagkus kaya na nilang protektahan ang kanilang sarili"
Oh? Ngayon ko lang nalaman na may nakaraang pagaaway ang mga Foxkins at Spirits, Marahil ito ang dahilan kung bakit hard to get si Poole at suplado siya saakin.
" Ngunit dito na bumaba ang mga Celestial Spirits upang itigil ang magaganap na gera ng dalawang panig. Ang mga Celestials Spirits ay arbitaryo ng pantay na distribusiyon ng ispiritwal na enerhiya sa planeta, ang mga Ispirito ang tagalikha ng Spirutal Force habang ang mga Foxkins naman ang gumagamit nito at sa bawat paggamit nila ay nakakalat nila sa kapaligiran ang enerhiya na sinasabing nagsisilbing Life Force ng planeta, kaya't hindi maaaring mawala ang isa sa dalawang panig" Kwento ni Elder. Wala ako'ng alam gaano sa mga Celestial Spirits pero mukhang sila ang pinakamataas na antas at uri ng mga Higher Spirits.
" Kung ganuon Elder...Dito naba lumabas ang Spiritual Contract?" dagdag na hula ko sakanyang kwento. Napangisi si Elder at tango saakin.
" Tama...upang maayos ulit ang pagsasama ng dalawang panig, Nagkaroon ng Spiritual Contract, Isang kontrata na patas, Bawat paghiram ng mga Foxkins ng kapangyarihan ng mga Ispirito ay may pantay na kapalit, May ibang mga ispirito na ninais manatili at makipagayos sa baryo natin ngunit may iba'ng ispirito na umalis at nagpakalat-kalat sa bawat sulok ng mundo" Ngayon ay malinaw na saakin ang lahat, Pumasok din saaking isip kung saan ko unang natagpuan si Poole. Maaaring isa siya sa mga Ispirito na hindi sangayon na makipagbati sa mga Foxkins, kaya't himala dahil tinaggap niya ang aking alok.
" Tapos na ang Aral tungkol sa kasaysayan! Sa madaling salita! ang Sacred Arts! ay ang hugis ng ispiritwal na pwersa niyo!, pinaniniwalaan na bawat indibidwal ay may iba't-ibang hugis ng ispiritwal na pwersa, Kaya ito tinawag na sining ay kaya natin bigyan ng hugis at pisikal na itsura ang Ispiritwal na Pwersa natin katulad nito" Paliwanag ni Elder inilapat ang kanyang palad. Nagkaroon ng kakaibang liwanag dito, Ito ang unang beses na nalaman ko na maaaring bigyan ng hugis at pisikal na anyo ang ispiritwal na pwersa.
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...