{Urfang Alestair Von Wolfencreed}
" Inom! Uminom kayo lahaat! BWUWHAHAHAHAHAHAHAAAA!"
" WHOO!! MABUHAY KA! CHIEF!!"
" Cheers para saating mababangis na nakatataas!!"
Isang masaya at maingay na selebrasiyon ang nagaganap sa tanggapan ng Onigoroshi Federation. Sa oras na makatikim at makalaklak na sila ng napakaraming Ale, ang mga marangal at matitibay na kabalyero na nagproprotekta sa distrito'ng ito ay maiihantulad na sa mga tambay sa kapaligiran na nagpapakalasing o sa mga matatandang lalaking nagtutungo sa mga Cabaret Bars para uminom at kalimutan ang kanilang pagod sa oras na ito.
Ngunit ang selebrasiyong ito ay may igugulo papala. Sa oras na marinig ko ang sigaw ng isa'ng dalagang babae'ng pamilyar saaking likod.
" HOY! (Hick) Hindi kaba iinom...Oh gusto mo'ng itusok ko sa pwet mo ito'ng iniinom ko na bote" Kahit na pagewa'ng gewang na ang pagtayo at pabulolbulol na ang pananalita ni Niriharu, halatang halata na talaga na tutumba na ito sa sobrang kalasingan lalo na't napakalaki'ng bote ang tinutungga niya bawat segundo. Wala ako'ng plano'ng uminom dahil bukas na bukas ay aalis na ako sa distrito'ng ito at magpapatuloy sa paghahanap sa pasaway na bayani'ng iyon.
" Uhmm...Nirihar-" Isang malakas na hampas ng bote ang siyang tumama saaking bumbunan at nagpahalik saakin sa lupa. Hindi ko inaasahan na hahampasin ako ni Niriharu sa ulo ng pagkalakas.
" Salinan mo ako....(Hick) Isalin mo ito sa bose! painomin mo ako'ng moko'ng ka" Wika nito saakin, lumuhod ito saaking harapan habang ako ay nakahiga sa sahig dahil sa lakas ng pwersa ng hampas niya. Pilit niyang idinidikit saakin ang bote'ng hinampas niya saakin. Salamat sa tibay nito ay hindi ito nabasag nang ihampas niya saakin.
" A-ano'ng gusto mo'ng isalin? Wa-wala ng laman ang bote-"
" HUH!!! Ano'ng walang (Hick) Laman!" tugon pabalik nito.
" La-lasing kalang" bulong ko saaking sarili, ngunit ang pagbulong ko ay narinig niya at dinakot ang aking buhok at itinaas papalapit sakanyang namumulo at nahihilo'ng mukha.
Iritable na ang itsura ni Niriharu at pakiramdam ko ay hahampasin na niya ulit ako ng bote kung hindi ko siya susundin. Maririnig ko sa paligid at pagkakatuwaan ng mga Kabalyero ng Onigoroshi at bulungan tungkol sa paglalasing ni Niriharu.
" Naku delikado ito, Si Boss Urfang na ang target ni Kapitana, Dati lagi'ng si Vice Chief at Sir Yahno ang target niya"
" Oo nakakaawa nga eh, last na inom natin, ipinasok ni Kapitana yung buong nguso ng Bote sa tumbong ni Sir Yahno"
Napalunok nalang ako, mukhang hanggang dito nalang ako. Paalam na sainyong lahat. Ang pamamaalam ko saaking isip ay natigil salamat sa paglitaw ni Miss Akuto sa likod ni Niriharu at dinakot ang ulo nito patayo at pinagsabihan.
" Hoy...(Hick) Tumigil kana! Niri" saway ni Akuto dito. Napahinto nalang ako nang makarinig ako ng sinok sa kalasingan kay Akuto. Tinanggal naman ni Niriharu ang pagkakahawak ni Akuto sakanyang buhok at sinipa ito sa tiyan pabalik.
" Hindi ako lasing! KUTOOO!!" Sigaw ni Niriharu, malayo ang pinagtalsikan ni Akuto sa sipa'ng iyon at mukhang masakit ang pagkasipa sakanya dahil nahihirapan nang tumayo ito at nakaluhod nalang ang isang paa at nakadantay sa lupa ang isang braso. Agad na tinakpan ni Akuto ang kanyang bunganga at gumagawa ng tunog ng isang matandang lalaki'ng umabot na sa hangganan at masusuka na dahil sa dami nito'ng ininom o kaya naman nadisgrasiya ang tiyan sa isang insidente.

BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...