[Arc 1] Ch-22: Slightly Tension!!

718 90 0
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Iminulat ko ang pinahinga ko'ng mga mata at ang unang tumambad saakin ay ang pamilyar na kisame, pamilyar na kama at unan, isama mo dito ang mga pamilyar na nakakalat na libro sa kapaligiran at ang lumang ispada ni Ama sa gilid ng pintuan ko na nakabalot ng ispada. Bumangon ako at ang una ko'ng ginawa ay magunat at gisingin ang buong parte ng aking katawan.

Ito ang una ko'ng tahimik na gising at tulog, walang nakatutok sa patalim sa oras na imulat ko ang mata ko etc. Narito na kami nila Ina sa baryo ng mga Wolfkin, Ang aming tahanan. Isang araw na ang nakakalipas nang umalis na kami sakanilang baryo. Pero hindi ko paring mapigilan na para ba'ng may importante ako'ng nakalimutan. Pero dahil nakalimutan ko ito, isa lang ang ibig sabihin nito! Hindi ito mahalaga.

Bumaba na ako upang kumain ng luto ni Zeer, siguro babalik na sa dati ang lahat, kinakailangan ko ng mahabang pahinga upang maproseso ng tama ang mga nangyari. Matapos ko'ng talunin ang Minotaur, agad na umalis ako para hindi na nila ako maabutan, iniiwasan ko'ng magipon ng atensiyon para saaking kaligtaasan, nagtungo ako sa mansion ni Elder kung saan naabutan ko si Ugino na wala paring malay.

Maraming nangyari siguradong sigurado ako dito. Tinadtad ako ng tanong ni Elder at sinungitan pa ako ng kanyang Ina na siyang ikinainis ni Ina. Pero salamat sa milagro tapos na ang lahat at narito na kami sa bahay. Na resolba na wala ako'ng plano na kunin ang posisiyon ni Elder na isa palang hindi pagkakaintindihan sa panig dahil simula palang ay hindi na talaga kami kukunin ni Ugino bilang tagamana niya.

Kaya sa pagbaba ko sa itaas mula saaking kuwarto, isang hindi kapani-paniwalang kaganapan ang nagaantay saakin. Dalawang pamilyar na pigura ang siyang nagaantay sa ibaba habang nakaupo sa magarbong malambot na upuan namin. Ang isa ay isang lalaki na umiinom ng tsaa na gawa ni Zeer.

" Urgh..." tunog ng aking pandidiri at dahil nawiwirduhan na ako ng matindi, tila sa isang tungin ko palang at sa oras na makita ko ang kanyang buong presensiya tila umatras na ang buong kaluluwa ko sa oras na makita ko siya. Walang iba kung hindi si Keynet Astrat El Foxenburg at kasama niya si Ugino!. Fuck!.

Kailan inaakala ko na malalasap ko ang mapayapang buhay hangga't may oras pa ako. Tila ang pagiisip ko nito ay mabilis na bumaliko at tumakbo saaking sarili. Lapitin talaga ako ng gulo.

" Tsk..." sa kabila naman, pinapakita ni Zeer ang pagkakarinda sa oras na makita niya si Ugino na nasaloob ng aming bahay.

" Oh?...ganyan ba ang isang katulong? ganyan ba ang katulong ng pamilya ng Wolfencreed sa pagpapakita ng respeto sa bisita? If Tama ako, dismiyado ako" wika ni Ugino. Nagulat ako dahil madalas hindi pinapansin ni Ugino ang mga bagay bagay na ito pero sa kasamaang palad, lalo pa'ng lumalala ang pangyayari lalo na't nang makita ako ni Keynet, tumayo siya sa pagkakaupo at itinigil ang paginom ng tsaa at nagsimulang iikot ang kanyang dila sakanyang labi na para ba'ng nakakita ito ng napakasarap na mainit na pagkain.

" MAGANDANG UMAGA!...URFANG! MY WOLF BOY! ba't naman kayo umalis ng walang paalam saakin! hindi ko taloy nabigay ang reward dahil na talo mo ako!" wika ni Keynet saakin. Mabilis siyang lumapit saakin at hinawakan ang aking kamay. Ramdam na ramdam ko ang pawis sakanyang kamay na mabagal at nakakapangilabot niya itong nilalamutak saaking palad.

" So...handa kana-" isang malakas na pwersa ang tumama kay Keynet na siyang nagpaturpit sakanya ng ilang dangkal mula saakin. Ngunit ang pwersang ito ay walang kasamang kahit na ano sa kapaligiran kahit ang hangin ay hindi nakaramdam ng pwersa at umayon dito. Isa lang ang ibig sabihin ay isa itong Spiritual Force. Na siyang hindi kupa natutunan gawin.

" Don't touch my son" Isang pangbabaeng boses ang narinig namin mula sa malayo. Bumagsak si Keynet sa lapag na para ba'ng hindi siya tinangay ng napakalakas na pwersang ito.  Ang boses na ito ay nanggagaling kay Ina. 

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon