[Arc 3] Ch-3: Deal with It!

264 42 3
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Habang naglalakad kami ng magkasabay ni Shin, isang binata tulad ko na beastmen o Rabbitmen, minabuti ko'ng alamin kung ano na ang sitwasiyon sakanilang baryo. Ngunit nagulat ako saaking nalaman, bukod sa mga adventurers na mandirigma na pansamantalang nananatili sakanilang baryo, isang misteryoso'ng nakasuot ng makapal na balabal ang tumulong sakanila.

" Hmm....Adventurers pala ang tumulong sainyo" saad ko dito.

" Opo ang ate ko po kasi ay isa'ng adventurer, naparito din ako para bisitahin siya" tugon niya saakin. Kung ganuon ang Shin Rorore na ito ay may koneksiyon sa mga adventurers, magagamit ko siya.

" Paumanhin kung ipapaalala ko pa saiyo kung ano ang mga nangyari sa kalamidad na iyon pero maaari ko ba'ng malaman kung ano'ng klaseng mga demonyo ang umatake sainyong baryo?" Paumanhing tanong ko dito. Imbis na sumimangot, ngumiti nalang si Shin saakin at ipinahayag ng lahat ng kanyang nalalaman.

" Isa'ng malaking lagusan nalang ang lumabas sa gitna ng baryo namin, at ang mga sumunod na nangyari ay masasabi ko nalang na 'Bangungot' na hindi ko na gusto'ng maalala. Pero isa'ng demonyo ang nanaig sa hukbo'ng galing sa lagusan. Isang demonyo'ng may imahe na maitutulad sa isa'ng tao, ngunit may malahalimaw na kapangyarihan ito. Siya ang dahilan kung bakit ang mga lupa namin ay hindi pa pwedeng taniman" kuwento saakin ni Shin.

" At sinong demonyo ito? Nagsabi ba ito ng pangalan o sinabi niya ba ang kanyang ranggo?" seryosong tanong ko dito. Napahinto nalang si Shin sa pagtutulak ng kanyang kariton para isipin ang mga kinakailangang detalye. Hanggang sa sinimulan niya ulit ito'ng itulak at sabihin saakin ang kanyang mga naalala.

" Mahaba ang sinabi niya'ng pangalan...pero ang naalala ko ay ang titolo niya na 'High Templar' at napakalakas ng kanyang mahika na 'Yelo' sa isang iglap ang aming baryo ay napalibutan ng yelo at niyebe" sa oras na sabihin saakin ito ni Shin. Hindi ko mapigilang manginig at sipain ng aking alaala. Isa'ng demonyo lang ang kilala ko na may matinding kapangyarihan sa yelo.

Ang demonyong nagpahirap saakin sampung taon na ang nakalipas. Pero maliit ang posibilidad na ang demonyong iyon ay pareho sa demonyo'ng sumugod sakanilang baryo.

" Hays....Nakakainis ma'ng isipin! dahil sakanya ay nasira ang klima ng aming baryo, summer na summer pero sobrang lamig duon, kinailangan naming ilipat ang taniman at pagyamanin ulit ang lupa at bumili ng napakaraming binhi" malungkot sa dagdag ni Shin.

Mukhang hindi lang pala ako ang nalalagay sa problema hehe. Ang mga kasabay naming tao ay nagtitinginan saaming lahat. Malamang hindi masyado'ng welcome sa distrito'ng ito ang mga tulad naming Beastmens. Pero lahat sila ay tumabi sa daan nang makita nila ang mga nakaparadang kabalyero. Isang higanting kargada'ng tungtungan ang buhat-buhat ng mga lalaking nakaputi at sa taas ng tungtungan ay may babae'ng nakasuot ng puti'ng magarbo'ng damit at nakatakip ang kalahati ng mukha na tanging mata lang ang kita dito.

May maraming makikintab ang nakasabit sa leeg nito at suot-suot na singsing. Sa oras na makita ito ni Shin, pati siya ay gumilid din tulad ng iba at umalis sa dadaanan ng parada'ng ito. Kaya wala ako'ng choice kung hindi tumabi. Masyado'ng guwardiyado ang babaeng nasataas nito. Kaya minabuti kunang magtanong kay Shin, dahil mukhang kilala niya ito.

" Shi-shin! Sino ya'n-"

" Sinabi saakin ni Ama na ang second district ang tinagurian bilang 'Adventurer's Domain' pero  may pangalawang tawag din dito. 'Cathedral Palace' , dahil dito naka himlay ang Divine Cathedral, isa'ng malaking simbahan para sa Diyosa ng pagkalikha at ang simbahang ito ay may tao o 'Saint' na sinasabing kumakatawan sa simbahan ng Diyosa, ang Messiah! The Divine Maiden! sabi nila nakikita niya ang kinabukasan ng mundo natin!" Paliwanag saakin ni Shin, Hmph..Mukhang maraming alam si Shin sa mga bagay na ito, how convinient.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon