[Arc 2] Ch-21: Three Man-Cell

414 52 3
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko saaking dalawang mata ang tunay na lakas ng tinatawag na Demon Vice Chief dito sa unang distrito ng Kapitolyo at masasabi ko talaga na pa'ng demonyo ang galing niya sa paghawak ng kanyang ispada. Bawat pagtama ng kanilang ispada sa isa't-isa ay lumilikha ng napakatinding pwersa sa kapaligiran.

" HAHAHA! AKUTOO!! Minaliit kita kanina pero hindi na ngayon!! Hindi mo ako matatalo hangga't hindi mo nilalabas ang kademonyohan mo!" wika ni Gladilus. Ang kidlat na ispada nito ay lalo pa'ng tumindi, ang bawat hampas nito ay lumilikha ng hiwa sa mga pader kahit na hangin lang ito na nagmumula sakanyang pwersa kasama ng malakas na kidlat na nagmamarka sa kapaligiran nila. Nakikita korin ang mga maninipis na galos ng sugat sa katawan ni Akuto. 

" Hmph..Tumahimik ka!" sigaw ni Akuto. Sigurado ako'ng malapit na sa hangganan ang kakayahan ni Akuto. Nakikipagsabayan siya sa isang higanteng demonyo at base saaking obserbasiyon, maiitulad na ang demonyong ito sa isang 'High Templar' na isang matinding demonyo para labanan ng mag-isa at pantayan sa isang isa laban sa isang laban.

" [Fast-Draw| Fearless Blade] " Isang mabilis na pagkumpas ng ispada ang pumantay sa bilis ni Gladilus. Maski si Gladilus mismo ay nagulat sa biglaang pagbilis ni Akuto. Pangbihira para saakin, ang lightning magic ng kalaban ay tila walang bisa ang dagdag na bilis dahil sa ipinapakitang sariwang bilis ni Akuto.

Nagsisilabasan na ang napakaraming ugat sa kamay at braso ni Akuto, buong lakas na ba niya ang aking nakikita? tanong ko saaking isipan.

" Delikado na ito, malapit na siya sa hangganan, ang Fast Draw Series Techniques ay  may hangganan. Ang layunin ng skills na ito ay pataasin ang pisikal na fortitude ng paghawak ng ispada ng gumagamit ng technique na ito. Maihahantulad ito bilang 'Mahika' ng isang mandirigma na gumagamit ng i-isang sandata at iyo nag Ispada" saad nito.

" Kung ganuon...Matatalo siya sa labang ito, Succubus?" tanong ko dito.

" Succubus?? May pangalan ako! at hindi ako Succubus! inaamin ko na may dugo ako ng mga demonyo pero hindi ako Succubus! purkit babae ako!!!" Reklamo nito saakin.

" Hmph..wala ako'ng pake, 'Succu' nalang ang itatawag ko saiyo"

" S-Succu? ayos kalang? hindi ba nauntog ya'ng kokote mo? May pangalan ako! 'AKRIEL'
 A-K-R-I-E-L ayan ang itawag mo saakin!" wika nito saakin. Hindi mo ako madidiktahan Succu!.

Habang nagtatalo kami, nahinto ito dahil ang katawan ni Akuto ay pumalipad saaming direksiyon, sinalo namin siya ni Succu at sinoportahan upang makatayo agad. Mainit na ang kanyang katawan, agad na nakita ko ang nangingitim na dulo ng kanyang mga daliri na malamang ay natusta na sa paghawak ng kanyang ispada na nakikipagbasag ulo ng malapitan sa matinding enerhiya ng kuryente na nalalabas ng Gladilus na iyon.

" Tapos na ang laro, pwede ko na ba siya paslangin? Professor?" tanong nito kay Akila.

" Hmph...Hindi ko inaasahan na magiging tunay na demonyo ang 'Manslayer', Bahala kana...kung ganyan lang naman kahina ang itinuturin ko'ng perpektong likha, dapat na siyang mawala sa mundo" tugon nito, Nang makakuha ng permiso si Gladilus kay Akila, ibinaba niya ang kanyang ispada at iniharap saaming direksiyon ang kanyang palad. Isang kasing laki ng kanyang katawan ang lumabas na Dilaw na Magic-Circle dito.

" Tusta! Tusta! [Lightning Magic| Outburst!] " Sa isang sigaw nito. Ang Dilaw na Magic-Circle ay naglabas ng matinding puwersa ng kuryente na tumusta sa buong eskinita. Isang malakas na pagsabog ang aming natamo dito. Pero hindi kami nagawang galusan ng atake'ng ito salamat kay Poole.

" Bwiset...Mukhang hindi kuna kakayanin ang isa pa'ng atake na ganuon kalakas" wika saaking isipan ni Poole. Kidlat ang kahinaan ni Poole na isang Water Spirit. Mukhang utang ko sakanya dahil nakakatayo pa kami dito habang ang lugar na pinanggalingan ng atake ay nangingitim na sa tindi ng kidlat. Kaya pinagpahinga kuna si Poole.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon