{Icaro Orudata}
Maraming araw na ang lumipas sa gabing iyon. Ang gabi na namuno ang kasamaan ng mga demonyo at tao na kami ang pumigil dito. Salamat sa Onigoroshi at kay Urfang ay nagawa naming hulihin ang may kagagawan ng lahat. Akila Gijikata Noburo, ang kauna-unahang Alchemist Wizard na tumapak sa siyensa ng mga demonyo. 20 years na ang lumipas nuong unang nasilayan namin ang una niyang eksperimento at ang sakripsiyo sa hindi makataong eksperimento niya ay isang buong baryo. Ang baryo'ng iyon ay nasunog at halos naubos na lahat ng nakatira dito. Ito ang unang beses naming nakaharap ng malakas na demonyo.
Sa 20 years ay bagong silang palang ang Onigoroshi at hindi namin inaasahan na makakalaban namin ang isa sa pinakamalakas na Demonyo sa kasay-sayan ng Utopia. Kinailangan panamin ng tulong ng Dating bayani na si Aerith Reylar. Ang pangyayari dati ay muling nangyari sa malaking distrito ng kapitolyo. Ngunit sa pagkakataong ito ay nagawa naming protektahan ang nakakarami, meron ma'ng nasawi ngunit hindi namin hahayaan ang kanilang sakripisiyo na masayang.
Ang mga bangkay ng mga taga-kulto na naging demonyo ay itinambak namin sa labas ng pader ng Kapitolyo. Kasama ko si Yahno at kasama ko din ang aking mga tauhan na nagpresinta na sumama saamin. Halos sandamak-mak na karuwahe ang kinailangan upang pagkasiyahin ang mga katawan ng mga nasawi. Paglabas namin ay itinambak namin ang mga katawan sa isang patag na lupain at binuhusan ng langis at sinunog ang kanilang mga katawan.
Habang sinusunog namin ito isang bangkay ng mga demonyo ang biglaang gumalaw at kumaripas ng takbo papalapit saakin, kahit na naagnas at lasug-lasog na ang katawan nito at nagliliyab patuloy parin ito'ng sumugod saakin at umastang kakalputin niya ako ng kanyang marumi at inuuod na kamay. Ngunit isang patalim sa noo ang nagpahinto dito at nagpabagsak sa lupa.
" Chief...Ayus kalang po ba" wika ni Yahno saaking likuran. Kahit kailan ay nakakagulat talaga ang lalaking ito. Kaya nilang pumasok sa sarili nilang anino at lumabas sa anino ng iba. Kaya malaking tulong na nasaamin ang serbisiyo ng former lider ng assassination group na sinasabing kumakaribal sa pinakamatinding at madugo'ng grupo ng mga mersinaryo.
" Yahno...Kamusta ang paglilinis sa Kapitolyo? " tanong ko dito.
" May i-ilang remnants ng kulto na nilinis ko, marami paring mamamayan na natatakot lumabas ng kanilang bahay at higit sa lahat...balita ko na pupunta mismo ang hukbo ng hari saating distrito upang kunin ang Demologist " Nagulat ako nang sabihin ito ni Yahno. Mukhang plano nilang mapasakamay si Akila. Ngunit hindi ko alam kung magtitiwala pa ako sa mga naglilingkod sa Hari dahil wala silan ginawang aksiyon sa naganap na kaguluhan. Tila pinabayaan lang nila na kami, Ang Onigoroshi ang pumigil dito.
" Sino ang dadalo saating tanggapan?"
" Nilrem Lithios, The Royal Army Commander" saad saakin ni Yahno. Hindi ko alam ang mararamdaman dito. Ang Nilrem Lithios na iyon ang siyang bibisita saamin? mukhang importante talaga at seryoso silang kunin si Akila. Si Nilrem Lithios ang kauna-uhanang kabalyero na tinatawag nilang 'Great Wizard'ng Hari sa murang edad at ang nakababatang kapatid na lalaki ng Reyna. Isang big shot ang pupunta saaming pangkaraniwang tanggapan.
" Kailan darating si Sir Nilrem?" tanong ko dito.
" Two days from now on..Sinabi nila na bibigyan ka nila ng parangal dahil sa marangal at pagiging wasto mo'ng kabalyero at katapatan mo sa hari" tugon ni Yahno. Ang pader ng Kapitolyo na nagproprotekta sa labas na atak ay pinoprotektahan ng hukbo ng hari. Lumikha sila ng maliit na fortress na siyang humahadlang sa gusto'ng lumapit sa pader at ang pinuno nito ay si Nilrem Lithios, ang Great Wizard ay sinasabi'ng mahusay sa pagwasiwas ng ispada.
Ni-rerespeto ko ang lalaking iyon ngunit ang paraan niya sa pakikisama sa mga Beastmens at iba pa'ng lahi ay hindi katanggap-tanggap siya ang naglabas ng batas na kahit sino'ng lahi ang magpakita ng paglabag sa kagustuhan ng hari ay siyang magiging alipin habang buhay o mamamatay sakanyang kamay, sa lahat ng nakita ko'ng akusasiyon mula sakanya ay kinatha niya lang. Tulad ng pagkamatay ni Alestair Von Wolfencreed.

BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...