[Arc 2] Ch-14: Fawning

581 64 1
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Hindi ko inaasahan na gagamitin ko ang itinuro saakin ng aking guro sa nakaraan ko'ng buhay. Ang kumapit sa buhay hangga't humihinga ka pa at nagagalaw mo pa ang iyong binti at braso.
Sinasabi saakin ng aking guro na nauunang sumuko ang katawan sa laban ngunit ang kaluluwa ng isang mandirigma ay hindi kailan man susuko o madudurog sa laban. Hangga't hindi ka sumusuko, magagawa mo'ng gamitin ang [Death Dance] ang sayaw ng kamatayan na gumagana lang sa kritikal na kondisiyon ng katawan.

Nang imulat ko ang aking mata, ang una ko'ng nakita ay isang kisame na hindi ako pamilyar, ang aking katawan ay nababalot ng benda. Nang subukan mo'ng bumangon dito na sumipa ang sakit at kirot ng bawat kalamanan ng aking katawan. Sinubukan ko'ng tawagin ang si Poole ngunit wala paring tumutugon saaking tawag, pati ang aking mga alagad.

Isang kuwarto na tanging higaan lang ang laman. Walang bintana at tanging i-isang pinto lang ang naririto. Bumukas ang pinto at nakita ko ang pamilyar na mukha na may dala-dalang mansanas na kinakagat nito.

" Gising kana pala?" tanong nito saakin. Ang lalaking ito ay si Yahno. Ang lalaking lumason saakin dahilan kung bakit hindi ko magamit ang ispiritwal na pwersa ko saaking katawan ng maayos.

" Huwag ka'ng magalala dahil tinaggal kuna ang nakakamatay na lason sakatawan mo ngunit ibinalik ko ulit ang Silencer, Isang espesiyal na lason, pangontra sa mga tulad niyo'ng spirit users at magic users" Paliwanag nito saakin.

" Kung ganuon 'medyo' niligtas mo ako?"

" Ayan ba ang pagkakaintindi mo? Hindi kita niligtas, ang isang tulad ko na pagnanakaw lang ang kayang gawin ay hindi maaring magpreserba ng buhay" tugon nito.

" Mukhang malungkot ang nakaraan mo ah, nakikita ko sa mga mata mo" wika ko dito. Tila naalala ko ang aking sarili sa oras na makita ko ang kanyang mata, ang Mata na pamilyar saakin dahil sa oras na tumingin ako sa salamin, nakikita ko ito palagi, Ang mata ng pagsisise na kahit kailan sa buong buhay ko ay hindi ako nilubayan.

" Nasaan na ang ba-bayani?" tanong ko dito. Umiling ito saakin at ibinato ang isang mala pekeng balat na piraso ng marka ng bayani.

" Peke ang isang iyon, maraming nagpapanggap na bayani para makakuha ng espesiyal na prebilehiyo sa nakakarami at sa kapitolyo, salamat nadin saiyo ay nahuli mo ang isa sa mga namumuno sa kulto" Matapos nito ipinaliwanag na lahat ni Yahno saakin ang lahat.

Sinabi niya saakin na ang Elf na nakalaban ko na gumagamit ng kakaibang sandata na pana at palaso ay ang nakakabatang kapatid ng dating bayani na labing walong taon nang patay.
Aerith Reylar, sabi ko na nga ba ay pamilyar saakin ang pangalan na ito dahil ito ang nakaraang pinili ng Diyosa ng pagkalikha na bayani niyang nabigo. Nakipagkampihan ang kanyang kapatid sa misteryosong nilalang na sinasabi niya'ng nagiipon ng mga kasapi para patalsikin ang hari sa upuan nito.

Ang Demon Cult ay binubuo ng nagiisang lider at may kinalaman ang isa'ng to sa pangyayari sa unang distrito ng kapitolyo. Ang nakalaban ko ay siyang namumuno ng Hukbo o pwersa ng Kulto. Isang Alchemist Wizard ang nagplaplano ng lahat.

 "Ba't mo saakin sinasabi ang lahat ng ito?"

" Ewan ko sapalagay ko ay nararapat mo itong malaman dahil ikaw ang nakahuli sa isang tulad niya na malaki ang maitutulong upang itama ang direksiyon ng pagsunod namin sa buntot ng kulto" wika nito saakin.

" So? sino ang pinuno na sinasabi niya na namumuno sakanila?" 

" Wala siyang sinabi tungkol  dito, pero salamat sa interogasiyon ni Niriharu marami kaming nalaman" napalunok nalang ako nang malaman ang nangyari sa lalaking iyon. Mukhang sinapit niya din ang sinapit ko pero ang masmalala ay para'ng masmalala ang kanya.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon