[Arc 1] Ch-2: A Fiery Coldness

1.1K 94 14
                                    

{Tifa Rey Von Wolfencreed}

Masarap talagang gumising ng maaga lalo na't ang nagaantay saiyo ay masarap na almusal na ihahain saiyo ng iyong pinakamamahal na Ina, Pero ang araw na ito ay hindi ordinaryo para saakin ang araw na ito ay ang aking kaarawan. Lalo na't ngayong araw ang uuwi ang aking ama galing sa Utopia.

Mag wa-walong taong gulang na ako! Lamang ako ng ilang araw sa mokong na iyon, Habang ako ay nagmumuni-muni at naghahanda sa pagalis saaking malambot na kama, Ang pintuan ng aking kuwarto ay bumukas at ang nagbukas nito ay si Ina.

" Tifa!! Hali kana at sabay na tayong kumain sa baba at tulungan mo ako'ng maghanda para saiyong kaarawan!" 

" Eh!!??? Kaarawan ko pero tutulong ako sa paghahanda? Nagpapatawa kaba Mama?"

Ang aking pagiinarte ay nauwi sa parusa, Strikto talaga ang aking Ina, Kahit minsan hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. She's a cold hearted Woman, buti nalang talaga hindi ako nagmana sakanya, Pero dahil sakanya. Hindi ko namana ang pagiging malamig na babae ni mama ngunit namana ko ang kanyang aspeto sa paggamit ng mahika at hindi ko alam kung nananadya lang ba ang tadhana pero ang pangarap ko'ng mahika ay apoy! at sa kasamaang palad hindi ko namana ang pagiging mandirigma ni Papa. 

Ang aking pisikal na na lakas ay maiihantulad sa isang normal na tao ngunit ang aking mahika ay napakalakas na maiihantulad na ako sa mga Foxkin na ang espesiyal ay mahika at ispiritwal na kapangyarihan. Dapat ang mga Wolfkin ay eksperto at may malaking advantage sa pisikal na lakas pero narito ako, Isang Salamangkera. Ngunit wala pa'ng nakakaalam na sa murang edad ko. Nakakagamit na ako ng mahika.

Hanggang sa naalala ko nanaman ang mokong na iyon. Mayroon ako'ng nakakabatang kaibigan, sa totoo lang hindi ko siya matatawag na kaibigan dahil umpisa palang ay related na kami sa isa't-isa dahil magpinsan ang aming ama. Pero wala ako'ng pake sa mga lebel na nakataktak saamin sa oras na ilabas kami sa mundong ito!. Siya ang karibal ko sa titolo ng kanyang namayapang ama. Ako ang magiging 'Strongest Wolfkin'. 

Ang preparasiyon saaking kaarawan ay inabot ng napakatagal, Pero sa oras na pinayagan na ako ng aking ina na lumabas sa labas ng bahay at magpahinga. Ako ay mabilis na nagtungo sa pamamahay nila, Isang malaking mansion ang kanilang bahay kumpara saamin. Ang kanyang ina ay isang Foxkin. Kahit na magkahiwalay ang angkan ng mga lobo at soro, Naririto sa baryo namin si Madam Alondra na may nakakataas na relasiyon sa mga foxkin ngunit mas pinili niyang manirahan saaming baryo para makasama ang kanyang minahal na lalaki.

Love is great isn't? Nagagawa mo ang lahat para sa taong mahal mo, kahit na wala na siya sa mundong ito. Nang kumatok ako sa pintuan nila, Tumambad saakin ang kanilang kasambahay na lagi ako'ng pinagtritripan. Ikinuot ko ang aking noo at pinalobo ang aking pisngi sa pagtingala ko sakanya.

" Hmph! Ikaw lang naman pala.....timawang pandak" pangangasar nito saakin, Binawain ko siya sa pamamagitan ng aking pangontra.

" Anong pandak! lalaki din ako! Ikaw nga eh! ang tanda-tanda muna wala paring nagkakagusto saiyo kasi ang pangi-"

Ito ay isa sa mga bagay na pinagsisisihan ko sa mga naging desisiyon ko, Hinablot ni Zeer ang buong bumbunan ko at binuhat para ipaglapit ang aming mukha.

" Hoy Pandak..... Sa oras na banggitin mo ulit ang mga bagay na iyan....tandaan mo, mahilig ako'ng magtanim ng halaman at alam mo ba ang ginagawa bago magtanim ng halaman?"

" A-ano...." hindi kuna maramdaman ang lupa sa sobrang pagtaas niya saakin, kakaiba ang lakas ng demonitang babaeng ito! Ang mga demonyo sa alamat na naririnig ko ay mga halimaw na walang awa,dugo at pananakot lang ang gusto nilang gawin, Pero para saakin si Zeer talaga ang tunay na kumakatawan sa mga demonyo.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon