[Arc 2] Ch-5: Dominance and Willpower

640 66 1
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Hindi ko alam kung matatakot ba kami ni Blake sa trato ng mga Lizardmens o hindi, pero matapos ako'ng hamunin ng duwelo ng kanilang 'Pinuno'. Kasalukuyang inimbita kami sa kanyang pamamahay at pinagtimpla pa ng kakaibang tsaa.

" Pa-pasensiya na kayo saaking asawa, Mas prayoridad niya ang tumanggap ng hamon dahil siya ang kasalukuyang pinuno ng aming baryo" Paliwanag ng asawa nito. Authority Struggle, ito ang una ko'ng naisip nang malaman ko ang paraan nila ng pagpili ni lider. Lahat ng kalalakihan sa Lizardmen Village ay may karapatang maging pinuno, ngunit kinakailangan mo'ng talunin ang kasalukuyang pinuno.

Nakakapagtaka ang mga lizardmens dahil wala silang bakas ng pagiging tao, maliban lang na ang kanilang katawan ay humanoid, Pang butiki ang kanilang mukha ngunit ang istraktura o posture ng pangangatawan nila ay pa'ng tao, nakakatayo sila sa dalawang paa nila, may buntot din sila tulad namin ngunit ang kanilang buntot ay may matitigas na kaliskis tulad ng kanilang balat. Ang mga ngipin nila ay maliliit ngunit napakarami at matutulis ito.

" Bo-Boss...Ano ba kasi ang ginagawa natin dito!" bulong saakin ni Blake.

" Ngayon ka pa nagtanong! sumama ka saakin ng walang pahintulot ko at pinapaalis kita kanina para huwag kanang madamay kaya ayan! na stuck tayo sa kabaliwang ito!!! Kaya ayoko nang marinig yang bibig mo na magreklamo!"

" So-sorry boss"

Ang unang tingin ko sa mga Lizardmens ay mga bano na walang kontrol at hindi sibilisado, ngunit nakakagulat dahil mayroon silang sistema at higit sa lahat, magagalang at mababait ang mga ito, kahit saaming mga istranghero na tumapak basta-basta sakanilang teritoryo na walang pahintulot. Itinaas ko ang aking kamay upang magtanong sa asawa ng Pinuno ng Lizardmen na nagimbita saamin.

" Uhm...Lady-"

" Josefin, My name is Josefin! JOSEFIN! nalang ang itawag mo saakin" pagtama nito saakin, Para sa isang butiki mayroon itong sosiyal na pangalan.

" Maaari ba naming panoorin ang duwelo sa pagitan ng pinuno at gustong maging pinuno?" Pakiusap ko dito. Hindi ko alam kung ngumiti siya saamin pero tumango ito at pinasunod kami sakanya upang gabayan sa lugar ng paglalaban.

Sa paglabas namin sa kanilang bahay, tumambad saamin ang napakaraming Lizardmens na nakapaikot sa laban na nagaganap sa gitna. Ang Pinuno na nakainitan ko ay lumaban sa tulad niyang Lizardmen. Ang kanyang sandata ay Sibat habang ang isa ay dalawang hawak na ispada.

Pinapanood ko ng mabuti ang kanilang pagpapalitan ng atake, nararamdaman ko na sa bawat pagsasalubong at pagkrukruss ng kanilang sandata at pwersa ay gumagalaw sa iba't-ibang direksiyon ang hangin sa kapaligiran na sapat na para pasayawin ang aming buhok ni Blake.

Ngunit ang kanilang atake ay hindi tuma tama sakanilang katawan o ulo, kaya akala ko na hindi ito isang laban na patayan ngunit napansin ko din na ang kanilang atake ay nakatuon sa kanilang likuran, paulit-ulit silang naguutakan at pilit na inaatake ang kanilang likod na siyang pinagtataka ko.

Hanggang sa napansin ko na tumama ang atake ng pinuno sa buntot nito, tinuhog niya ang buntot ng kanyang kalaban at hiniwa ito. Dito na tumigil ang kanilang mainit na laban. Kinuha ng lider ang kanyang buntot at itinaas nito. Lumuhod sa pagkatalo ang kalaban habang ang mga nanonood ay nagdiriwang.

" WHOOOAH! WALA PARING PINAGBAGO SI LIDEER!"

" WALANG TATALO KAY LIDER!"

Medyo naguguluhan ako ngunit malinaw na saakin na ang magdedeklara sa pagkapanalo ay ang pagkaputol ng buntot ng kalaban.

" Ehem! Ang buntot naming mga Lizardmens ay sumisimbolo saaming 'Pride' at 'Dignity' kaya sa oras na maputol ito, mawawala na ang dalawang ito sa pagkatao mo, pero huwag ka magalala dahil tumutubo ang mga buntot naming mga Lizardmens, ngunit iba parin talaga ang tulad ni Roshan na minsan sa buhay niya ay hindi pa napuputulan ng buntot" Paliwanag niya saakin.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon