[Arc 1] Ch-25: The Wolves and Foxes

748 88 3
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Nakakabilib ang aking ina dahil sa isang saway ay napahinto at napatigil niya ang nagaganap na laban ng dalawang ito. Binatukan niya din si Zeer dahil sa pangunguna nito. Kakagising ko lang at ang dami na agad na nangyari. Biglang dumating sa pamamahay ko si Keynet at Ugino, biglang binigyan niya ako ng babantayan at aalagaang sapling at mukhang kinakailangan ko ito'ng patakan ng dugo at ihian araw-araw.

Kahit na nahinto ang away nila Tifa at Ugino nanatili parin ang kanilang asaran na tila wala'ng katapusan.

" Grr...." ginigitgit ni Tifa ang kanyang mga ngipin sa panggigigil kay Ugino dahil kahit na tumigil na ang kanilang laban, nakangisi parin ito sakanya na tila pinapakita niya na kahit itinigil ito, siya talaga ang pagwawagi sa dulo. Ako ay nagulat dahil nagsisimula na siya'ng magpakita ng emosiyon, masamang mga emosiyon ano kaya ang nangyari sa paglipas ng isang araw?.

" Nandito kaba para saktan si Urfang" Napahanga naman ako dahil agad na tumugma ang kanyang hula. That's right! lagi niya ako'ng sinasaktan!!. Ngumiti naman nang nakakatakot si Ugino at dahan-dahang ipinasok ang patalim ng ispada sakanyang lalagyanan sa bewang.

" Hmph...Hindi ko siya gusto saktan" Simpleng tugon ni Ugino. Nagulat ako sa tugon na ito! sawakas! tapos na siya sa pagiging mamamatay tao niya pagdating saaki-

" Kasi papaslangin ko siya" dagdag ni Ugino sakanyang tugon. Ah....Ah..Of course! Of Course sino ba ang niloko ko! nandiyan parin ang character traits niya na lagi ako'ng pagbabantaan. 

" HAHH!! Ano'ng pinagsasabi mo!!" nagulantang na sabi ni Tifa.

" Hmph..hindi mo kasi naiintindihan, kinakailangan ko'ng paslangin ang mga humaharang saaking landas ng pagpapalakas-"

" Hindi ko talaga na iintindihan! Baliw kana ba? nauntog kaba nung sanggol kaba! Kahit linawin mo pa ang dahilan mo para bantaan si Urfang! malinaw na hindi'ng hindi ito normal!"

" Tumahimik ka hindi ko tinatanong ang opinyon mo, hindi mo naiintindihan ang aking nararamdaman"

" HAAAAAAAAAAH! Suko na ako!!" kahit na ano'ng areglo ang ipinapamalas ni Tifa, wala ito'ng kuwenta pagdating sa katigasan at sa bagsik na likas na katangian ni Ugino.

Ano ba'ng mali sa sakanya, hindi biro ang pumaslang. Iniyugyog kuna lang ang aking ulo at tinapos ang aking kinakain. Bagama't patuloy parin sila sa pagaaway nilisan kuna ang aming Mansion at nagpaalam kay Ina at Zeer na lalabas lang ako saglit.

Hindi na ako napansin ng dalawa dahil busy pa sila pag-aaway gamit ang mga salita. Dinala ko palabas ang sapling na nasa paso upang diligan sa kagubatan, Hindi ko ito maaaring diligan sa loob ng bahay o malapit sa bahay dahil kakaiba ang pagdidilig dito. Saktong-sakto, saaking paglabas nakasalubong ko ang isang batang babae na medyo kaidaran ko at may hawak nalalagyanan ng pagkain.

" Argh...ahh!" sa oras na magsalubong ang aming mga mata, hindi na niya nagawang tumingin ng diretso saakin at lumingon nalang sa gilid at huminto, inaakala ko na pupunta siya saaming mansion ngunit mali ako dahil huminto nalang ito bigla. Tila ba'ng may gusto saakin ito'ng sabihin pero na uutal at hindi mapigilang manginig sa takot. Nakakatakot ba talaga ako? alam ko na namana ko ang mukha ni Ama na nakakasindak pero..hindi ko inisip na ganito pala ito kalala.

Dito ko na siya nakilala, ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si Luna. Ang una 'sanang' normal na kaibigan ko na Wolfkin. Naaalala ko na hindi naman ganito ang kanyang ikinikilos nuong unang nagkita kami sakanilang kainin well, hindi niya na ito natatandaan kaya't nareset ang aming unang pagkikita. Sa madaling salita ito ang una naming pagkikita. Lumapit ako sakanya habang karga ang paso saaking mga braso. Ngumiti at sinubukang lumapit sa pader na nililikha niya sa pagitan namin. Mabilis na itinago niya ang hawak na basket ng kanyang mga braso sakanyang likuran na tila sinasadya niya talaga ito'ng itago saakin.

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon