{Akuto Jikikata Noburo}
Ako si Akuto Jikikata Noburo, Isang pangkaraniwang miyembro ng grupo ng mga kabalyero na pinapaigting ang kapayapaan gamit ang aming mga sandata. Nagsanay ako'ng gumamit ng ispada sa murang edad at hindi ko hinayaang maging hadlang ang aking kasarian. Lumaki ako sa isang bahay na pinupwersa ako'ng maging lalaki kahit na isa ako'ng babae, hindi kuna napansin na sa tuwing naririnig ko na tinatawag nila ako'ng babae, nababadtrip ako at sinusubukan ko'ng ihiwalay ang kanilang ulo sakanilang katawan.
Kaya nagdesisiyon ako, hindi ako lalaki at hindi ako babae isa, Isa ako'ng mandirigma. Ang mga mandirigma ay hindi kinakailangan ng kasarian! lalo na sa pakikipaglaban. Isa sa mga dahilan ko ay ang misteryosong paglaki ng aking dibdib na hadlang saaking pagkilos, Para saan ba kasi ang walang kwentang sobrang laman na ito?. Isang araw may nahuli kaming kahina-hinalang Beastmen at ikinulong saaming punong tanggapan.
Sa panahon na ito kinakailangan mo'ng paghinalaan ang bawat kakaiba at kahina-hinalang bagay sa mga tao saiyong paligid. Ito ay dahil sa pala na ng palalang krimen at kaso sa distrito ng kapitolyo. Ang unang distrito ng kapitolyo ay amin, Kami ang may responsibilidad sa mga tao dito, kasama ito saaming trabaho. Ngunit ang ikinaiinis ko lang ay napapadalas na ang disappearance ng mga tao, na siyang isinisisi saamin ng Upper Echelon ng Knightdom.
Ngunit paano namin masosolusiyonan ito kung hindi namin alam ang aming kalaban. Sino ba talaga ang may kagagawan nito, Ang bawat tao na nawawala ay iilan lang sa mga ito ang natatagpuan sa eskinita na malamig na ang katawan o bangkay na. Ang nakakapagtaka ay walang ipinapakitang senyales na pinaslang ito sa kung anong paraan. Umaapaw na ang mga request sa Guild ng mga Adventurers upang hanapin ang mga taong nawawala at ganuon din saaming punong tanggapan. Kaya kaming mga Onigoroshi ay nahihirapan ng lumabas mag-isa dahil dinudumog kami ng mga mamamayan at tinatanong ng walang katapusang tanong.
Hays, sobrang nakakapagod ang mga kaganapan saaking buhay, hindi ko inaakala na aabot sa ganito ang lahat. Kasalukuyang madilim na ang langit at bilog na bilog ang buwan. Sa oras na pumatak ang gabi, nagpatupad kami ng batas na dapat nasaloob na sila ng kanilang pamamahay, at kasama ang ibang miyembro ng Onigoroshi, Kami ang naglilibot at nagbabantay sa kanya-kanya naming parte na naka-assign saamin.
Ang maingay sa umaga at tanghali na unang distrito ay kaya palang tumahimik ng ganito, tanging kuliglig nalang ang aking naririnig sa kapaligiran. Habang naglalakad ako hindi ko mapigilang magunat at humikab, napakalamig kasi ng hangin at mapayapang-mapayapa na animo'y walang masamang nangyayari sa kadiliman na ito.
Napahinto ako saaking paglalakad nang makita ko ang isang tindahan, ang kariton na tinutulak, Lumapit ako dito upang suwayin ito at sabihin na delikado ang gabi na ito para lumabas ngunit ang nagtitinda na ito ay ang aking suki at laging binibilhan ng masasarap na uri ng pasta. Walang tatalo sa pasta, ang Niri na iyon, laging nilalait ang aking mga Pasta, Hindi niya ako katulad na kahit ano'ng pagkain ay sapat na sakanya, para saakin walang tatalo sa pagkain ng pasta sa ganitong pagod na katawan at isipan.
" Oh! Kuto!!" bati saakin ng matandang lalaki na nagtitinda dito.
" Akuto! Hindi Kuto! lagi niyo nalang nakakalimutan ang 'A' sa pangalan ko, Hays"
Umupo nalang ako sa upuan at inilapag ang aking pilak na barya at itinaas ang aking hintuturo, ang senyales ng aking paboritong order. Habang inaantay ang isang mangkok ng pasta na walang anumang halo, hiugod ko ang aking tubo na ginagamit ko sa paninigarilyo at nilagyan ito ng pulbura at saka kuna sinindihan. Nawawala ang aking pagod kapag nagsisigarilyo ako at matapos ko manigarilyo, kakain pa ako ng pasta.
" Whoosh" Buga ko ng usok.
" Hoy tanda, kung sakaling hindi ako ang nakakita saiyo malamang dadalhin ka nila sa presinto" wika ko dito habang sakrastikong nakangisi.
![](https://img.wattpad.com/cover/219893244-288-k750714.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate's Gate: Doom Saga
Fantasy"FG:DS" Namatay siya sa aktong pagtatanggol sa kanyang mundo laban sa kamay ng mga Demonyo bilang bayani, Ito ay dahil siya ang pinili ng Diyosa ng Lawa ngunit sa oras na tumapak siya sa Banal na Kalupaan sa kabilang buhay. Ang Lupain ng mga namaya...