[Arc 2] Ch-3: Mating Season's Tragedy

654 68 4
                                    

{Urfang Alestair Von Wolfencreed}

Nagising ako sa isang animo'y pangitaing panaginip!, Ilang taon na ang lumipas at sa panaho'ng nagdaan hindi maiiwasan ang aking pagtanda. Ang aking itsura ay iba'ng iba na sa pangbata ko ngayon, sa madaling salita isa na ako'ng binata sa panaginip na iyon at nakilala ko na ang bayani dito!. Pero saaking pagising, halos nakalimutan kuna ang kung ano ba talaga ang konteksto nito. Dahil nakalimutan kuna nagdesisiyon nalang ako'ng kalimutan ito dahil sumasakit ang ulo ko sa tuwing nagiisip ako ng matindi tuwing paggising.

Ito parin ako, walang pinagbago, walang timeskip o kung ano mang pangyayari, araw araw ko paring iniihian at pinapatakan ng dugo ang supling na ibinigay ni Keynet saakin at sa totoo lang sa paglipas ng ilang buwan ay nagsisimula ng tumubo ang dahon nito sa paso. Kahit nakakahiya ang proseso, wala ako'ng magagawa kung hindi sundin ang payo ni Ina at ni Keynet.

Sampung labing walong taon na ang lumipas at masasabi ko na malaki na ang pinagbago ko, ang aking pangkaraniwang pisikal na lakas ay nagimproved at kasama narin ang aking ispiritwal na pwersa, Nananatili parin si Poole bilang nag-iisa ko'ng kontrata, Pero hindi na masama ang kanyang abilidad, Tumataas din ang lakas ni Poole sa pagtaas ng aking ispiritwal na pwersa. Wala ako'ng ibang inatupag kung hindi palakasin ang aking mga [Servants]. Ang mga [Crowned Servants] ko ay patuloy ko'ng pinapalakas sa tulong ng level up system sa tuwing hinihigop nila ang mga kaluluwa ng kalaba'ng may potensiyal na lakas.

Pinaghiwa-hiwalay ko ang kanilang klase at itulad sa isang Chess Board. Ang dalawang Piraso ng Rook ko ay walang iba kung hindi ang aking Arcdemon Gagoyle na si [Gormeck], Ang kauna-unahang kusang loob na kaluluwang nais maging alagad ko at isang makunat,matibay at dambuhalang Minotaur na si [Bjorn]. Sila ang aking Rook Pieces na sumisimbolo sa depensa at suporta saakin.

Ang Knight Pieces ko naman ay i-isa palang, at siya din ang kauna-unahan ko'ng Regretful Soul na ginawang alagad, siya din ang aking Namayapang ama, gamit ang aking sariling ispirtwal na pwersa, i-nalter ko ang kanyang pagkatao at itsura at binura ang kanyang galit at memorya, Pinalitan ko din ang kanyang pangalan. Siya si [Wolf] Ang aking mandirigma'ng mahusay sa paggamit ng ispada, at siya ang maglalayo sa kapahamakan saakin.

Ang natitira ko'ng normal na alagad ay itinurin ko nalang bilang mga Pawn Pieces, sila ang mga Foot solidiers ko. Ang natitira ko'ng Limang [Gargoyles] at ang sampung [Protectors]ko. Ang aking sagradong sining o tinatawag na [Death Breeder] ay hindi ko masyadong inilalabas dahil sa masama ang epekto nito saaking kakontrata na si Poole. Hindi ko sila masisise dahil ang itim na likido na ito ay ang kanilang mortal na kaaway.

Nagtungo ako sa kagubatan, Hindi na ako nagpakita kay Ina o Kay Zeer tutal para ba'ng walang tao saaming mansiyon at ako nalang ang tulog dito. Nakakapagtaka dahil bawat paggising ko ay binabati agad ako ni Zeer at hinahainan kaagad ng almusal. Sa bagay matanda na ako, Binata kung baga, hindi na nila ako kailangang i-baby.

Tinawag ko si Bjorn sa pagpitik ng aking daliri, siya ay lumabas saaking harapan at nakaluhod ito saaking presensiya.

" Master Urfang! Bakit ka po napatawag!! "Ganadong pagbati ang kanyang ginawa sa oras na lumitaw ito saaking harapan. Parehong-pareho sila ni Gormeck ng laki kaya't pareho din silang magastos sa ispritwal na pwersa.

" Kinakailangan ulit kitang gawing pinuno ng aking hukbo, magmasid-masid kayo sa kapaligiran at pumaslang ng mga Magic Beasts! Then use their souls to empower yourselves" Utos ko sakanya, Pinalabas ko nadin sila Gormeck at Wolf na nakaluhod din saaking harapan.

As Expected hindi nagsasalita ang mga ito tulad ni Bjorn. Tumayo na ang mga ito at naglaho na saaking paningin, Ang tatlong Crowned Servants ko ay sumailalim na sa [Servant Ascension]. Ngunit masyadong komplikado ang proseso ng kanilang pagpapalakas, sa tuwing kinakain nila ang mga kaluluwa ng kanilang pinapaslang na malalakas na halimaw, hindi pare-pareho ang ibinibigay na lakas nito sakanila kaya naman araw araw ko silang pinaghahanap ng mga Magic Beasts na malalakas. Si Gormeck ay [26], Si Bjorn ay [25], at si Wolf ay [30].

Fate's Gate: Doom SagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon